NANG LINGGO RING iyon ay dumating na ang kaibigan nilang si Mel at Dominic. Wala namang inaksayang oras ang dalawa at tumulong agad ang dalawa sa taverna nina Sergi. Ganoon pa rin ang role niya. Sa kusina ng taverna na sila nagluluto at hindi na nila kinakailangan pang dalhin ang mga putahe mula sa bahay nila Emerald papunta rito para ipakain sa mga trabahador.
Minsan kapag tapos na sila ni Emerald sa kusina ay iiwan nilang kumakain ang mga tauhan at yayayain siya nito sa puntod ni Ivan. Tahimik lang siyang nakikinig sa mga kwento ni Emerald sa anak. Lilinisan nila ang puntod at mag-iilaw ng kandila. Itong linggong ito ay madalang kung makadalaw sila dahil ang sabi rito ni Sergi ay hindi ito kumportable na ang asawa lang nito ang nagpupunta na hindi ito kasama. Pakiramdam ni Sergi ay nagpapabaya ito bilang isang esposo at kinakalimutan ang yumaong anak. Hindi naman iyon ang nais iparating ni Emerald sa mga pagpunta nila kaya naman ibinigay na iyon ng una sa esposo. Ang hiling ng huli ay makasama ito sa pagdalaw sa sementeryo.
Ngayong araw ay patapos na sila sa hinahandang boodle fight para sa lahat. Panigurado ay matatapos ang araw na masaya ang lahat. Para sa kanya ay masaya siya na naglalagi siya rito, pero mas dumoble ang saya niya nang kumpleto na sila.
Matapos lang ang taverna at makitang kaya na ng dalawa na maiwan sa piling ng isa’t isa ay iiwan na niya ang mag-asawa at lilisanin ang Bicol. Pakiramdam niya kasi ay nag-o-overstay na siya. Nagsye-share naman siya sa mga gastusin pero para sa kanya ay hindi sapat iyon. Ayaw niya na magkaroon ng utang-na-loob sa dalawa at matapos lang talaga ang proyekto ay tuluyan na siyang aalis. Akala niya naman kasi ay may malaki siyang maiaambag sa Last Call. Hindi na kinailangan pa ang tulong niya ukol sa disenyo dahil narinig lang ng mga ito ang ideya niya tungkol sa isang establishment na minsan niyang napuntahan na industrial ang design ay isinukob ng mga ito ang ideya kay Mel. At dahil nagkaroon ng cost cutting ay mas mapapaaga ang pagbukas ng taverna.
Gustong-gusto na niyang bumalik sa Dumaguete para muling makasama si Lucas. Nagkakausap naman sila at nagkukumustahan. Pakiramdam tuloy niya ay nasa isang LDR sila. Sa gabi ay madalas niya itong kausap sa telepono. Nag-iinit na nga ang tainga niya sa sobrang tagal nilang magkausap. Lagi niyang gamit ang earphones niya para hindi siya marinig ng mag-asawa. Kahit magkalayo sila pansamantala ay hindi ito nakalimot na kumustahin siya. Minsan pa’y sinasadya niya na hindi ito i-text at titingnan niya kung hindi rin ito magte-text. Hindi pa naman nito iyon nagagawa sa kanya. Walang palya ang pagkumusta nito sa kanya. Mas lalo niya itong na-miss sa pag-telebabad nila.
Nang ibahagi niya kay Emerald na nagkakausap sila ni Lucas ay nagtanong ito kung nagbi-video call din ba sila. Ang sagot niya ay hindi. Ang dahilan niya ay hindi pa siya kumportable na mag-video call sila, sabi niya pa’y sa tingin niya ay sa mag-boyfriend at girlfriend lang ang video call. Baka lalo niya pang ma-miss ang isang iyon. Nangungulila na nga siya sa taong iyon pero hindi naman siya papayag na magpahuli sa mga kaganapan dito kung saan kumpleto sila. Hindi naman na ito mauulit muli. Mahirap nang magsama-sama ulit sila dahil may kanya-kanya na silang priorities at pinagkakaabahalan sa buhay.
Tinawag na nila ang mga kasamahan at niyayang kumain. Nagsimula na silang lantakan ang nakahain at masayang nagkwentuhan.
Ang ilan sa kanila ay unti-unti nang humanap ng puwesto para maupo nang maubos nila ang pagkain.
Naupo siya sa isang gilid at nagpapapak ng binagoongang talong. Nakita niyang papalapit sa kanya si Ignasi at may dalang maliit na bangkó.
“Sobrang pagod?” tanong niya rito nang makaupo ito.
“Hindi ko na naramdaman iyong pagod kasi nag-enjoy naman ako. Saglit na lang ay matatapos na ‘yan.” sagot nito bago sumubo.
“Mabuti naman kung makakapagbukas na sila para mabawi na nila ang mga nagastos nila noong libing. At para buo na nilang mabayaran ang mga tauhan,” aniya. “Babayaran ka ba nila?” usisa niya.
