CHAPTER 57 Naglakas-loob akong puntahan si Ninong Leandro. I have no choice. Marami siyang pera. Marami siyang koneksiyon. Makakatulong siya upang mapabilis ang pag-usad sa paghahanap namin kay Alas. Kahit sina Nanay ay pinayuhan din akong puntahan si Ninong upang humingi na ng tulong dahil alam niyang hindi na namin kaya. “Mag-iingat ka doon, Ligaya. May mga tinapay akong nilagay sa bag mo. May tubig na rin d’yan,” wika ni Nanay at binigay sa akin ang aking bag. Gustuhin man ni Nanay na samahan ako ay hindi naman pwede dahil sakto lang din ang perang dala ko para sa isang tao. Ang dami na naming utang sa ibang mga tao. “Salamat po, ‘Nay. Babalik na lang po ako rito kapag nakausap ko na siya,” “Sana nga at matulungan tayo ni Senyorito Leandro,” Kung kailangan kong lumuhod sa har

