Chapter 7

1773 Words
KISHA’S POV Masama ang tingin sa akin ni Renzo habang may hawak siyang cold compress na nakalagay sa noo niya. May malaking bukol siya at kitang-kita iyon ngayon. “Kisha, masakit. Kiss mo para—” Matalim na tiningnan ko siya kaya natahimik siya. Mabilis niyang tinikom ang bibig. “Sa susunod, umayos ka. Kung ayaw mong bala ang ipakain ko sa iyo.” Nagpapa-cute na ngumuso siya sa akin. Naiirita naman ako sa kaniya, ang laki niyang tao pero nagpapa-cute siya. Pabebe masyado, gayong barako naman siya. “Nagbibiro lang naman ako. Masyado ka namang brutal. Paano kung nabasag ang bungo ko sa pagbato mo ng sandok sa akin kanina? Mabuti sana kung plastic iyong hawak mo, kaso stainless iyon. Paano kung magka-internal bleeding ako at mamatay? Hindi ka ba nag-aalala sa akin?” Ang arte talaga niya. Alam kong artista siya pero bakit iba ang kaartehan niya? Daig pa niya ang babae. Lumapit ako sa kaniya at inagaw ko ang cold compress na hawak niya. Marahan kong nilagay iyon sa bukol niya. Bigla naman siyang tumingala sa akin at ngumiti. Tiningnan ko ang bukol niya. Mukha namang mawawala rin. Oa lang talaga si Renzo. “Kung hindi ka nag-aalala sa akin, ako nag-aalala sa iyo. Kasi paano kung may internal bleeding talaga at namatay ako? Paano ka na? Hindi pa tayo naikakasal, matitigok na ako. Paano ka na mag-aasawa?” pagdadrama pa niya. “Sino naman may sabing pakakasalan kita? Magpapakasal ako sa iba,” sarcastic na saad ko. “Iyan ang huwag mong gagawin. Kahit nakalibing na ako, babangon talaga ako sa hukay. Magmumulto ako.” Tumirik ang mata ko sa sinabi niya. Madaldal talaga siya, nasasanay naman na ako sa mga walang kwentang sinasabi niya pero minsan hindi ko pa rin talaga mapigilang maasar. Hinawakan niya ang kamay kong may hawak ng cold compress pero tinapik ko iyon ng isang kamay ko kaya binitawan niya ako. “Kisha, masakit talaga…” aniya pa. Hinihipan ko ang noo niya at nakita kong mas lumaki ang ngiti niya sa akin. Kaya tinulak ko ang noo niya. Muli kong binalik sa kaniya ang cold compress. “Wala pa namang dugo kaya huwag ka nang mag-inarte.” Nanlaki ang mag mata niya habang hindi makapaniwalang tumingin sa akin. “Hindi mo ba alam kung ilang star ang nakita ko kanina nang tumama sa ulo ko ang sandok?” “Kumain na tayo. Lalamig na ang pagkain.” Hindi ko na pinansin ang tanong niya. Naghanda na ako ng table para sa aming dalawa. Saka ako nagsandok ng pagkain. Ramdam kong nakasunod siya ng tingin sa akin pero hindi ko siya pinapansin. Sanay na kong ganiyan si Renzo. Kahit naman sawayin ko siya. Para siyang bingi kaya hinahayaan ko na lang. Kahit na sa totoo lang, ang awkward ng nararamdaman ko pero hindi ko pinapahalata sa kaniya. Pinipilit ko lang na maging normal sa harap niya pero ang totoo ay na-a-awkwardan ako. May nangyari sa aming dalawa kagabi dahil pero pinipilit kung umakto na parang wala lang para lang hindi mag-iba ang atmosphere sa pagitan naming dalawa. Binaba na niya ang hawak na cold compress nang matapos akong maghain sa mesa. Napangiti pa siya nang makita ang niluto kong ulam. Para siyang bata, fried chicken ang paborito niyang pagkain pero ang gusto niya iyong breast. Magana siyang kumain. Habang ako ay tahimik lang. Ngumingiti siya sa akin pero hindi ko siya pinapansin. “Kisha, are you still mad at me?” tanong niya habang kumakain kami. Kumunot