Akala ni Jessie ay ordinaryong araw lang ito. Ngunit sinigurado nina Sergi at Emerald na puno ng saya ang araw na ito. Wala siyang inasahan na kahit ano, siguro onting salo-salo lang, onting handaan, pero binuksan ng mag-asawa ang taverna nila para sa araw ng kapanganakan niya. Just that day. Hindi niya inakalang ang mga pagbabago at disenyong may gabay ni Emerald na isinagawa niya sa taverna ang siyang naging palamuti para sa araw na ito. “You let me worked for it, for my own birthday?” she teased.
It was like Christmas came early. From floor to ceiling, walang mintis ang makukulay na ilaw at mga disenyong naghuhumiyaw ng patungkol sa kanya. And she has her friends to thank for that, they worked on it, too. Vinyls and pinup posters and popular culture references and books and vodka with cranberries, vodka with passion fruit, sangria—Oh, she could go on and on and on till she bursts in delight! It wasn’t overdecorated, it looks perfect, down to freaking chocolate fountain and churros.
She can’t help but squeal when she sees something that excites her. Napadpad siya sa buffet at nalaglag ang panga niya sa mga nakahanda. They prepared cheese and bacon and crackers on one side, main courses they can choose from, with rice, of course, and an excessive amount of sweets and desserts. Si Willy Wonka pa ang nagse-serve sa parteng iyon. Natawa siya sa cheap na wig at glasses nito, pero natuwa siya na nakuha pa nitong mag-costume, na tila isang children’s party iyon.
She grinned and thought that they are all kids at heart.
Here’s the best part. Everyone’s in costume and she just have to figure out how it relates to her. Sabi nila, kailangan niyang mahulaan kung bakit iyon ang napili nilang suotin. Iyon lang ang sabi nila, walang consequence. Mga wala pala ‘to.
Maaga pa raw at hindi pa luto ang ibang putahe. “Sa lagay na iyan?” ang reaksyon niya at muling binalingan ang mesa. “Ilan ba ang pupunta? Baka inimbitahan niyo ang buong baranggay.”
“Halika na nga.” Hinila na siya ni Marilyn Monroe. Tinawanan niya ang nunal ni Emerald. “Bruha ka, huwag mong tinatawanan ang wig ko, pinasadya ko pa ‘yan.” salag nito. “Hindi ‘yon!” aniya na tatawa-tawa. “Iyang peke mong nunal. Nagpapapansin.”
Pumasok sila sa isang kwarto na sa tingin niya ay ang opisina. Napasinghap siya nang makita ang mannequin na nasusuotan ng kulay crema na gown na may circular train, katulad ng wedding dress ni Lady Rose sa isa sa mga paborito niyang serye, ang Downton Abbey. Namilog ang mga mata niya sa gold sequins at embellishments ng marikit na traje. “Come here!” excited na tawag sa kanya ni Emerald. Hinaplos niya ang tela at lalo siyang natunaw mula sa pagkakayari niyon. “Magkano ang ginastos niyo rito?” ang unang namutawi sa mga labi niya. “Never mind that now.” anito at dahan-dahang tinanggal ang gown sa mannequin. Siya naman ay nagsimula nang maghubad. “Malinis ba ‘yan?” tanong niya ulit. “Naiinis na ako, ha!” si Emerald.
“Oo nga, sorry, thank you!” kabig niya. “Hindi lang ako makapaniwala. It almost looks the same with Lady Rose’s wedding dress and I can’t. Even. Where did you even find this dress? It’s so gorgeous I’m gonna cry.” Hindi siya makapaniwala na magsusuot siya ng gano’n kagandang gown. Ang alam niya lang suotin ay iyong mga black velvet dress na may slit na aabot na hanggang kepay but that was her younger, go-with-the-flow version.
Feeling niya tuloy ay isa siyang legit na Lady ngayon, nagmula sa bundok ng tralala, napalilibutan ng libo-libong ektaryang lupain kung saan malaya siyang nangangabayo, at laging nagniningning at lapat na lapat ang buhok niya sa likod. Syempre may exaggeration nang kasama kung sasabihin niyang kasing perpekto ito ng nasa serye, pero hindi maikakaila ang galak na nararamdaman niya sa kadahilanang may nakaisip at nag-effort na hanapan siya ng ganoong kasuotan at may nakaalala ng mga luho, pinaggagastusan, at paborito niya sa buhay. Who does that? They literally dedicated a day for her surrounded with things from the past down to her unreasonable cravings, savory and sweets.
“I got it dry cleaned and it’s from sss. Okay na?” anang kasama niya.
