KISHA’S POV Dahil late na akong nakatulog ay hindi ako nagising ng maaga. Mataas na ang sikat ng araw ng magising ako. Nagmamadali na akong bumangon. Ginawa ko muna ang morning routine ko. Kunting stretching, maghilamos at toothbrush, bago ako lumabas ng kwarto ko. Dumiretso ako sa kusina para sana magluto ng almusal pero napakunot ang noo ko nang makita kong may mga nakahain na sa mesa. “Good morning.” Lumingon ako sa nagsalita at nakita ko si Renzo. Bagong ligo na siya. “Nagluto na ako ng breakfast natin. Hindi kasing sarap mo… I mean ng luto mo pero huwag kang mag-alala. Edible lahat iyan,” saad niya habang nakangiting saad nito. Tumingin ako sa niluto niya. Fried egg, may part na medyo sunog pa iyon. Iyong kanin, halatang medyo nasobrahan sa tubig. May tapa, na sa tingin ko ay a

