“O, LAST CALL NA, last call na ng bartender,” hiyaw ng katabi ni Jessica. Tinapunan niya ito ng masamang tingin sabay saklot sa baso nito at inisang lagok ang laman niyon. “Last call, my ass. I still know what time it is.” Sabay tingin sa relo. Napamulagat siya sa oras. She tapped her legs and started to stand up. “Well, Cameron, it’s getting boring here. Let’s go somewhere else.” Hinawakan niya ang kapatid sa balikat upang alalayan ang sarili. Bigla ay nakaramdam siya ng ihi. “Samahan mo nga ako sa banyo,” utos niya rito.
“Okay, you’re being your drunk self again,” anang tinig na kilalang-kilala niya. “Tigilan mo na ito.” Sa pagtingala niya ay binati siya ng mga matang matagal na niyang hinahanap. Ipinatong nito ang braso niya sa balikat nito at ito ang umalalay sa kanya. Niyakap niya ito sa kabila ng tuloy-tuloy nilang paglalakad. “f*****g missed you, Serg. My pillar of salt, my one true love, tangina mo ka, hindi ko talaga pinagsisisihang umahon ang ganoong karubdob na damdamin sa iyo because of all people, you deserve it, and I deserve to be with someone who knows every s**t about me, you complete me, I am so glad to have you as my friend, and I love you and Emerald and your baby bunchkin. You’re a great dad, I can tell already.”
Itinuwid ni Sergi ang pagkakatayo niya. Patuloy lang sila sa kabila ng nagsasayawang mga tao. “No wonder Ignasi left you. One true love, my ass.” narinig niyang wika ni Sergi.
“You are! Were! Was! Ba’t ba ayaw mong maniwala?!” naiinis na sigaw niya.
Nakita niya sa gilid ng mga mata niyang hinahabol sila ni Cameron, na kahit anong laki ng hakbang nito ay walang laban iyon sa mas malalaking hakbang ni Sergi na halos pakaladkad na siyang ilabas mula sa kinaroroonan nila. Tiningnan niya ang kapatid ng masama. “Anong ginagawa ni Sergi rito? May pamilya ‘to sa Bicol, ah. Ba’t kasama ko ‘to ngayon?” usisa niya.
Inikutan siya ng mga mata ni Cameron. “Nagpi-feeling ka talaga. Kailan ba papasok sa kukote mo na hindi lahat ng bagay ay tungkol sa iyo. Pustahan kahit anong sabihin ko, hindi mo na maaalala bukas. Hina ka, eh.”
Tumango siya. “Oo nga. Ang hina ko talaga. Biruin mo ‘yon, dalawang buwan ko pa lang kilala si Lucas, bigay na bigay na kaagad ako? Wala namang masama do’n, ‘di ba? Ang magmahal ulit? Kaso, ‘te, ang shunga ko lang kasi asang-asa ako kahit pakiramdam ko, shortlive lang kami. Wala talaga akong kwenta. Kaya madalas akong iwan, eh.” Humihikbi-hikbi na siya.
May humaplos sa likod niya. Hindi na niya alam kung sino iyon. Wala na ang maingay na tugtugin at hiyawan ng mga tila animal na mananayaw.
Hinaltak niya ang kwelyo ng damit ni Sergi. “You came. Lagi kang nandito. Paano ba kita naging kaibigan. Ang bait-bait mo sa akin. Puro sakit ng ulo lang naman ang binibigay ko sa iyo.”
Ramdam niya ang lamig ng kalsada sa pwet niya. Nasaan na ba sila? Tinabihan siya ni Sergi sa pagkakaupo niya. “Wala ‘yon. Isang linggo ka na raw na ganyan. Isang linggo. Akala ko ba saglit ka lang dito? Sinadya ko si Papa sa bagong tinitirahan niya kaya nandito ako ngayon.”
Sa nanlalabong mga mata ay hinanap niya ang nagsasalita. “Alangan mag-walwal ako doon, eh, ‘di, alam ng buong kalye namin.” ani Jessie na tinutukoy ang tinakasang lugar, lugar na akala niyang magpapahilom ng malalim na sugat na pinagmulan ng iba’t ibang pangyayari sa magulo at madumi at nakasusulasok niyang buhay. Isinusuka niya ang sarili niya, nasa punto siya na muli niyang kinamumuhian ang sarili. Napakahina niya, at paulit-ulit at paulit-ulit at paulit-ulit niyang binibigo ang mga taong tinuruan at tinulungan siyang bumangon mula sa pagkakadapa.
“Kumusta si Tito Simon?” si Cameron.
“Really excited about living alone. Nice to have his freedom back, ang sabi niya.”
“Considering he spent most of his adult life with the cheater Tope, I’m pretty sure he’s happy he got rid of that excess baggage.”
She tried to touch the woman’s face. “Cameron?” ani Jessie. “Ikaw ba iyan?”
“Yes, ate.” bagot nitong sagot.
“Inaantok na ako. Nasusuka pa yata ako.” aniya.
Vomit ensues.
“That’s it. You’re grounded.”
“What am I? Fifteen f*****g years old?”
“You act like it!” Cameron snapped. “We are not here forever, ate, gosh, keep up. You let everyone down.”
“Hey, enough, Cameron.”
“She won’t remember it.”
“You sure? Puking worked. She looks okay now.”
“f**k you, Cameron. f**k you.”
Kahit pasuray siyang maglakad ay hindi niya tinanggap ang tulong ng dalawa. Pero ano ba namang panama niya sa lakas ni Sergi nang buhatin siya nito papunta sa kotse ni… hindi niya alam. Hindi niya nga maalala kung anong sinakyan niya papunta rito.
Fade to black.
***
NAPILITAN SIYANG SALUHAN sa tanghalian sina Cameron at ang tatay niya. Pinagbawalan na siya ng dalawa na lumabas. Pinabantayan din siya ng tatay niya kay Cameron. Grounded daw? Ilang taon na ba siya at isinasagawa pa sa kanya ang pauso ng dalawang ito?
“Hindi ka ba maghahanap ng trabaho, Jessie?” anang tatay niya.
Umiling siya.
“Ano nang balak mo niyan?” ang kanyang tatay ulit na hindi na itinikom ang bibig magmula nang dumating sa bahay niya.
Kibit-balikat ang isinagot niya.
“Papahaba ka lang ng bulbol dito?” ang tatay niya ulit. Nahuli niya ang mapang-asar na ngisi ng kapatid. Sinipa niya ito sa ilalim ng mesa. Tinadyakan siya nito bilang ganti sabay tayo. “Magtino kayo!” ganting sigaw ng tatay niya. Umahon ang dugo sa ulo nito at namula ang leeg nito.
“Anong balak mo sa bahay mo sa Dumaguete? Papaanayin mo ang bahay doon?” usisa pa rin ng mabuti niyang tatay.
“Hindi ko alam, ‘tay. Ang dami mong tanong.” walang ganang sagot niya.
“Bastos kang bata ka,” Tumayo ito. “O, siya, kung hindi mo ako gagalangin, putulin na muna natin ang komunikasyon sa isa’t isa. Kapag hindi ka pa nagtino, susunod itong si Cameron. Walang kapa-kapatid. Sinasabihan kita, Cameron, huwag mong matulung-tulungan itong kapatid mo. Kung ayaw mo sa aming dalawa, Jessica,” Dinuro siya nito. “Doon ka sa nanay mong magaling. Sinabihan ko na siya. Alam na niya ang kalagayan mo. Magsama kayong dalawa. Manang-mana ka talaga sa kanya, pareho kayong sakit ng ulo.”
“Ouch.” piping wika niya. Tuluyan nang umalis ang tatay niya. Niligpit niya ang kinainan at hinugasan iyon. Sa sala ay nanonood si Cameron. Pinatay nito ang telebisyon nang makita siya sabay tayo. “Punta lang ako ng gym. Maiwan na kita.” paalam nito saka kinuha ang gym bag at isinara ang pinto.
Naiwan siyang natulala hanggang sa umiyak siya.
Habang lumuluha ay hinanap niya sa nanlalabong mga mata ang remote ng TV. C-in-onnect niya iyon sa phone niya at nagpatugtog. Nagpakalunod siya sa tugtugan niyang inaanay na rin at habang-buhay na pang-senti.
***SCENE 2
Sa unang beses na paglapat ng mga mata nila ay nag-iba ang t***k ng puso niya. Tila may bumara pa yata sa lalamunan niya at nakailang tikhim siya.
Patuloy sa pagpirma ng libro ang manunulat na si Edgar, ayon sa pen name nito. Nang siya na ay inilapag niya ang libro sa mesa at binigkas ang pangalan niya.
JESSICA:
Jessica.
Tumango ito at nagsulat ng dedication sa front page. Nang matapos ay tiningala siya nito, ngumiti at nagpasalamat.
LUCAS:
Salamat. Next.
Inilipat niya ang tugtugin at nahiga sa sofa. Sana sa ganoong paraan na lang sila nagkakilala. Doon, walang chance na masundan ang pagkikita nila, unless magpunta ulit siya sa susunod nitong book signing. Isa pa, malabo na mangyari iyon dahil bihira siyang dumalo sa mga Book Fair at hindi sa lahat ng oras ay alam niya ang dinadaluhan ng manunulat. Kinuha niya ang laptop at tumipa sa teclado.
Lucas, I spoke of chaos as if I know you too well to really damage me good. But still, you did, infinitely.
She hit send.
An email popped up and she opened it immediately.
When will you be back?
Nataranta siya.
BRB.
Sinarado na niya ang laptop nang maipadla ang sagot at inikot ang buong salon. Isa lang ang sigurado niya sa ngayon, hindi na niya ito kayang harapin pa… parang, yata, sa tingin niya. Lugi na kasi siya, eh. Namuhunan na siya pero walang gives. She wants total reimbursement.
She took herself back down the memory lane.
Kulog at kidlat ang soundtrip nila. Walang baterya ang mga cell phone nila. Panay kiskisan lang sila ng balat upang padaluyin ang init sa kanilang katawan. Her beau, rockhard from the cold, odd but it really was, was rocking his freshly cut hair and tan lines. Ibinuka niya ang kanyang mga braso at malugod nito iyong tinanggap. Ito ang una niya, at ninais na huli. Wala siyang hindi ibinigay rito. Maski kinky stuff, wala silang pinalagpas. That night with Ignasi paved the way of her reborn self. It liberated her from her madeup inhibitions and restrictions. She started to feel good about herself, dressed good, and loved more, and gave more. Ignasi taught her that. They did exactly that. Hindi lang sila umibig, kundi inibig nila ang kabuuan ng inihahayag ng mundo sa kanila, sa lahat ng inalok ng mga tala, sa kagandahan ng samahan ng mga nabuong pagkakaibigan, at walang katapusang pagmamahalan para sa isa’t isa.
Well, akala nila ay wala nang hangganan ang relasyon nila.
Doon siya nagkamali.
Ngayon ay inuulit niya na naman iyon. Ang pagkakaiba nga lang, sigurado siya na siya lang ang namumuhunan.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at inutusan ang sarili na huwag nang silipin pa ang laptop. Nagpunta siya ng kusina at naghanap ng ice cream. She’s upset, she wants her ice cream. Pasasalamatan niya mamaya si Cameron dahil hindi ito nakalimot na maglagay ng ice cream sa freezer, ito na kasi ang nag-grocery para sa kanila.
Nakailang subo na rin siya nang sunod-sunod ang naging pagtunog ng phone niya. Kinuha niya iyon at binuksan at sinilip ang pinagmulan ng ingay. Oo nga pala, naka-sync ang e-mails niya sa phone. She sighed and read his messages.
When?Are you okay?I’ll be here when you get back.
Naitapon niya ang hawak at naging malayo ang tingin. Narinig na niya iyon kay Ignasi. Yata. Hindi siya sigurado. Alam niyang napangakuan na siya ng ganoon. Umismid siya. Parang siya ay hindi rin nangako ng maraming bagay sa maraming tao sa maraming pagkakataon.
Tumingala siya at huminga ng malalim.
Sa isang iglap ay kinakalampag na niya ang gate ng bahay ni Mel. Wala itong inaksayang oras at pinatuloy siya hanggang sala. Agad niyang pinakita rito ang mga mensahe ni Lucas.
“What about them?” siyasat nito.
“Galing iyan kay L—Edgar.”
Naging alisto ang mga mata nito. “Edgar?” he confirmed. “Edgar, the author?”
Maagap ang naging pagtango niya. “Well?” Gusto niyang pigain ang kung anumang iniisip ni Mel at itaktak iyon at siya na mismo ang babasa sa mga salitang dumadaloy sa kukote nitong kailangang kailangan na niya. “Is it not going to be there when you get back?” Mel said with a hint of satisfaction from paraphrasing John Lennon.
Sumalampak siya ng upo sa sofa at pinagmasdan ang kaharap. “I don’t know what to do.” ungot niya.
Tinabihan siya nito. “I know, sis. But really, though, he will be there. Travel now, regret later. Iregalo mo na lang ‘to sa iyo. Malapit na ang birthday mo. Huwag mong hintayin na matapos niya ang sinusulat niya. Wala ka nang maaabutang Edgar.” Niyakap siya nito at ginawaran ng halik sa gilid ng sentido.
“Reminds me of the pre-celebration from two years ago,” she said in almost a whisper.
Natahimik sila ng ilang segundo. Sabay na naisip ang nangyari eksakto nitong nakaraang taon. Sa pilit ni Cameron ay binisita nila ang ilang lalawigan ng Pinas at sa isang punto ng kanilang paglilibot ay umabot sila sa Bicol kung saan kasalukuyang naninirahan ang best friend niyang si Sergi at ang asawa nitong si Emerald na ngayon nga ay may anak na. Nakompleto silang magkakaibigan isang gabi at kinabukasan ay nalamatan na ang samahan nila. Nagbago si Ignasi, nakilala niya ang tunay na Dominic. Ito ang nagpaintindi sa una na sa tingin ni Dominic ay ang tunay niyang pagkatao. Na siya, after all these time, ay in love sa best friend niyang si Sergi.
“Why do you choose Dominic every single day?” she asked out of curiosity.
“Stupid question,” anito, sabay silang natawa. “Indulge me.” aniya.
“I know it’s hard to accept him after what he did to Ignasi. But, to answer your question, it’s not a matter of choice but the profundity of our relationship. He sees me as an equal, he accepts my past and my son Matthew. No one likes a battered old rag, a shitshow, for that matter. The worst things brought out the best in us and I won’t leave someone who stayed strong when I’m beat up from life a long time ago. Every time I fail to love myself, even failing to appreciate my son’s presence when Mat just wants to cheer me up, he will be there, Jess, he will rescue every being on earth that is blinded by their own ego’s doing, by their own suffering, by you loving your best friend. And Jess, Dominic wouldn’t understand how deeply you adore Sergi, because I do, too. I adore him so much, but you and Serg have more connection, have deeper sense of communication, the roots go back all the way to, I don’t know, memory lane. Dominic doesn’t want to see how perfect and safe you feel with Sergi. Dominic’s not the type of guy who can maintain a long-lasting friendship, he doesn’t have any friends.”
She looked at him as if insulted. “Then what am I? A chair?”
They laughed out loud.
“Of course I love Sergi,” Jessie said. “But I’m not in love with him. May difference iyon.”
Tumango si Mel. “If Ignasi thought and understood it that way… And Dominic, too.”
Tumayo ito at inabot ang phone sa kanya. “You’re not the type who cares if you suffer now with Edgar. Go and be with him. No one likes a challenge more than you do. And if you fail, then you fail. f*****g cry, burn yourself to the ground, who cares. In this time of age, it’s as though saving yourself is not a priority. We have this thinking that we have to save every stray cat, but no, girl, you do you.”
“I beg to disagree. I think I’m gonna plunge headfirst into this Edgar situation. Pray for my soul. Not saving myself this time, parang sure thing na ikasisira ko ito. Time out, my ass is being a drama queen again.” Kinuha na niya ang phone at nagpaalam. “I just needed a little push. Uwi na ako. May ibu-book pa akong flight.”