Hinawakan niya ito sa mga kamay. “Maraming, maraming salamat, Emerald.” aniya na maluha-luha na. “Hindi ko kasi talaga inaakala na masosorpresa ako isang araw sa birthday ko, ‘yong ganito kabongga. Parang hindi ko deserve ‘yong ganitong level? Sumobra naman yata? Pero sobrang thankful ako. You got everything right, honestly, truly.” Nag-uumapaw ang saya niya kaya niyakap niya ito. Hinigpitan niya ang pagkakakapit dito at muling nagpasalamat.
“No’ng una, naisip ko, kailangan kong libangin ang sarili ko. I got busy with the details and finding the right costume for you. Hinalughog ko sa utak ko kung ano ba iyong mga tinitingala mong idolo, o superheroes, o paboritong karakter sa isang serye.” Naghiwalay na sila. “Hanggang sa… na-realize ko, hindi ko na siya ginagawa para sa akin. You know, you little s**t, what I mean.”
Bumunghalit siya ng tawa. “Ang saya! The best ka!” Pinupog niya ito ng halik sa pisngi. “Ay, ‘yong nunal mo…” Hindi niya alam kung matatakot kay Emerald sa nakitang reaksyon mula rito. Ngunit saglit lang sumilip ang ibang anyo nito at agad iyon napalitan ng ngiti. “I’m loving this fake mole. Maya ko na ayusin. Sa ngayon, let’s get you dressed.”
“Let’s!” excited na sigaw niya.
They were very careful dressing her. Humanga siya sa body suit sa loob ng gown na nagmistulang pang-ilalim na niya without the need for undergarments. Pigil niya ang hininga hanggang sa lumapat ang laylayan ng gown sa sahig.
“Oh, gorgeous…” Emerald sighed dreamily when she’s done putting the gown.
“Am I?” hindi makapaniwalang sabi niya.
“And you don’t have any makeup yet, still, I am stunned,” ani Emerald. “We should put up your hair or something,” suhestiyon nito.
“Are you going to help me with my hair?” parang batang tanong niya. “‘Coz I can do my makeup.”
“Of course!” masayang pahayag nito. She sat quietly in her space and thanked the God Almighty for making Emerald happy in this instance. Everyone is happy. And her heart has never been this happy. Kakaibang init ang humaplos sa puso niya, na kung babahaginan pa siya ng sari’t saring emosyon, hindi na niya alam ang gagawing paghinahon.
Matipid na ngiti ang gumuhit sa nanginginig niyang mga labi.
“Anong ngiwi iyan?” ani Emerald na pinaupo siya sa silyang de gulong.
“Hindi ko na ma-contain kasi, Em. Nagwawala na ‘yong puso ko pero syempre, composure is the key.” aniya.
“Well, darling,” si Emerald ulit. “You’re failing miserably.”
“Okay, speak for yourself, Marilyn Monroe.” Nagsimula na siyang mag-ayos ng mukha. When they were done with everything, hindi na siya pinalabas ng kwarto. Nagbabad siya sa cell phone niya hanggang sa naririnig na ang ugong ng mga nagkwekwentuhang mga bisita. Dinambal na siya ng kaba. Ilang tao ba ang dumating? Kilala niya ba ang mga ito? Hindi siya marunong humarap sa maraming tao, lalo na at siya ang centro ng atraksyon. Siguro kung walang cheesy na programme, makakausad pa siya sa kinauupuan niya. Pero kung may mga birthday greetings pang pauso na kakailanganin niyang maupo sa harap nila, lalo’t kung may videographer, talagang lalabas ang itinatago niyang pagkabalisa. Ilang taon niyang inaral ang pagiging komportable at mahinahon sa kahit anong sitwasyon.
It took her several fights with her parents, short relationships with guys who taught her self-importance, and then there was Ignasi who helped her to be totally liberated from the rest that was pinning her down. Anything public that requires her to offer her soul has always been her worst enemy.
“You good?” Bumukas ang pinto at pumasok si Ignasi na agad napako sa kinatatayuan nito. “Holy—wow!”
“Holy s**t, right? Mr. Whoever-you-are.” Hindi niya ito makilala sa suot nito. He looks so ordinary with scarf, coat, and slacks. Sa gulat niya ay umakyat ito sa mesa at tumindig ng buong kapurihan. “We don’t read and write poetry because it’s cute. We read and write poetry because we are members of the human race. Carpe diem. Seize the day, boys. Make your lives extraordinary.” he whispers.
Tumayo siya sa upuan niya. “O, Captain! My Captain!”
