KISHA
Ilang beses na akong bumuntonghininga. Habang pinagmasadan ko ang katawan ko sa whole body mirror na nasa bathroom. Kitang-kita ko ang mga pulang marka na naiwan dahil sa nangyari sa aming dalawa kagabi.
Biglang nag-init ang mga pisngi ko nang parang sirang dvd player na nag-flashback sa isipan ko ang lahat ng nangyari.
Ilang beses kong sinampal ang sarili ko pero hindi talaga mawala sa isip ko ang bagay na iyon. Kaninang umaga ay Malabo pa sa akin ang mga pinaggagawa namin, pero ngayon, parang gusto kong barilin ang sarili ko dahil malinaw ko nang naaalala ang lahat.
Hindi ko mapigilang makaramdam ng init kaya mabilis akong pumasok sa loob ng shower room at tumapat sa malamig na tubig mula sa shower.
Pinikit ko ang mga mata ko pero iyon pa rin ang nakikita ko. Kung paano ko sinuko ang sarili ko kay Renzo o mas tamang sabihing paano niya ako naisahan ng nakaraang gabi.
Isang malakas na suntok ang sasalubong sa akin pero mabilis akong nakaiwas. Pinatid ko siya bago ko pinatamaan ng isang straight cut sa mukha dahilan para bumagsak siya sa sahig. May gear naman ang ulo niya kaya hindi masakit kahit bumagsak siya.
Mabilis kong inalis ang gloves na suot ko habang nakatingin kay Nate na hinihingal ngayon. Umupo siya at inalis ang protective gear na nasa ulo niya.
“Minsan ka na lang mag-day off mula sa pagbabantay mo kay Enzo, pero hindi pa rin pumapalya ang mga kamao mo,” reklamo niya.
Mayabang na ngumisi ako sa kaniya. Magkaiba kami ng forte. He is a computer genius, kaya madalas ay nandito lang siya sa Headquarters, habang more on combat skills naman ako kaya madalas sa field ang trabaho ko.
“Talaga? Akala ko nga kinakalawang na ako dahil busy ako mag-babysit,” sarcastic na saad ko at ikinatawa niya.
Tumalikod na ako sa kaniya at bumaba sa ring.
“How about dinner? Sagot ko!” pahabol niya sa akin.
Umiling ako sa kaniya kahit nakatalikod at tuluyan nang lumabas ng gym. Day off ko ngayong araw kaya gusto kong namnamin muna ang kama ko. Hindi naman nakakapagod ang trabaho ko bilang personal bodyguard ng isang sikat na Enzo del Prado. Sa loob ng anim na buwan mula nang pumayag ako sa pakiusap ni Kenzo, anim na buwan na ring pinipilit kong habaan ang pasensya ko dahil sa binabantayan ko na madalas ay siyang sakit ng ulo ko.
Ilang hakbang lang ang layo ng bahay ko sa gym kaya agad na akong nakarating. Pahapon na kaya mabilis na akong naligo, pinagpawisan ako sa sparring namin ni Nate.
Nasa ilalim ako ng shower at ini-enjoy ang paliligo ko nang marinig ko ang pag-ring ng phone ko pero hinayaan ko lang iyong tumunog. Ngunit tila walang balak na ibaba ang tawag ng tumatawag sa akin kaya napilitan akong mabilis na tapusin ang paliligo ko.
Nakatapis lang ako ng putting tuwalya at tumutulo pa ang buhok ko nang damputin ko ang phone ko pero agad na pumitik ang ulo ko nang makita ko kung sino ang tumatawag. Si Enzo.
“Hello?”
“Kisha, kailan ka babalik?” tanong niya. Napakamot ako sa kaliwang kilay ko.
Kauuwi ko pa lang kanina at three days ang day off ko pero tinatanong agad niya ako kung kailan ako babalik. Alam naman niya kung kailan dahil sa kaniya ako nagpaalam.
“Balik ka na, babayaran ko ang day off mo. Double pay,” alok pa niya sa akin. “Tapos bibigyan pa kita ng free massage. Ako mismo magmamasahe.”
Kung kaharap ko siguro siya baka nabatukan ko na. Wala akong paki kahit amo ko siya, minsan masarap talaga siyang sapakin.
“Enzo, day-off ang gusto ko. Hindi ko kailangan ng double pay.” Ang kailan ko ay ilang araw na malayo sa kaniya.
He is my boss, pero ayaw niyang Sir ang tawag ko sa kaniya kaya first name basis kaming dalawa.
“Alam ko pero kinakabahan ako, paano kung may magtangka sa buhay ko at wala ka? Paano kung mategi ang beauty ko? Mababawasan ang maganda sa mundo,” maarteng saad niya kaya mariin akong pumikit upang habaan ang pasensya ko.
