KUMAKAIN SILA NG turo-turo kasama ang mga trabahador ng taverna. May nakalatag na rin na mesa at mga alak sa ibabaw niyon. Alam na kung saan ang punta no’n. Akala pa naman niya ay babalik pa sa pagtatrabaho ang mga kasama niya. Nag-e-enjoy siyang panoorin ang mga ito sa finishing na ginagawa at water pump na inilagay sa banyo. Parang next level ang banyo na iyon para sa kanya. Sementado naman ang lapag at may balde para sa pag-iipon ng tubig. Lasing na ‘yong customer tapos kailangan niya pang mag-igib kapag walang naabutan na tubig.
Gg, aniya sa isip.
Kailangan nila ng onting warm up bago ulit sumabak sa inuman paglabas ng banyo. Para may bago naman sa taverna nila na hindi makikita sa ibang bar. Dapat nga may bidet pa ‘yon pero nag-cut sila ng cost kaya nag-pump well na lang sila. May mga major changes din dahil nagdesisyon sila na gawing industrial ang design. May oras pa naman para sa mga pagbabagong ginawa pero kailangan ipulido ang mga maliliit na detalye para hindi magmukhang abandoned warehouse ang taverna.
Nandoon na nga lang siya para manood. Tumutulong na lang siya sa pagpapakain sa mga manggagawa. Kasama niya si Emerald at ang ibang mga asawa ng trabahador sa aspetong iyon. Marami na siyang natututunang lutuin. Nagpa-praktis na siya para sa kanyang future husband. Nai-imagine niya na may industrial-inspired kitchen din sila habang nagtutulungan silang mag-handa ng pagkain nila.
Pero ngayon ay nag-request ng turo-turo ang mga tauhan. Kaya pala ganoon ang gustong kainin ng mga ito, para diretso na sa inuman. At dahil doon na nga ang punta nila, nag-alok ang mga kababaihan kung gusto ng mga ito ng sisig. Tumayo si Sergi at inunahan na sila na magluto. “Maupo na kayo riyan. Ako nang bahala sa sisig na ‘yan. Tama na muna ang pagpapagod niyong pakainin kami.” anito at kinumbinsi pa silang sumalo sa pag-iinom na ginagawa ng iba.
Hindi na niya tatanggihan ang ginawa nitong pag-ako sa lulutuin pero parang wala siyang ganang uminom ngayon.
Sinabi niya iyon kay Emerald at kahit ito ay ayaw din uminom. Niyaya siya nitong bumalik sa loob ng taverna at doon nagpalipas ng oras. Bubuksan na sana nila ang isang electran fan malapit sa booth na pagtatambayan nila ngunit narinig nila ang ingay ni Sergi mula sa kusina. Niyaya siya ng kasama na panooring magluto ang asawa nito. Um-oo naman siya at sinundan ito.
Doon ay makikitang pinapakuluuan na ni Sergi ang maskara kung tawagin. Nakipaghuntahan ito sa kanila habang nakasalang sa pressure cooker ang maskara. “Hindi ko inasahan na sa ganito mauuwi ang vision ko about sa taverna. Akala ko gusto ko iyong mga pang-West na disenyo. Iyon ang gusto kong ma-achieve para naman iba ang experience ng mga papasok dito. Para may panghatak din tayo.”
“What are you feeling about the changes?” tanong niya.
“Ganyan talaga kapag may niyaya kang ibang kasama na may ine-envision din para sa taverna lalo na’t binigyan mo sila ng authority to make changes,” sabi naman ng asawa nitong si Emerald.
Nagpangalumbaba si Sergi at isa-isa silang tiningnan ni Emerald bago sumagot. “Okay naman. Mas nag-feel at-home ako ngayon dito. Ang ganda. Sobrang ganda. ‘Di ko rin inaasahan na ie-expand pa itong kusina. Now it feels like I can cook home-cooked meals and call my friends and have them over here at the end of a long day. Parang gano’n ‘yong naba-vibe ko dito sa kusina,” anito.
Nilibot niya ng tingin ang kusina. “You’re right. Ang lawak na niya kumpara mo dati na makikipag-siksikan ka pa bago mo makuha ang order.”
Itinaas na rin ang kisame at naglagay ng mesa na nagsisilbing island at kung saan sila nag-uusap ngayon. Nagdala lang sila ng mga upuan nila para pwedeng makipagkwentuhan kay Sergi.
“Parang nasa bahay lang tayo, ‘no?” si Emerald. “Parang ‘di na tayo lumayo. Ang homey. Ang sarap magpa-renovate ng bahay,” parinig ni Emerald sa asawa.
“Naku,” aniya.
“Nagpaparinig na ang asawa ko,” ani Sergi.
Tumalikod si Sergi at kinuha ang mga isasahog nito. Siya naman ay kumuha ng walis tambo at nagwalis para may magawa naman siya.
“Anyway, we can still do the West design if we franchise. Franchise agad, ‘no? ‘Kala mo talaga. Pwede naman kung papalarin,” ani Emerald na nanatiling nakaupo at tila nagde-daydream.
