ANG DAYA TALAGA NG isang iyon. Basta na lang inungkat ang nakaraan nila nang walang konsiderasyon sa kanya. Kinailangan pa siyang idamay sa kalungkutan nitong wala siyang balak makihati. Hinding-hindi na mawawala ang kirot sa puso niya sa kaalamang minsan ay naging isa siyang ina. Na nagdala siya sa sinapupunan ng kambal. Hindi nito kailangang isampal sa mukha niya ang masakit na parte na ‘yon ng pagkatao niya. May mas maayos na paraan. Selfish na siguro kung pakikinggan pero hindi dapat nito dinala sa lusak ang alaala nila at isisingit ang itim na bumabalot dito dahil ito mismo ang puno’t dulo ng lahat.
Sino bang gago ang nagsabi bumuntis ito ng babae sabay ipalalaglag? Ang laking tanga, hindi ba. Mahilig magpadalos-dalos ang isang iyon kapag napuno na. Hindi na nag-iisip at basta susundin ang tawag ng emosyon na akala ay hindi pansamantala ang resulta ng desisyon nito.
Napakagat-labi na lang siya at pinipilit pigilan ang nagbabadyang mga luha. Tapos na siyang umiyak para sa nakaraan niyang iyon.
Nasa guest room na siya sa bahay nila Sergi at nakahiga sa kama. Nakatingala sa kisame. Ayaw man niya ay naalala niya ang sinayang na mga taon kay Ignasi. Tama, sinayang. Nagsayang siya ng maraming pagkakataon sa maling tao. Ibinaon niya ang mukha sa unan nang kumawala na ang mga luha at malayang naglandas hanggang leeg niya.
Binulabog siya ng ring tone ng cell phone niya. Hinayaan niya muna iyon hanggang sa siya’y inantok at nagpasiyang magpahinga muna.
Sa kalagitnaan ng gabi ay naalimpungatan siya. Nagpalinga-linga pa siya at tiningnan ang madilim na kalangitan. Sunod na tiningnan ay ang relo sa pader. Hatinggabi na nga. Nang umilaw ang cell phone niya ay mabilis niyang hinaklit iyon. Iniwan niya iyong naka-silent kanina bago nagpatangay sa antok. Maraming mensahe galing kay Lucas at Ignasi. Humihingi ng paumanhin si Ignasi. Hinahanap naman siya ni Lucas at sana raw ay nasa maayos siyang kalagayan. Nag-aalala na ito dahil hindi siya nagpaparamdam. Ang huling mensahe ay galing kay Lucas, iyon ang naabutan niya nang umilaw ang cell phone. Nag-text siya na kung hindi pa ito matutulog ay gusto niya itong makausap.
Imbis na mag-reply ang kausap ay diretso na itong tumawag.
“Hey, Jessie, how are you?” bungad nito. Nakaramdam siya ng ginhawa nang marinig ang boses nito.
Tumikhim muna siya bago nagsalita. Namamalat ang lalamunan niya at nakailang tikhim pa siya bago niya nasigurado na okay na ang boses niya. “‘Eto, kagigising lang,” saad niya.
“Hindi ka na nakapag-dinner niyan?”
“Hmm, hindi na nga, eh. Tuloy-tuloy na ‘yong tulog ko.”
“Jessica, I miss you. Uwi ka na,” biro nito. “Nami-miss na kitang kasama mag-beach. Wala na akong kasama rito.”
“Ay sus, hinanap lang ako nang mag-isa na lang siya.”
“Hindi,” tanggi nito. “Gusto ko na ulit makita iyang mukha mo. Sarap pisilin ng pisngi mo, eh.”
She giggled.
“Miss ko na halikan ‘yang mga labi mo.”
“Hala.” Kunwari pa siya. “Kailan ba ulit kita makikita?” Hindi niya alam kung sadya itong nagpapaawa dahil naawa naman siya rito.
“‘Oy, ‘wag ka namang ganyan. Akala mo ba madali sa akin na magkalayo tayo,” sabi naman niya na parang official na mag-boyfriend at girlfriend sila.
“Bakit parang namamalat ang boses mo? Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong nito.
“Nahamugan ako kanina bago umuwi, eh. Ang lamig tapos umiyak-iyak pa ako. Nag-drama bago nakatulog.”