Maagap ang naging pag-iling nito. “Ano ka ba. Bakit pa kami magpapabayad nina Mel at Dominic. Libre naman na ang tinutuluyan namin pati pagkain. Tulong na lang ito sa kanila.”
Napaismid siya. “Wala palang ambag sa pagkain, pero ang daming sinandok na kanin,” pabirong sabat niya.
“Kaya nga nagpapainom na lang kami. Nakakahiya naman kung panay sila ang gagastos,” tugon nito.
“Ignasi,” pukaw niya rito.
“Bakit?” Nakaharap na ito sa kanya. Malamlam ang mga mata nito. Ikinabigla niya iyon kaya napaatras siya.
“Bakit ganyan ang mukha mo?” nagtatakang tanong niya.
“Humagod ‘yong ‘Ignasi’ mo, eh,” natatawang sagot nito sabay kamot sa ulo. Nahihiya niyang sinapo ang noo.
“Ayaw na tuloy kitang tawagin sa pangalan mo,” aniya.
Iwinasiwas nito ang kamay sa ere. “Bakit nga?”
“Wala, gagi, kukumustahin lang kita. Kung okay ka. Kung may iniwan kang pinagkakaabalahan sa buhay mo sa inyo. How was your search for a future Mrs. Ignasi?”
Iiling-iling ito bago sumubo. Hinintay niya itong makalunok bago narinig ang susunod nitong sasabihin. “Ba’t mo naman natanong kung okay lang ako? May nakikita ka ba sa akin na nagsasabing hindi ako okay?” he asked.
Nagkibit-balikat siya. “May mai-topic lang,” simpleng sagot niya.
“Puwes, okay lang ako,” anito. “Trabaho lang naman ang iniwan ko kapalit nitong taverna.”
“How about my last question?”
“Wala. Walang gano’n,” malungkot nitong wika.
Napatitig siya rito. Bakit naman nito ikinalungkot iyon? Ano ang ikinalulungkot nito?
“Huy.” Tinusok niya ang tagiliran nito gamit ang hintuturo. “Anong nangyari?” muli ay usisa niya.
“Jess.” Inilapag nito ang platong wala nang laman. “Pakiramdam ko hindi pa ako handa. Sa tingin ko hindi ko na deserve ang umibig pang muli. Nilalayuan ko na nga, eh. May mga nakilala ako nitong mga nakaraang taon. Pero nang maramdaman kong nagsisimula na akong mag-alala sa kanila, nang hinahanap-hanap ko na sila, doon ako natauhan na… Na baka ulitin ko lang ang ginawa ko sa ‘yo at sa pagkakataong ito, sila naman ang makararanas no’n.” Tumingin ito sa malayo. “I hate myself for hurting you the way I did, Jess.”
“Once a cheater, always a cheater,” mahinang sabi niya rito. Napalingon ito sa narinig at sinalubong niya ito ng titig.
“Exactly my point,” mapait na sang-ayon nito.
Pagak siyang tumawa. “We never really talked about our issue. We just forgive each other without ever really knowing your side of the story.”
“Nag-cheat ako. Iyon na ‘yon. Tapos,” anito na hindi makatingin sa kanya. “Bakit ko nagawa? Choice ko na gawin iyon. Sabi ko noon sa sarili ko, bakit ba ako nagpapakatanga sa iyo, eh, obvious naman na hindi ako ang pipiliin mo? I thought you’d leave me easily once you find out about my cheating.”
“Tanga ka talaga.” Lungkot ang bumalot sa puso niya. “Napakalaki mong tanga. Nagpakababoy na nga ako para sa ‘yo. Diring-diri ako sa pinaggagagawa natin noon. s*x buddies. What the f**k. I never thought I’d stooped down to that level. Umasa talaga ako na maibabalik pa natin iyong dating tayo. Akala ko mamahalin mo pa ulit ako.”
“Takot na akong sumugal ulit dahil baka makasakit lang ako ng taong mahal ako,” anito.
“Pero mas tanga ako. Inuna kita kaysa ang mahalin ang sarili ko,” sabi naman niya. Inakbayan niya ito. “Pinatawad ko na ‘yong sarili ko, matagal na, na hinding-hindi na tayo magkakabalikan. Napalaya ko na ang sarili ko sa isipin na ‘yon. Kahit naman naging gano’n tayo, hindi naman nawala ang respeto mo sa akin. Iyon nga lang, ang kaibahan lang, walang pagmamahal na nanggagaling sa ‘yo. Kaya for once, ang sarili ko ang pinili ko. Kaya sana, Ignasi, palayain mo na ang sarili mo. Huwag mong ikahon ang sarili mo sa nakaraan. Yes, you cheated. You owned it. Ngayon kung gagawin mo ulit iyon, nasa sa iyo na ‘yan. Mag-advance sorry ka na kung gayon kay Papa Jesus.”
“Tangina mo talaga,” wika nito sa kanya na tatawa-tawa sabay tanggal ng pagkakaakbay niya rito. “Pati si Papa Jesus ay dinamay mo na. Pero, maganda naman siyang kausap. No judgment. Salamat sa iyo, Jessica, ha. Kahit hindi naging maganda ang mga huling buwan natin, tinanggap mo pa rin ako bilang isang kaibigan.”