“Ipa-franchise ko sa Dumaguete,” aniya na nagbibiro. Napatingin ang dalawa sa kanya. “O kaya sa Manila,” dagdag niya pa.
“Bakit hindi?” si Sergi na naghihiwa ng sibuyas. “Kahit saan naman maraming manginginom. Kailangan lang ng gimmick.”
“Char lang. Hindi pa malakas ang loob ko sa pagma-manage. Who knows. Malay natin, in the future, mag-business na talaga ako. Nakakapagod na rin kasi magtrabaho. Kayod ng kayod on loop hanggang sa tumanda na ako.” Huminto siya at nagpameywang. “Kaya magandang naisipan niyo magtayo ng sarili niyong pagkakakitaan. Hindi naman habang buhay kayong may trabaho. Kailangan may iba pang pagkukunan ng income. ‘Yan talaga ang mali ko sa buhay. Umaasa lang ako sa savings ko at sa trust fund na bigay ng nanay ko,” himutok niya.
“May insurance ka rin ba?” usisa ni Emerald.
“Meron. Pero alam mo naman, tumatanda na tayo. Wala na akong will para magpakakuba pa. Gusto ko na lang magkapamilya, mag-alaga ng bata, magbantay ng business,” sagot niya.
“Ano nang balak mo niyan?” ani Sergi.
“Hindi ko nga alam, eh. Mabuti pala nandito ako ngayon. Ang dami ko na namang na-realize sa buhay. Lakas niyo talaga maka-impluwensiya.” Itinabi na niya ang walis nang wala na siyang makitang dumi sa paligid.
“Ba’t di mo na lang galawin ang trust fund mo?” suhestiyon ni Sergi.
“Iyan. Diyan ka nagkakamali,” sabi niya sa kaibigan. “Huwag kang mang-demonyo ng kaibigan.”
“Meron ka nang kapital,” anito.
“Oo nga. Pero ano namang ibi-business ko? Gusto ko nga mag-trading, eh. Ang laki ng kita kapag naani na iyong mga tanim,” sabi niya nang maalala ang kwento ni Emerald tungkol sa isang truck na bumiyahe ng Maynila para ibagsak ang mga mais na inani sa lupain ng mga ito. “Parang ayoko na talagang bumalik ng Maynila. Kung pwede dito na lang ako, may mga kaibigan akong mapupuntahan. Hindi na ako mangangapa pa.”
“Wala ba kayong kamag-anak sa Dumaguete?” tanong ni Emerald.
Umiling siya. “Wala kaya nga wala rin akong magawa masyado do’n. Hindi pa ako naghahanap ng trabaho. Hehe, akala mo ang daming ipon. Demotivated pa ako. Hindi ako ginaganahang magkikikilos doon.”
“Ang sabihin mo,” singit ni Sergi. “Na kay Lucas lang ang atensyon mo. Puro siya lang naman ang laman ng kwento mo.”
Sumang-ayon ang asawa nito. “Hinihintay ko na nga kung anong kahihinatnan niyong dalawa, eh,” dagdag pa ni Emerald.
“Nakakatakot sumugal pero wala naman akong mararating kung hindi ako kikilos,” aniya. “Pero saka na iyon. Masyado pa akong nag-e-enjoy dito kasama kayo. At hindi pa ako handang umalis. Hindi handang bumalik sa lugar na ‘yon kung nasaan siya. At isa pa, nandito kayong mga kaibigan ko. Hindi naman ako pahuhuli sa mga kaganapan, ano.”
Muli ay sumang-ayon si Emerald. “Maganda nga na may nakakasama kami sa bahay. Tsaka may libangan din naman tayo rito kaya hindi ka mabo-bore.”
Tumango siya. “Kahit napaka-domestic ng ganap natin dito, unti-unti ko nang ine-embrace. Nagugustuhan ko na ang ganitong lifestyle. Sino ba naman ang hindi at aayaw pa, eh, iba ang pamumuhay rito. Magtanim lang ako sa gilid o ‘di kaya’y makihingi ng malunggay sa kapitbahay, may ulam na. Ang dami pang pasyalan dito. Ang daming mapagkakaabalahan. Ngayon ko na na-a-appreciate ang mga bagay na tine-take for granted ko lang sa buhay ko noon. Pala-gastos at walang ibang inatupag kundi mag-inom. Now I can go on trips like this on a whim. Kung dati puro trabaho lang, ngayon gusto ko na lang mag-travel. Marami na akong hawak na oras ngayon, eh.”
Tumango ang mag-asawa. “Pero nandoon pa rin ‘yong pressure na patuloy na mag-ipon dahil gusto ko na rin naman magpamilya,” dugtong niya. Tumabi na ulit siya kay Emerald at pinanood si Sergi sa ginagawa nito.
“Kasama si Lucas?” ani Emerald.
“Sino pa ba?” agad niyang tanong. “Joke. Basta alam ko gusto ko na. Hindi ko rin naman masasabi na siya na nga dahil magulo pa kami sa ngayon. Ayoko munang guluhin ang isang iyon dahil baka mawala sa focus at hindi siya makapagsulat,” kabig niya.