“Kaya ka pala hindi na nag-text. Bakit malungkot ang baby ko?”
“Yuck!” sigaw niya. “Baby talaga.”
Narinig niya itong bumungisngis. “Honey, sugarbear, love, mommy ko, sweetie, yema cake, kutsina, cinnamon roll. Choose your weapon.”
“Mommy ko?” saad niya. “The heck. Hoy, ang craving ko sa mga kakanin ay hindi pa nasa-satisfy, huwag kang ano riyan. Cinnamon roll, though.” Ang lakas ng tawa niya sa huli.
“My burrito bowl,” dugtong pa nito.
“Ugh, I want.”
“My California Maki.”
“Tangina, Lucas. Naglalaway na ako.”
“I love you.”
Napatigil siya. Narinig niyang muli itong tumawa dahil natahimik siya. Bumilis ang pagtibok ng puso niya. Pumikit siya at nagbilang ng hanggang sampu sa isipan. Teka, ito na ang nagsabi ng mga katagang iyon. Ibig sabihin ba ay handa na ito? Kung dito na mismo nanggaling iyon ay wala nang urungan ito.
“Are you sure about that?” nanantiyang tanong niya rito.
“Yes, baby. I love you,” ulit nito na pumuno ng saya sa pagod niyang puso.
Muli siyang pumikit at tumihaya ng pagkakahiga. “I see,” aniya.
“I see? That’s it?” naguguluhang tanong nito.
“You know, Lucas, ako ang madalas naghahabol sa ating dalawa. I wanna know my worth. How much do you love me?”
“I’m willing to wait until you get back. I’ll be here waiting for you. Saglit na lang naman iyan at makakabalik ka na rito. I-enjoy mo ang oras na kasama ang mga kaibigan mo,” anito.
“I know. Thank you. Ngayon na lang ulit kami nagsama-sama ng ganito.”
“Bakit ka nga malungkot, baby?”
“Baby, amp. Itigil mo nga iyan.” nangingiti na sita niya rito.
“Ayaw mo ba?”
Hindi na niya mapigilan ang pag-alpas ng tawa.
“Parang kinikilig ka naman, eh,” puna nito. “Hindi ko tuloy alam kung ayaw mo ba talaga o gusto.”
“Huwag nang babe o baby kasi!”
“Iyon ba ang tawag sa iyo ng ex mo?” anito.
Tumango siya na parang nakikita siya ng kausap. “Oo,” sagot naman niya.
“Si Ignasi?” ulit nito.
“Oo nga,” giit niya.
“Buti hiniwalayan mo ‘yon. Kung hindi, hindi na tayo magkakatagpo.”
Napangiti siya sa sinabi nito. “Siya ang nakipaghiwalay,” pagtatama niya rito.
“Tanga na ‘yon, hiniwalayan ka, eh.”
“Akala mo siya, hindi. Ang tagal-tagal mong nagpaikot-ikot bago ako sinabihan ng ‘I love you’,” aniya.
“Pero nagtagpo pa rin naman, hindi ba? I love you so much, Jessica,” ulit nito.
Wow, I love you so much raw. Sobra na siguro siya nito kung ma-miss. “I miss you, too, pork sisig.” Natawa siya sa ka-corny-han niya. “Parang tanga,” dagdag niya pa, bulong sa sarili.
“Bakit walang I love you, too?” ungot nito.
“Ay, demanding ang yawa.”
“Babyyy,” pilit nito.
“Hindi ako aware na ex ko pala ang kausap ko,” aniya sa mataray na tono.
“f**k that. You’re mine,” anito sa pinal na tono.
Napataas ang kilay niya sa narinig. “Sorry, sir. Private property na po ito. Trespassing kayo.”
“You want me to put a ring on it?” he teased.
“Gagooo. Sige nga,” patol niya.
“Okay.”
Natakot siya. “Anong okay?”
“Makikita mo pagbalik mo.”
“Sige. End call ko na, ha.”
“Babe. Ay, sorry, sorry. Tuna—peach mango pie, I’ll see when I see you. Ihanda mo ang sarili mo. Sinasabi ko sa ‘yo.”
“‘Ge, takot na ako. Ba-bye na po.”
Mahina itong tumawa. “Don’t sweat it. But remember, I love you, my dearest.”
Binalot ng payapa ang puso niya. “Thank you. I’ll see you when I see you, Lucas.”