KISHA’S POV Agad akong nagtungo sa condo ni Renzo kung nasaan si Winnie ngayon. Hindi ko alam kung ano ang kailangan niya sa akin. Naiwan namin siya kanina sa lugar kung saan nag-photoshoot sina Renzo. Agad akong sumakay sa elevator at nakita ko ang isang babaeng may takip na balabal sa ulo at parang tinatakpan niya ang kalahati ng mukha niya. Mas tinakpan pa niya ang mukha niya nang pumasok ako sa loob ng elevator, hindi ko siya pinansin dahil nahagip ng mga mata ko ang tila malaking peklat sa kanang mukha niya. Tumingin ako sa mga numerong nasa gilid pero nakita ko nang nakailaw na ang floor kung saan din ako pupunta kaya hindi ko na iyon pinindot. Dalawa lang kami ng babaeng sakay ng elevator. May dala rin siyang sa tingin ko ay mga pinamili niya. Maaring kasambahay siya sa bahay n