“Bullshit,” ani Sergi na inilapag ang kutsilyo sa mesa. “As a writer, he knows his responsibility. It’s his job to write two thousand words per day. Walang mintis. If he writes on his own pace and he doesn’t follow a schedule, then maybe he should start changing that or change his behavior towards it and not rely with you, his muse, or wherever he gets his inspirations because honestly, it’s his f*****g job,” gigil na pahayag nito.
Malakas ang naging buntong-hininga niya. “Ewan ko ba do’n. Nakadepende siya sa mood minsan kaya kapag ‘di niya trip, wala ring progress ‘yong sinusulat niya.”
“Ang init ng ulo niyo doon ni Mel,” ani Emerald kay Sergi.
“Ang gulo ng utak, eh,” inis na tugon ni Sergi. “Isa pa, ayoko sa mga kaibigan niya. At ayoko na kinukunsinti niya ang matalik niyang kaibigan. Sila na ‘yong magto-tropa na may history sa isa’t isa. Nakakangilo.”
“Talaga ba?” ani Emerald na akala mo’y walang kaalam-alam.
Natawa siya rito. “Gusto mo lang ulit marinig, eh. Naku, sawa na akong paulit-ulitin sa inyo ang kwento nila. Anyway, hayaan niyo na sila. Wala rin akong pakialam sa kanila, for the record. Hindi ko ma-gets ‘yong vibes nila, eh. Parang ang hirap lalo na’t alam mo ‘yong nangyari sa kanila. Alam ng maraming tao dahil sila ang mga tauhan sa unang libro ng trilogy niya. Siguro si Cielo lang ang okay pakitunguhan do’n.”
Nangalumbaba siya. “But Lucas is not bad. He expresses himself openly. He’s not afraid of his feelings. He is, however, afraid of declaring things that he can’t live up to. He doesn’t want to make promises so I just hang around hoping that maybe one day he will be ready to finally be in a relationship with me.” Nakatingala lang siya sa kisame habang sinasabi iyon. Kasalukuyan niyang iniisip si Lucas kung ano na ang ginagawa at pinagkakaabalahan nito. Kumusta na kaya ito? Iniisip rin kaya siya nito?
Sergi sighed. “I just think you’re too good for him, Jess,” anang kaibigan. Napatingin siya rito at nagtatanong ang kanyang mga mata kung paano nito nasabi iyon.
“I always thought you’re too good for anyone else. Huwag ka na nga lang mag-boyfriend. Tumanda ka na lang na dalaga. Magpakayaman ka. Mag-ampon ka na lang. Huwag ka lang mapunta sa maling tao.”
Tinawanan sila ni Emerald. “Ikaw naman kasi, Serg, nilagay mo na sa pedestal itong si Jessica.”
Napasang-ayon siya kay Emerald at tinuro pa ito na parang sinasabing dapat makinig sa isang ito.
“Magkaibigan kayo syempre alam niyo na ang struggles ng isa’t isa at hindi kayo papayag na kung sino na lang ang makatuluyan niyo,” anito sabay turo sa sarili. “Tingnan niyo ako. May narinig ba kayong hindi ako inaprubahan?” Umiling ito. “Exactly my point. But as if I care if you, guys, approved or not,” dugtong nito.
Natawa siya sa narinig. “Kaya nga. So ano bang paki niyo kung sino ang shotain ko?” aniya. “At the end of the day, wala namang tinatapakang tao iyon si Lucas,” dugtong niya.
Napaingos si Sergi sa narinig. “Basta wala akong maririnig na pinaiyak ka niyan. Kung gusto ka niya, siguraduhin niya na ikaw lang at wala nang iba. Sa hilatsa naman ng mukha niya ay mukhang one-woman man siya pero huwag kang magpakakampante. Iyan ang huwag na huwag mong gagawin.”
“Speaking from experience?” ani Emerald na minamata ang asawa. Mabuway na nginitian ni Sergi ang asawa. “Ayan tayo, eh. Kiss na lang kita,” anito kay Emerald.
Umingos ang huli. “Huwag pala papakampante, ha,” babala nito kay Sergi.
Napakamot siya sa ulo. “Ang sisig ang pakukuluan, ha. Hindi si Sergi ang gigisahin, Em.”
Ayon, nauwi naman sa harutan ang dalawa at nakakain sila nang tapos na ni Sergi ang niluluto nito. Tinirahan sila nito ng kanila at iba pa ang pang-pulutan.
Nagulantang sila nang mag-ingay ang telepono niya. Palihim na sumilip si Emerald at nakita nito ang pangalan ni Lucas. “Hindi mo sasagutin?” anito.
Agad niyang tinago ang cell phone at pinatay iyon. “Mamaya na lang ako mag-call back. Baka mapahaba ang usapan at gustuhin kong umuwi,” aniya na tatawa-tawa.
“Doon ka tumambay sa loob muna,” anito at tinuro ang pinanggalingan nila.
Umiling siya. “‘Wag na, Em. Ayoko siyang ma-miss. Okay na ako rito,” sabi niya. Hindi na siya nito kinulit pa nang mapagmasdan siya nito.