ang noo ko sa kaniya bago umiling. “Bakit hindi ka nagsasalita?” “Wala naman akong sasabihin.” “No. I think galit ka pa rin sa akin,” giit nito. “Hindi ako galit. Bakit naman ako magagalit?” Tinitigan niya akong mabuti kaya sinalubong ko ang mga mata niya. “Dahil pinipilit kitang magpakasal tayo.” “Hindi mo naman ako mapipilit kapag ayaw ko.” Bigla siyang nanahimik sa sinabi ko kaya nagpatuloy na ako sa pagkain. “Alam mo ba, paborito ko talaga ang chicken breast dati,” pagkaraan ng ilang sandali ay saad niya. Hindi talaga niya kayang manahimik ng matagal. Tumingin ako sa kaniya. Dati? Ngayon ba ay hindi na niya iyon paborito? Nakailang piraso na nga siya. “Ngayon breast mo na ang magiging paborito k—” Hindi na niya natapos ang sasabihin nang mabilis kong ihaya sa mukha niya ang tinidor na hawak ko. Napalunok siya at itinaas ang dalawang kamay habang kinakabahang ngumiti sa akin. “Subukan mo pang magsalita, paduduguin ko iyang bunganga mo,” banta ko sa kaniya. Umakto naman siyang zinipper ang bunganga. Matalim na tumingin ako sa kaniya bago ako nagpatuloy sa pagkain. Malapit na naman maubos pasensya ko sa kaniya. Dati madaldal lang siya, pero mula kaninang umaga, bastos na rin bunganga niya. Hanggang sa matapos kami ay hindi na siya nagsalita kaya nagpasalamat ako. “Ako na ang maghuhugas,” saad niya nang sinisimulan ko nang iligpit ang pinagkainan namin. “Okay,” sagot ko at hinayaan ko na siya. Wala siyang katulong dito dahil ayaw niyang may ibang tao. Maging ang manager niya at personal assistant ay madalang pumarito maliban na lang kung kailangan. May driver din siya pero on call lang ito at madalas ay ang personal assistant niya ang kasama noon. Pero ako, gusto niya rito nakatira dahil personal bodyguard raw niya ako at dapat nakabantay ako palagi sa kaniya. Naghanap ako ng gamot sa drawer. Sa may kusina at may nakita akong ibuprofen kaya ininom ko iyon. Mas mabuti pa sigurong nag-training ako buong araw o kaya nakipag-sparring ako sa ring. Dahil katawan ko lang ang sasakit. Hindi ang nasa pagitan ng mga hita ko. Akala ko oa lang iyon kwento ng iba na masakit sa una. Pero hindi pala. Totoo palang parang mahahati ang katawan. Para nang gusto ko nang tadyakan si Renzo kagabi para umalis sa ibabaw ko. Naupo ako sa sofa habang naghuhugas siya. Napatingin na lang ako sa abstract painting na nakasabit sa dingding. Sa nangyari sa amin. Ayaw ko pa talagang isipin iyon. Lasing ako o mas tamang sabihing may drugs ang nainom ko. Kaya nga kahit ako ang bodyguard ang naging ending ay siya ang nag-bantay at alaga sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, basta namamalayan ko na lang na nasa kama na kaming dalawa. Kinagat ko ang kuko ko sa hinlalaki. Sanay ako na alam ko palagi ang ginagawa ko. Isang problema ko lang talaga kagabi ay ako ang uminom ng alak na sana ay para kay Renzo. Pero kung siya ang nakainom noon, intact pa siguro ang virginity ko. Naupo si Renzo sa tapat nang matapos siyang maghugas kaya napatingin ako sa kaniya. “Let’s talk,” saad niya. Humugot siya ng malalim na hininga. “I really want to marry you, Kisha. Pero kung ayaw mo, wala akong magagawa. Hindi na kita pipilitin.” Seryoso siya ngayon, walang mapang-asar na ngising nakapaskil sa mukha noya. “Kalimutan na lang natin ang nangyari. Isang beses lang lang naman iyon—” “Anong isa? Ilang beses nating ginawa iyon kagabi,” putol niya sa sasabihin ko. Tiningnan ko siya ng masama kaya alangain siyang ngumiti sa akin. “Kalimutan na lang natin ang nangyari. It was a mistake. Hindi ko kailangang magpakasal sa iyo dahil lang sa nangyari. Iyong ginawa ko kaninang umaga nang magising ako, nabigla lang ako. Huwag mo na lang isipin iyon,” seryosong saad ko. Hindi siya umiimik at nakatingin lang siya sa akin pero kita kong hindi siya sang-ayon sa sinabi ko. “Paano kung mabuntis ka. Hindi mo pwedeng sabihin na hindi ka mabubuntis. Hindi mo naman itatago sa akin hindi ba? Wala hindi ko pangarap taguan ng anak gaya noong mga nangyayari sa movie.” “Bakit ko naman siya itatago sa iyo? Hindi ko gagawin iyon. Iyon ay kung mabubuntis ako. Pero hindi mo ko kailangang panagutan.” “Pero gusto ko.” Tinaas pa niya ang isang kamay. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat na isa siyang responsableng lalaki o gusto kong mainis dahil parang sinasabi niyang mas may paki siya kaysa sa akin. “Pero ayaw ko.” Muling nalaglag ang balikat niya. “Sa ngayon, kalimutan na muna natin ang nangyari. Hindi na kailangang pag-usapan ng paulit-ulit ang isang bagay na hindi naman na mauulit pa kahit kailan,” may diing saad ko. “Paano ka nakakasiguradong hindi na mauulit?” kunot noong tanong niya sa akin. Naningkit naman ang mata ko sa kaniya. Nasa tamang pag-iisip na ako kaya alam kong hindi na iyon mauulit. “Dahil hindi na ako papayag na maulit pa,” may pinalidad na sagot ko sa kaniya. Bakit pa namin uulitin ang isang pagkakamali? Wala lang ako sa tamang pag-iisip kagabi kaya nangyari iyon. Ngumisi siya sa akin at tumayo. “Then let us have a deal.” Nagtatanong ang mga matang tumingin ako sa kaniya. “Kapag may nangyari ulit sa ating dalawa. Sa ayaw o gusto mo, pakakasalan mo ko,” seryosong saad niya. Tumaas ang kilay ko sa kaniya. “Are you crazy?” Bahagya niyang tinagilid ang ulo habang nanatiling may ngisi sa labi niya. “Are you afraid? Sabi mo nga hindi na mauulit, so why don’t you agree? hamon niya sa akin. Mabilis akong tumayo at matapang na tumingin sa kaniya. “So, deal?” Inilahad niya sa akin ang isang kamay niya. Tiningnan ko lang muna iyon. “Pero mula ngayong kakalimutan mo na rin ang nangyari sa atin.” Tumango-tango siya. “I will, but you must remember our deal.” Tinanggap ko ang kamay niya. “Deal.” Mas lumapad ang ngiti niya nang makipag-handshake ako sa kaniya. Alam ko naman na hindi ako matatalo sa deal naming dalawa. Hindi na ulit iyon mauulit kaya imposibleng magpakasal kaming dalawa. Kilala ko ang sarili ko, hindi naman ako mahina sa tukso. Hinila niya ang kamay ko para sana halikan iyon pero mabilis akong kumilos at pinulupot ang isang braso ko sa leeg niya para i-headlock siya. Saka ko siya binatukan sa ulo. “Kisha, may bukol pa ako,” reklamo niya. Mabilis ko naman siyang pinakawalan. Tinalikuran ko na siya para pumunta sa kwarto ko. “Good night!” pahabol niya sa akin pero hindi ko na siya nilingon. Parang ang saya niya bigla. Pero wala na akong pakialam. Basta nakapg-usap na kami. Hindi na niya babanggitin ang namagitan sa amin kagabi. Kakalimutan na namin iyon pareho. Kalimutan na niya ang ambisyon na magpapakasal kami dahil hindi iyon mangyayari. Hindi na mauulit ang nangyari kagabi. Sinisiguro ko iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD