JESSICA FEELS WELL RESTED NOW. More relaxed unlike the last time. Napaka-presko rin sa pakiramdam nang naka-bestida at maramdaman ang malambot na tela sa kanyang balat. Nanginginig na daliri ang pumindot sa doorbell ng kanyang sinadya. Sa isang apartment tumutuloy si Lucas. May dala siyang pagkain, kung hindi ito busy ay yayayain niya itong pagsaluhan nila iyon. Hindi naman siya naghintay ng matagal dahil nakita na niya itong lumabas. Agad siyang pinagbuksan at ginawaran ng maingat na halik sa pisngi. Ipinakita niya rito ang dala at natuwa ito sa nakita. “Right on time! Gutom na ako.” Sinundan niya ito sa loob. “Upo ka,” Turo nito sa sofa.
Sumunod siya at hinintay itong matapos sa kusina.
Pinagmasdan niya ang lugar kung saan ito nagsusulat. Nakapwesto ang isang mesa sa tabi ng bintana at doon makikita ang laptop nitong nakakonekta sa charger, isang tasa at isang basong may tubig, nagkalat na mga lapis, highlighter, at ballpen, maraming blankong papel, post-it notes na may mga highlight, at mga Polaroid shots sa pader, kung hindi nakadikit ay ginamitan ng thumbtack. Lumapit siya at sinuri iyon ng mabuti. May ilang kuha mula sa fiesta ng Sant Jordi (na wala siya), at ang iba pa ay puro kuha na sa tabing-dagat o kainan. He’s always with Lois and/or Cielo.
“So…” umpisa ni Lucas sa likuran niya. “We used Lois’ Instax. Had to take few shots so everyone can have one.” anitong matamang tinitigan ang mga litrato.
Marahan siyang tumango. “Cool pictures.” Naupo siya ulit. “How’s your writing progress?” usisa niya.
Napabuga ito ng hininga sa narinig na tanong. “Ang hirap. Lalo na kapag wala ka.” dagdag nito.
Tumaas ang kilay niya. She didn’t expect that. “Paano mo nasabi?”
Hinila siya nito patayo. “Did I hurt you?” Hindi siya nakasagot. Alam niyang alam nitong nasaktan siya nito sa pagtrato nito sa kanya. “I’m saying it’s a slow progress nang umalis ka. Gusto kitang makausap pero naisip ko, walang silbi ang pag-alis mo kung kukulitin lang din kita. Pakiramdam ko, sinasamantala lang kita, ang kung ano ang meron tayo.” Hinaplos nito ang kanyang braso.
Nakiliti siya at kumawala sa hawak nito. “Sorry, nakiliti ako.”
He gave her a smile so pure and intimate. “Jessie…” Naging bulong ang pagbigkas nito sa pangalan niya. Wala itong inaksayang segundo at mapusok na halik ang iginawad nito. Muntik na siyang magpatangay rito. Sa ikalawang pagkakataon ay kumawala siya rito. “Slow down,” she said in between breaths. “But don’t stop.” she added.
She heard him chuckle. “I’d hate myself if I ruin this dress.” ang naging tugon nito. Idinikit nito ang noo sa kanyang noo. Pumikit lang siya at hinigpitan ang pagkakakapit dito. “Hindi ko na ide-deny, Lucas. I’m i—”
Pinigilan siya nito. “Don’t.” mariing sabi nito. “Not yet, please.”
Tinitigan niya lang ito.
“Gaano ka kasigurado diyan?” tanong nito.
Binitiwan na niya ito at sinapo ang noo. “Hindi kita maintindihan. Actually, if truth be told, hindi ko maintindihan ang setup natin.”
“I know. Ako rin. Pero this time, I want to do it right. Lagi akong nagmamadali, Jess, at ayaw kitang madaliin. We’ve been here before, staring right into their faces, seeing the regret and permanent goodbyes behind the curtained eyes, I’ve seen it all and again, as if I don’t deserve any unconditional love.” ani Lucas.
Napahawak siya sa lalamunan nang maramadamang may bumigik doon. “But I am. I’m not gonna say it, relax. But I truly am. Ang bilis nga, eh, but I respect your decision. We have love, Lucas, you can have mine.”
Tumango ito. Hindi ito makatingin sa kanya ng diretso. “Pasensya ka na. Alam kong ako rin ang lumalapit sa iyo at ang unang humahalik. I can only do so much. From now on, kokontrolin ko na ang sarili ko, pag-iisipan ko na ang mga sasabihin at gagawin ko. Ayokong pareho tayong umasa. Sa totoo lang, Jess, hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa akin. Excuse ko lang ang huwag tayong magmadali.”
Hindi niya ito inalisan ng tingin. Pinapanood niya kung paano magsayaw ang iba’t ibang ekspresyon sa mukha nito. “I don’t want to stop saying cheesy stuff, though,” babala niya. Natawa sila pareho. Sa wakas ay nakuha na siya nitong tingnan sa mga mata. Nanggigil siya nang makita ang sumiwang na mga luha sa mata nito at niyakap ito ng mahigpit. “Not controlling myself either. I’ll be foolish and you be the restricted one. Perfect.” aniya.
Napaungol ito. “No…”
Humagikgik siya at pinahid ang namuong luha nito. “It’s okay. We can do this, right?” I’ll be loving you.
Huminga ito ng malalim at saka ipinulupot ang mga braso sa kanya, parang batang binigay ang lahat ng timbang nito sa kanya. “So, lunch?” ani Jessie. Tumango ito.