May kinuha ito sa back pocket nito. “This should earn you more points,” anito at itinago na ang cell phone sa bulsa. “What was that all about?” aniya. “You gotta up your game, baby! Otherwise all those surprise/essential/whatever boxes will end up in the wrong hands,” anito na lalong nagpalito sa kanya.
Pumasok na si Marilyn Monroe at ang namumutok nitong pulang labi. Ipinakita nito ang phone nito. “We’re grading you, Jess. So far you got the blonde bombshell and Dead Poets Society correct. Ready to up your game?”
Bumaba na si Ignasi mula sa mesa at inilahad ang braso nito. Umabrisete siya rito at tumango. “Let’s get this party started.” Sinubukan niyang pasiglahin ang boses. “She says, pretending to be the party of the life… s**t, what,” she blabbered.
Umulan ng hiyawan nang makita siya ng mga tao. Agad napalitan ang kaba niya ng galak nang makita ang mga pamilyar na mukha ng mga kaibigan at mahal sa buhay. Pati na iyong kapitbahay nina Emerald na nagpapahiram ng motor kapag may bibilhin sa bayan. Nakita niya ang namamanas niyang kapatid. Ito ang unang nakalapit sa kanya at ginawaran siya ng magaang halik sa pisngi pero bumawi sa higpit ng yakap.
“Grabe, ate, ang ganda mo!”
Humarap ito sa s*x symbol. “Wow, ate, this one outdid your wedding gown. Peace! Chos lang.” Tinukoy nito ang suot niya at umingos na lang ang una sa panunukso ng huli.
Muli niyang niyakap si Cameron at binulungan ito ng pasasalamat dahil nakarating ito kahit na nga ba ito na ang nagsabing maselan ang pagbubuntis nito.
“And you’re supposed to be Dolores Umbridge?” gulat na tanong niya nang matitigan ito ng maayos. Nakita niya itong tumango bago siya hinatak ng ibang tao. Umulan ng beso at yakap at birthday greetings.
Namilog ang mga mata niya nang marinig ang kantang The Rose Tattoo at agad niyang hinanap si Cameron. Hindi niya ito pinakawalan hanggang sa matapos ang kanta. Nasa buntot ng kapatid niya ang tatay ng ipinagbubuntis nito, si Spencer. Taga-ibang lalawigan at probinsyanong-probinsyano sa kulay ng balat. Nalaman niya mula sa kapatid na hindi na raw lumuluwas ang lalake sa Maynila. Dati itong boss ng kapatid niya. Plano ng dalawa na mamuhay na lang sa probinsya ng lalake at doon bumuo ng pamilya. Look at them now. Retreating in the provinces and enjoying the simplicity of it. Samantalang ilang taon lang ang nakalilipas, hindi sila magkamayaw sa nightlife. Natigilan siya sa takbo ng isip, anong pinagsasasabi niya? Hindi ba’t nagpakalasing nga lang siya at halos mamuhay na sa beach side at red district sa Dumaguete? Tinampal siya ng kapatid. “Huy, anong iniisip mo?”
“Ha? Wala. Nagulat lang ako. Iba na ang tinatakbo ng buhay natin.” Tinitigan niya ang kapatid. “Ang laki ng mukha mo,” pang-aasar niya.
“Defense mechanism.” Inikutan siya nito ng mga mata.
“Ang bilis mong lumaki,” dagdag niya pa.
Sumingit si Spencer at inabutan siya ng kopita. “Thank you, Whoever-you-are.” Binilisan niya ang pag-inom. “Joke! Of course, I recognize you, you badass.” Onti na lang ay magiging Fan Fiesta na ito ng mga anime addict. Grown ups in different costumes in different genre.
“I’m your favorite ornament, by the way.” Lumapit si Mel at hinalikan siya sa pisngi. “That’s ten points for you.”
“I don’t understand this Keeping Up With The Scores shite,” aniya at niyakap ito.
“Well, it’s basically a subscription box of random s**t. You remember that Japanese subscription box I got, but with food inside?”
“Yes. So how do I get a box of random food? Do I just have to guess who they are? It’s so f*****g easy. There’s Batman, the Comedian, Rorschach, Reese’s, Butterfinger. Wow, they dressed as my favorite chocolate and the discounted version of it?”
“Yeah, you recognize them from your favorite movies, books, characters, food, even f*****g ornament. It depends on how many points you get. The higher the points for, just an example, characters from anime or manga or even cartoon characters, will earn you a box this week and the products will be from Japan. Legit. Then the lowest points for things you least cared about like, duh, ornaments, etc, will be the last box you will receive. For a month, you get to receive a box each week, different in content. Your month-long of opening gifts.”
