KISHA’S POV “Don’t do that again,” saad ko kay Lilibeth habang magkaharap kaming dalawa. Nasa gym ako ngayon. Matapos ang nangyari kanina ay iniwasan ko si Renzo. Hindi rin ako sumabay sa kaniya sa dinner. Nagluto ako pero mabilis akong kumain at tinirahan ko lang siya. Pagkatapos ay nagkulong na ako sa kwarto ko para iwasan siya. Kumatok siya pero hindi ko siya pinagbuksan. Ayaw ko muna siyang makita. Pero pinapanood ko ang bawat galaw niya sa loob ng bahay. May CCTV sa bawat parte ng bahay maliban sa kwarto naming dalawa at kita ko nang kumain siya ng dinner. Naghugas ng pinagkainan niya at kumatok sa kwarto ko pero dahil hindi ko siya pinagbuksan ay bumalik siya sa kwarto niya. I am his bodyguard. I shouldn’t be avoiding him, but I know things will be awkward after what happened. I