“Tangek!” putol niya rito. “Civil ang tawag do’n. Inakbayan ka lang, eh. ‘Yan tayo, eh. Maling ideya ang nasasagap kaya mali-mali sa buhay.”
“I’m sorry,” hinging-paumanhin nito.
Hindi siya sumagot.
“I’m really sorry. This is not right. I’m really sorry. I shouldn’t ask you… I shouldn’t… Jessica, look at me.” Hinawakan nito ang mukha niya.
Nagmatigas siya. “Please, don’t. And don’t you touch me.”
Mabuway itong tumayo at sa mahinang tinig ay, “I never should’ve asked you to have that surgical abortion.”
Matalim niya itong tinitigan. “Ignasi, please.”
“Jess.”
Tumayo na siya. “Akala ko ba’y nagkaroon na tayo ng kasunduan na hindi na natin ‘yan uungkatin pa?”
Hinaklit siya nito. “I’m sorry.” Pigil ang boses nito. Takot na baka may makarinig sa kanila.
“Kahit ‘yan na lang ang ibigay mo sa akin, Ignasi. Napag-usapan na natin iyan, eh,” malamig na sabi niya.
Binitawan siya nito.
“Hindi ba?” singhal niya. “Hindi ba’t parehas tayong nagkasundo na hinding-hindi na natin iyan pag-uusapan pa? Ayoko nang palakihin iyan, Ignasi. Pinatawad kita sa pagpatol mo sa ibang babae. Pinalaya ko na ang sarili ko sa mapait na katotohanan na sana’y may pamilya na ako ngayon. May mga anak na inaalagaan. Pakiramdam ko tuloy kasinungalinan lang iyon, pinaniwala ko lang ang sarili ko na napalaya ko na nga ang sakit sa puso ko. Ah, putangina naman.” Napaupo ulit siya at naihilamos ang mga kamay sa ulo. Nanghihina siya.
“Jess.” Halos hindi niya narinig ang pagtawag nito sa pangalan niya.
“Hmm, alam ko kasi okay na ako.” Tinawanan niya ang sarili ng nakaloloko. “Ang labo ko rin, ‘no? Teka lang, ha. Sa pagkakaalam ko, tuwing naalala ko ang dalawang supling ko sa sinapupunan, lungkot lang ang nararamdaman ko. Mag-isa ko silang ipinagluksa. Nang iminungkahi mo pa lang na ipalaglag ko sila, pinili ko nang putulin ang kaugnayan ko sa ‘yo. Akala ko nga sila na ang magiging dahilan ng pakikipagbalikan mo. Pero ngayong pareho na natin silang ina-acknowledge, may kirot pa rin pala.”
“Another reason why I’m afraid to give myself a chance to love again. I do the stupidest s**t any man could think of. You’re fine without me.”
“If they’re alive, the twins would wish for a better biological father,” aniya.
May gumuhit na sakit sa mga mata nito. “Oh, they’re back again, Jess,” anito na nakatingin sa malayo.
“Hmm?”
“You know… That black tar that is washing over me like that episode on BoJack. I wanna drown in it so f*****g bad. Just the thought of the twins and by looking at you, I’ve found my gateway. It’s my gateway drug. Alam mo bang minsan ay ginagawa ko na lang na pampatulog ang kalungkutan. Lagi kong dinadala ang sarili ko roon pero walang tutumbas sa nararamdaman ko ngayong nakikita kitang ganyan. Lagi kong ibinabalik ang sarili ko roon dahil ayokong patawarin ang sarili ko.”
“Hmm.”
“I wish this isn’t real. I wish I was not real. How can you forgive someone like me?”
“I didn’t want to. Napagod na lang ang puso’t isipan ko.” Nilaro-laro niya ang mga dahon sa paanan. “It makes sense that you’re the one who’s hurting the most now,” aniya.
Napabaling ito sa kanya.
“You called the shots, Ignasi. You order the termination of them babies. Modern day, modern times. I didn’t need to keep them just because I wanted to. Hindi naman porket gusto kong ituloy ang pregnancy kahit ayaw mo ay gagawin ko pa rin. You get to have a say in it. You are their father after all. Ayoko rin namang matali sa iyo habambuhay nang dahil sa kanila, lalong ayoko silang dalhin sa mundong ito kung wala ka, walang tatay, at hindi ako buo bilang isang tao. Hindi nila deserve ang mamuhay dahil pakiramdam ng nanay nila ay iyon na ang tulay para magkabalikan ang mga magulang nila. Mali iyon.”
Maang itong nakatitig sa kanya.
“You’ll be fine, Ignasi. You’re still mourning. You’re still aching over the said fact. I promise the hurt, the aching will gradually pass.”
“Is it the same with you?” He held her hand and caressed the back of it.
“I carried them for twelve weeks. I get to feel whatever it is I want to feel.”
“Can I hold you for a minute?” he asked in the softest voice.
“Is the black tar stronger now?” tanong niya.
Tumango ito. “Hug me, then,” aniya.