CHAPTER 73

1217 Words

CHAPTER 73 Hindi ako nakagalaw dahil sa gulat. Limang segundong nagtagpo ang mga labi naming dalawa. Gulat na gulat ako nang iwan niya ang aking labi. “Ninong, wala sa usapan natin na sa labi mo ako hahalikan!” pagrereklamo ko. “Akala ko sa pisngi mo tatama sa labi pala,” inosenteng sabi nito. Ano? Hindi niya na ba kilala kung saan ang pisngi at kung saan ang labi ko? Para-paraan na naman. Sa ganitong mga paglalandi niya ako nakuha dati, eh. Kaya may Alas na nabuo dahil sa mga ganito niya. Nakangisi siya, umiwas ng tingin sa akin at nakipagkulitan kay Alas na parang walang nangyari. Teenager pa ba ako? Bakit ganito ako makareact nang halikan niya sa labi? Eh, sa dati nga, mas higit pa sa halik ang nagagawa naming dalawa. Nag-uusap silang dalawa ni Alas. Habang ako naman sa gilid

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD