MALAYA NIYANG IPINATONG ang mga paa sa upuan at nagpadausdos ng upo. Unti-unti niyang naramdaman ang pag-relax ng muscles niya sa likod. “I can’t believe I am this tired. All I did was entertain those people, stretch my face into a smile, and laugh, and drink,” reklamo niya. Sa kabilang ibayo ng mesa ay matatagpuan ang walang tigil sa pag-inom na si Ignasi. Itinabi nito ang baso at pinasadahan ng tingin ang relo.
“We are old, Jess. One o’clock. Wow,” anito na hindi makapaniwala.
Nagkibit-balikat siya. “Thank God they all left early.”
Maririnig ang ilang ulit na pag-tsk ni Mel na palapit ngayon habang iwinawagayway nito ang hintuturo pakaliwa’t kanan. “Afterparty, ever heard of it? We’re not done yet,” pagbabalita nito sabay upo.
Napahaba ang buntong-hininga niya sa narinig. “Akala ko maaga akong magpapahinga ngayon dahil nagsiuwian na ang mga bisita. What in the world.” Mas may hatid ng saya kung maagang matatapos ang gabing ito. Kung ang lagay ay hindi pa, she needs a boost. Or booze, rather.
Dumating sa pwesto nila ang mag-asawa. Inilapag ni Sergi ang isang kahon sa harap nila. “Buksan mo na,” anito. Excited niyang kinuha ang kahon at naupo ng maayos. Nagsiksikan silang lahat habang pinapanood siya ng mga ito na punitin ang balot niyon.
“Oh, wow!” she exclaimed when she saw beauty products and two blouses.
“Beauty products lang ang naisip ko, got it from Birchbox, and these blouses na nakuha ko sa balikbayan box ng Tita ko. Don’t worry, hindi pa gamit ‘yan. May price tag pa nga pero syempre tinanggal ko ‘yong presyo. Tinira ko lang yung tag para alam mong never been worn,” ani Emerald.
“Bakit ka nag-e-explain?” natatawang tanong niya. “I am thankful and happy! Salamat talaga! Best birthday, ever!” Isa-isa niyang tiningnan ang mga produkto. “Lip balm for my chapped lips. Thanks, sobrang kailangan ko ‘to.”
Kinuha ni Mel ang isa sa mga produkto at sinipat iyon. “This is for hair. Akin na lang.”
Agad niya iyong inagaw. “Patingin.” Nakisipat din siya. “I have healthy hair and thank God for that but baby, I’ll be damned if I’m gonna give you one of my gifts.”
“Girl, look at that!” Itinuro ni Mel ang mesa kung saan isangkatutak na mga regalo ang nakapatong doon. Meron din sa sahig at sa ilalim ng mesa. “Kasal mo? May nakita akong plantsa at rice cooker,” dugtong nito.
Nagtawanan sila sa narinig. Saktong dumating si Dominic na may bitbit ng tray ng samu’t saring inumin. “Vodka with passion fruit for you, Jess.”
Kinuha niya ang iniaabot nito. “Salamat!” aniya.
“Sino kayang nagbigay ng rice cooker?” tanong niya. “Nakakaloka kayo. Ano bang sinabi niyo sa mga bisita at gano’n ang mga dinalang regalo? May nakita akong box ng printer tapos iyong isa nagbigay raw siya ng toner at iyong isa naman ay limang rim ng bond paper, letter.”
Panay taas-baba lang ng mga balikat ang mga ito.
“Isa sa inyo ang matalinong nakaisip na mag-regalo—”
“It was me, Jess,” ani Ignasi. “Inabisuhan namin silang regaluhan ka ng mga bagay na mahihirapan kang iuwi o tipong mga regalo pang-kasal o things you wouldn’t think of having… like, printer.” Nginitian siya nito pagkatapos.
Umikot ang kanyang mga mata. “Everything about this day is f*cking hilarious and perfect. I know I like to do an eye roll every now and then, but that’s just because I’m disgusted with myself that I wasn’t the one who came up with the idea. Really, guys, you make my heart full.”
“Well, don’t faint on us. Everyone put the emergency hotline on their speed dial,” ani Dominic.
Pinagkiskis niya ang mga palad. “Where are we off to next?” Yakap-yakap niya ang kahon ng beauty products. “Paano pala iuuwi iyong mga regalo ko?” aniya sabay nguso sa direksyon ng mesang puro regalo.
Si Emerald na ang unang tumayo. “Let’s just go to the beach. We’re gonna leave it here and you can open your gifts here tomorrow, if you like.”
“Sure. I like the idea.” Natigilan siya. “Wait, beach? We’re going to the beach? Right now?”
Wala siyang kaalam-alam talaga sa mga kaganapan. Nagpapalit na ang mga kaibigan niya ng panligo habang siya ay naka-gown pa rin. Paninindigan na lang niya ang gown niyang napakaganda. But knowing Emerald, baka may nakatabi itong swimsuit para sa kanya.
Hindi nga siya nagkamali. May iniabot ito sa kanya na nasa plastic container. Nakita niyang fresh flower crown ang nandoon. Ito na ang nagsuot niyon sa kanya. Naghintay pa siya ng ibang gagawin nito pero iyon lang talaga ang nabago sa outfit niya. Naka-convoy sila papuntang beach.
Nang makarating doon ay nagmistulang nirenta ang kabuoan ng resort. Napapalamutian ng mga ilaw ang daanan at mga cabana. Sino bang ikakasal? Ibang level na ng sorpresa ito. Hindi lang iyon. May arko pa ng mga bulaklak sa gitna kung saan nandoon ang open bar at bonfire. Nagpahuli siya sa paglalakad para hindi makita ng mga kaibigan ang nagbabadya niyang luha. Ano ba ang nagawa niya at binigyan siya ng ganitong mga kaibigan? Nahihirapan siyang tanggapin sa sistema niya na may makakaisip na bigyan siya ng ganitong klase ng selebrasyon. Ang totoong bumabagabag sa kanya ay ano ang tamang nagawa niya sa buhay at ginawa ito para sa kanya ngayon ni Emerald na siyang punong-abala sa lahat ng ito?
It could have been an easy escape for Emerald to forget the sudden loss of their baby, yes, but her work reflects more than that. This day was done with love and it’s rewarding to feel loved.
Hinatak niya si Emerald at niyakap ito ng mahigpit. “Thank you so much, Em.”
Ito naman ang gumanti ng mahigpit na yakap. “I love you, Jess. I really do. Now let’s take off this circular train, shall we.” May ginalaw ito sa gown niya at saka nalaglag sa buhangin ang kalahating parte ng suot niya. Natira na lang ang nagsisilbing swimsuit niya.
Nakalimutan niya ang parteng iyon ng gown. “Shiii—what! Genius. You’re a f*cking genius!” hiyaw niya at saka nagtatatalon sa tuwa nang makita ang kinalabasan ng suot niya. “And this is from sss?” hindi makapaniwalang tanong niya.
Narinig iyon ni Mel at saka bumunghalit ng tawa. “You thought that was from sss?” Umiling-iling ito. “You don’t know Emerald then.”
Napanganga siya sa narinig. “Pinasadya mo ba?”
“Why, oh why,” dramatikong eksena ni Dominic. “Do you have to ask the obvious, Jess?”
Inayos niya ang flower crown at saka malayang tumakbo papuntang bonfire. Nagpa-picture siya sa lahat ng pwesto sa beach. Ipapa-develop niya ang lahat ng ito, scratch that, magpapagawa siya ng photo album, iyong mga ina-avail ng bagong kasal sa kanila noon.
Hindi niya inaasahang dumating si buntis pero present si Spencer at ang ilan sa mga kaibigan nila. Iilan lang ang thunders na present ngayon. Hindi pa umiinit ang pwet niya sa inuupuan ay bigla siyang napatayo sa nakita. She cursed under her breath. “Ano’ng ginagawa niya rito?” tanong niya kay Dominic na may kasamang kurot. Malas lang nito dahil ito ang malapit sa kanya at ito ang napagbuntungan niya ng gulat.
Pinakawalan nito ang braso sa pagkakakurot niya. “Stop it. The crazy ideas are always pondered by Ignasi. Pondered talaga,” anito.
Agad niyang nilapitan si Ignasi at minura ito.
“What?” he asked with an air of exaggeration. “Best wing man, Jessica. I’m your wing man.”
“You are crazy,” sabi niya habang binibigyan ito ng matatalim na tingin. “Crazy.”
Hinarap niya ang bagong dating. “Happy birthday,” wika ni Lucas. Iyon pa lang ang binabanggit nito ay natunaw na siya.
Hindi niya ito inaasahan kaya tipid na ngiti lang ang naging reaksyon niya. “Nakarating ka,” dugtong niya makalipas ang ilang segundo.
“I was invited by Ignasi. Where is he?” anito.
“Right. Ignasi.” Nilingon niya ito at agad itong lumapit.
“Ignasi nga pala, pare,” pagpapakilala nito.
“Kumusta? Lucas, pare. Salamat sa pag-imbita. Nagdadalawang-isip pa ako kung pupunta ako dahil hindi naman ang celebrant ang kumontak sa akin,” ani Lucas.
“She doesn’t know anything about this celebration. And did you say Lucas? Not Edgar?” ani Ignasi na iniharap pa ang kaliwang tainga sa kausap. Ngali-ngali niya itong batukan. Mukha kang tanga, ang gusto niyang sabihin.
“Oh.” She could hear Mel talking s**t behind her back. Of course she’s kidding. Pero narinig niya ang pagbigkas nito sa vowel with intended ka-OA-n.
Isa-isa niyang pinakilala ang mga kaibigan. “So, Edgar, naligaw ka ba or something at ngayon ka lang nakarating?” si Sergi.
“Lucas daw, Serg,” pagtatama ni Ignasi.
“Ha?” si Mel.
“For the record, guys, and this is the last time you will all be reminded, his real name is Lucas and his pen name is Edgar. Okay? Clear?” aniya.
“Crystal,” si Emerald. “Welcome to Bicol. Good thing may afterparty pa. You missed most of the fun back there.”
“Thanks, everyone. Well, chance passenger lang ako at nagdadalawang-isip ako kung pupunta ba talaga ako. But here I am now. Once again, thanks for inviting me,” si Lucas na hindi natitinag kahit na nga ba napapalibutan na ng mga kaibigan niya. Ibang level ng confidence ang ine-emit ngayon ni Lucas and she likes it, to be honest.
“Nagdadalawang-isip pa.” Narinig niyang komento ni Mel. Binalingan nila ito. “Why, though?” dagdag ni Mel na ayaw patalo.
Ngumiti muna si Lucas bago sumagot. “I just think it’s appropriate if the invitation came from the celebrant. Don’t you think so? But still, I’m thankful someone thought of me. Salamat ulit, Ignasi, pare. Ngayon ko lang din nalaman na suprise party pala ito, that’s why I didn’t hear anything from the birthday girl.” Muli ay nagkamay ang dalawa.
“Ex niya ‘yan,” si Mel ulit.
Tiningnan niya na ng makahulugan ang ibang kasama. Dominic came to the rescue. “You know what, Lucas, you should eat first. I can’t believe no one offered you that yet. So sorry for that. Maybe we are just taken aback that your real name is Lucas and not Edgar.”
“Yeah, we met you back in Dumaguete and introduced yourself as Edgar or whatever,” ang pagmamaldita ni Mel part five.
“Sasamahan na kita sa buffet, Lucas,” yaya niya rito.
“Sure.”
Nilagpasan nila ang open bar at tumuloy sa isa sa mga cabana kung saan nakahain ang mga natirang pagkain mula sa taverna. Reheated lahat. Inabutan niya ito ng plato. “How was your trip?” pangungumusta niya. “I hope it wasn’t uncomfortable.”
Ibinaba muna nito ang plato at nilinga-linga ang paligid. Lumapit ito. “Jess, I really missed you. You look so gorgeous,” he whispered.
Walang anu-ano’y umabrisete siya rito. “I’m glad you came. Kahit ang layo ng Dumaguete. Salamat.”
“I don’t know where to stay tonight, Jess. And please remind me na iniwan ko iyong backpack ko sa pinakaunang kubo mula sa entrada,” anito na hindi siya binibitawan.
“Food for the stomach, Jess,” singit ni Mel na kapapasok lang at kumuha rin ito ng plato para sa sarili.
“This is good for the soul, Mel. Hug your partner,” sagot ni Lucas. Nginisihan niya si Mel. Nakita niyang napakingisi rin ito. It’s a good kind of ngisi, she thinks.
***
THEY WERE ALL SAT by the bonfire and sharing boboland kwentos that would make them giggle like bratty kids on a summer trip. At this point, relaxed na ang lahat at sobrang chill na lang ng vibes. Literal na chills na rin ang nararamdaman nila kaya naman nagbigay ng blanket ang may-ari ng resort. Kasama na rin nila sa kwentuhan ang bartender na hiniram ni Sergi mula sa isa sa mga kakilala nito.
Kasalukuyang nagkukwento si Spencer. “Sabi ng anak ng may-ari ng bahay na tutuluyan namin for two days and one night kung saan napaliligiran kami ng gubat, medyo delikado kung may magdadala ng chongki. Walang nakinig. Tinira namin lahat ng nando’n—alak, maria, hash. Tanda ko pa iyong parteng tumalon ako sa isang medyo mababaw na cliff and I played it cool, leaves were all over me, and I was wearing a flower crown just like Jess but it was made from cloth tapos rainbow colors pa.”
Ang ending, nagising si Spencer sa gitna ng gubat na walang kasama, walang suot na pantaas, pero check na check ang rainbow flower crown at shades, at nananakit ang mga braso nito. Dala nito ang phone nito pero walang silbi iyon sa magubat na lugar kung saan walang signal.
“Ang tagal kong naglakad, naiiyak na talaga ako no’n, ang sakit pa ng katawan at ulo ko. Hanggang sa natagpuan ko na ‘yong kotse namin. Ayun! Beinte minutos na lakaran pa.”
Makipot kasi ang daanan at sasayad ang kotse sa matatalim na bato at manmade na humps kaya sa malayo ipinarada ang mga kotse at lalakarin na lang hanggang sa bahay na siyang bida sa kwento ni Spencer.
“Man, the house is f*cking gorgeous. Tuwing bakasyon lang iyon nabibista ng pamilyang may-ari niyon. Hindi ko inasahan na madadatnan pa namin iyong mga decorations ng nakaraang Halloween. May ulo ni Cookie Monster doon sa may garahe kung saan may palakol, pangtabas ng mga ligaw na damo, at isang malaking grass cutter na ginamit namin pamutol sa mga damo. Sa kisame, may mga dugo kang makikita. Sa harap ng bahay, may kulungan ng ibon doon na may mga putol na daliri. Sobrang homey pa ng bahay. Gorgeous. I miss going there. So, noong nando’n na ako, nang makarating na ako, ang laki ng ikinaluwag ng dibdib ko. Sumigaw ako. Syempre walang sasaway sa amin doon dahil malayo ang susunod na kapitbahay na makikita mo. What’s more scary was finding out that there were only three persons sleeping and dozing off in the house. The rest was in the f*cking woods. Lesson learned, we’re never doing it again.”
“I would love to spend a night like that. Tipong generator lang ang pagkukunan niyo ng kuryente. That way, makakapag-interact tayo ng maayos sa isa’t isa. But I’m surprised, guys, that no one’s telling the story of us getting tattoos,” ani Sergi.
Napaungol silang lahat na involved sa istorya.
“No one wants to go back to the day Ignasi and Jess broke up,” sagot ni Mel.
Muli ay umungol silang lahat.
“Goddamn it,” ang naiusal niya. “Two years, guys. Let it go already.”
“I don’t think that’s possible,” si Dominic. “I mean, we try. Wala, eh, Lucas being here makes it awkward.”
“No,” aniya. “We are fine. With or without Lucas, it doesn’t matter. Wait. Actually, it is. You make it awkward for him,” hindi makapaniwalang sabi niya. Nananadya yata ang mga ito.
“Guilty,” ani Mel sabay kibit-balikat. “But the takeaway from that night, ‘yong gabing lahat kami ay nakapagpa-tattoo, is that we live or we die by our choices. What I mean is, tattoo is permanent. Sure, pwede nang ipatanggal iyan ngayon. But everyone liked their choices so we will go through it together. It was a fun night, really. Ang bait pa nga ng may-ari sa amin na siyang nag-tattoo rin.”
“Cool guy,” si Dominic. “Enjoy na enjoy na makitang wala sa matinong pag-iisip iyong mga kliyente niya. He offered a good deal sa pagpapatanggal ng tattoo kung hindi namin nagustuhan. He kept shoving poisons down our throats. May tagong secret stash somewhere in the studio. Liquor and what have you. Damn, I miss being here in Bicol.”
“Kind of asshole in his part, don’t you think?” si Lucas.
Napatitig silang lahat dito.
“Lasing kayo. Wala sa matinong pag-iisip. Bakit niya pa rin itinuloy ‘yon? Ain’t that the bro code of the tattoo artists,” patuloy nito.
Si Dominic ang sumagot. “Like I said, he offered a discount for tattoo removal. Nah, we talked to the guy the next day when it happened. I think I’m speaking for everyone that we like our tattoos. Besides, none of it turned out ugly and neither the design is shit.”
“I wish Cameron’s with us right now,” ang naihiling ni Spencer, who doesn’t give a flying f**k, she likes to think, because of the way he just downright cut off the conversation. “She would enjoy retelling that story,” he then proceeds to tell her that.
“Cameron’s my sister,” bigay impormasyon ni Jess kay Lucas.
“Really? I would love to meet her,” si Lucas na mababanaag ang pagod sa mga mata. Kahit siya ay unti-unti nang nararamdaman ang pagod.
“A soon-to-be-mother of the group. Yay,” si Mel. “How’s our Cameron, Spence? Is she handling her last trimester very well?”
Spencer laughed out loud and toned it down a bit when they all gave him weird looks. “No, she is not handling it well. That’s all I have to say. And I don’t love her less for all things unbearable.”
Natahimik ang lahat nang tumayo si Emerald at lisanin ang grupo. Mabilis ang naging pagtayo niya at agad itong hinabol.
“Hey, what’s wrong?” tanong niya nang mahabol ito. “Stupid question,” bulalas niya sa sarili.
“It’s the talk about Cam’s pregnancy. It f*cking pains me, although I am happy for your sister,” nahahating sabi ni Emerald. “I miss our little boy.”
“Maybe you should talk to Cam—”
“Ayoko. Nagseselos ako. Hindi pa ako handa,” agad na putol sa kanya ni Emerald.
“And don’t you think she will understand you?” aniya. Hindi ito sumagot, bagkus ay tumingin lang sa malayo. “Sorry. Do you want me to leave?” nananantiyang tanong niya.
“You know what, I’ll go ahead. Relax, it’s nobody’s fault. Pagod na ako. Naramdaman na ng katawan ko iyong pagod. Gusto mo na bang sumabay?”
“Em, just know that we are here should you need somebody to talk with. Okay? And I’m sorry na pinangunahan kita sa kung ano ang mararamdaman mo, especially when I said that I think Cameron will understand you.”
Tumango ito.
“And yes, gusto ko na ring magpahinga.”
With that, pinanood nila ang mga kasamang magligpit at literal na sinara ang beach.
Tinapunan niya lang ng tingin ang asawa ni Emerald. Ito ang dapat na humabol kanina sa asawa ngunit pakiramdam niya ay may responsibilidad siya dahil kapatid niya ang pinag-uusapan nila.