Nakanganga lang siya habang nakikinig sa eksplenasyon ni Mel. “Sinong nakaisip no’n?”
Dito na sumingit si Dominic na isang ugly Christmas onesie. Cool. Her favorite annual ritual every Christmas. “Months of preparation, Jess. Naisip namin, nasa Singapore ka na by the time na birthday mo na. I suggested we get you s**t ton of things you like and things you will miss here in the Philippines. Balikbayan box, in short, but for the OFW. Tapos di ka na natuloy. Nag-brainstorm kaming grupo. Hanggang sa ito ‘yong kinahinatnan.”
“And the costumes?”
“Think about it, we never celebrated Halloween like the rest of the world does,” si Dominic.
“Oh, I hope this is a one time thing,” naihiling niya nang unti-unting ine-estimate ang gastos sa isipan.
“This is good for their business, by the way,” si Mel. “It’s like the preliminary competition to Miss Universe. And I’m liking what I see, so far.” Inikot nito ng tingin ang Last Call at Ivan’s.
“Lady Jess?” tawag sa kanya ni Sergi na nasa gitna.
Nilapitan niya ito. “Before we eat, at alam kong lahat tayo rito ay gutom na at alam kong pagod kayo mula sa biyahe, gusto ko lang mag-iwan ng ilang salita para sa ating kaibigan na si Jessica.” Hinarap siya nito. “I was about to dress as Jonah Hill and I planned to do the slam poetry he did in 22 Jump Street but then I realized, you are still in love with the magnificent movie that you’re always quoting under your breath and in effect you had your friends watch it by force. It’s Call Me By Your Name… and I’ll call you by mine.
"It’s amazing, looking back, how this movie touched you in a way others didn’t. Kaka-break mo lang no’n sa ex mo and you were f*****g furious. Madwoman. This movie calms you down. It was amazing. Unti-unti, naging pasensyosa ka, mas naging maayos ang pakikitungo mo sa tatay mo, sa pakikipag-usap sa mga taong gusto lang naman talagang kumustahin ka. I told you, madwoman. So yeah, I’ll be reading a piece of monologue by Mr. Perlman and tonight I am Mr. Perlman, the coolest dad of all and truly, I aspire to be on that level of awesomeness. These gray sideburns is a start. Here it goes… We rip out so much of ourselves to be cured of things faster, that we go bankrupt by the age of thirty and have less to offer each time we start with someone new. But to make yourself feel nothing so as not to feel anything - what a waste!” He beamed beautifully and her heart opened like a flower.
She wishes to hold onto this feeling forever.
Nang matapos sa palakpakan ang mga tao, siya naman ang tumayo sa gitna.
“Thank you so much. Sa lahat ng nandito at sa lahat ng ginawa niyo, sa pagpaplano, lahat, maraming salamat dahil nandito kayo ngayon at nakikiisa sa selebrasyon ng pag-level up ko sa buhay. I grew old but I never grew an inch higher after I turned eighteen. The smallest of the group. Anyway, to Emerald and Sergi, the best hostess and host who opened their stunning tavern to us, tricksters who are trying to make us fall in love with this place, but really, let’s give it to this amazing couple. They deserve it. I mean, we all agree that this place is f*****g perfect. Can I just say this monologue from Call Me By Your Name.”
She rolled her eyes as if in frustration. “Yes, I’ve mentioned the movie again. Mr. Perlman said this: When you least expect it, Nature has cunning ways of finding our weakest spot. Right now you may not want to feel anything. Perhaps you never wished to feel anything. And perhaps it’s not to me that you’ll want to speak about these things. But feel something you obviously did.”
Lumamlam ang mga mata nina Emerald at Sergi.
Nagkaroon ng katahimikan sa paligid.
“Obviously, Sergi and I did not recall the lines by heart," natatawang sabi niya. "Fine, we’re both such big fans. Last Call at Ivan’s…” aniya. “Ang gabing ito ay hindi lang para sa akin.”
Lumapit siya sa bar at tinuro ang naka-frame na wallet-sized picture ni baby Ivan. Agad iyong makikita dahil nakalagay iyon sa gitna ng shelves ng mga alak. “In memory of this beautiful boy,” gumaralgal na ang boses niya. Tiningnan niya sina Mel at Dominic ng may kahulugan.
“Let’s raise our glasses for Ivan and Jess,” sala ni Mel.
“Both brave,” si Dominic. “Both tiny and cute and fragile. We love you, always.”