CHAPTER 82 Pinigilan ko sila nang bigla silang tumakbo papunta sa loob ng kwarto namin. ”Natutulog pa si Alas baka magising!” sigaw ko sa kanila. Sabay silang natigilan at napakamot na lang sa mga batok nila. ”Sayang, ibubuhos pa sana namin 'to sa kanya” Naglakad sila pabalik. Si Senyorito Alejandro ang naglagay ulit sa baldeng hawak nila. Mga isip bata talaga. “Kayo talagang mga bata kayo. Pagtitripan n'yo pa ang kapatid n'yo,” umiiling na sabi ni Nanay. “Maligo na kayong dalawa at ng makapag-almusal na kayo. Sabay-sabay na tayong kumain ng almusal, mamaya magigising na rin sila,” utos ni Nanay sa kanilang dalawa. “We can help you cook! I know how to cook the egg!” Umiling agad si Nanay. Manggugulo lang sila kapag tumulong silang kumain. Lalo na ang isang Senyorito na mai