Enzo Del Prado is a famous actor, pero sa kabila ng kasikatan niya at sa dami ng babaeng nagkakandarapa sa kaniya. He is gay. Pero mga piling tao lang ang nakakaalam ng sekreto niyang iyon dahil sa sa harap ng kamera, lalaking-lalaki naman siya. Pero kapag sa taong komportable na siya gaya ko, lumalabas ang kabaklaan niya.
“Mababawasan din ang maarte,” pabulong ko.
“Ha?”
“Wala. Wala ka namang schedule sa mga araw na wala ako kaya okay lang na mag-day off ako. Kung talagang worried ka sa safety mo, tawagan ninyo si Chris at Kon," tukoy ko sa dalawang bodyguard pa niya. Pero kapag may event or taping lang niya ito kasama para hindi siya madumog ng mga fans. Hindi gaya ko na 24/7 dapat nakabantay sa kaniya.
Sinigurado ko rin na wala siyang mall shows or taping bago ako nag-day off para nga hindi ko siya kailangang bantayan. Nahirapan pa nga ako magpaalam sa kaniya dahila ayaw niyang pumayag noong una.
“Ayaw ko sa kanila, ikaw ang gusto ko,” giit pa rin nito.
Madalas ko na iyang marinig sa kaniya. Napakaarteng nilalang.
“Babalik ako after three days,” sagot ko na lang.
“Ang tagal naman. Dapat kasi sinama mo na lang ako umuwi.”
Hinilot ko ang noo ko. Day off ko na pero pinipeste pa rin niya ako. Gusto pa niyang sumama.
“Sige na, may gagawin pa ako,” paalam ko sa kaniya.
“Kisha!” pagmamaktol niya sa kabilang linya. Parang bata siyang hindi pinagbigyan sa gusto niya. “Bumalik ka agad. Naiinip na ako.”
Hindi na ako sumagot at binaba ang tawag. Bahala siya sa buhay niya. Day off ko kaya baka pwedeng huwag muna niya ako kulitin.
Gusto ko munang mag-relax. Hindi rin naman talaga nanganganib ang buhay niya para bantayan ko siya. Dahil sa loob ng anim na buwan, wala talaga akong nakitang threat sa kaniya pero naiintindihan ko kung bakit gusto ni Kenzo na may nagbabantay sa kakambal niya.
Enzo or mas mabuting tawagin kong Renzo, he's brother is a mafia boss, kaya maaring madamay siya sa galit ng mga kaaway nito pero sa ngayon ay tahimik ang lahat kaya sigurado akong wala pang banta sa buhay ni Renzo.
Nagluto ako ng hapunan ko at tahimik akong kumain mag-isa. Ngayon ko na lang na-enjoy ang katahimikan dahil sa tuwing kasama ko si Renzo ay tila walang kapaguran ang bibig niya sa kaka-kwento.
Matapos kong mag-dinner ay nanood ako ng isang sci-fi movie at nang inantok na ako ay agad kong pinatay ang TV saka ako nakangiting nahiga ako sa kama ko.
Na-miss ko ang kama ko kaya agad akong natulog pero agad akong nagising dahil sa malakas na ring ng phone ko. Asar na sinagot ko ang tawag habang nanatili akong nakapikit.
“Kisha, si Enzo,” ramdam ko ang kaba sa boses ng personal assistant ni Renzo.
Tuluyan nang nagising ang diwa ko. Napaupo ako sa kama.
“What happened?”
“Nawawala siya.”
Damn!
“Paanong nawawala?”
“Hindi namin siya mahanap. Hindi rin siya sumasagot sa tawag.”
Hindi siya nawawala. Tumakas siya.
Mabilis kong tuluyan nang bumangon sa kama ko. Nagpalit ako ng damit. Nagsuot ako ng pantalong maon at white sando na pinatungan ko lang ng black leather jacket. Saka ko kinuha ang susi ng motor ko at agad na lumabas ng kwarto ko. Tiningnan ko ang phone ko. May tracking ang phone niya kaya kahit saan siya pumunta basta dala niya ang phone niya ay malalaman ko.
Sinundan ko ang red dot na nagtuturo kung nasaan siya. Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng motor ko. Day-off ko ngayon pero kailangan kong puntahan si Renzo, dahil hindi lang naman kaligtasan niya ang kailangang protektahan. Pati na ang reputasyon niya dahil isa siyang artista at may pangalan siyang dapat ingatan.
Mabilis na huminto ang motorsiklong sinasakyan ko nang makarating ako sa lugar kung nasaan si Renzo. Sa bilis ng pag-preno ko, medyo tumaas pa ang hulihang gulong ko.
Hinubad ako ang helmet at ipinatong sa motorsiklo ko saka ako tumingin sa paligid.
Paradise.
Iyon ang pangalan ng gusali kong nasaan siya. Marami akong nakikitang lumalabas at pumapasok sa lugar. May nagme-makeout pa sa may gilid.
At base sa mga bouncer na nakikita ko sa labas. Club ang lugar na iyon.
Mabilis akong pumasok sa lugar. Mausok at maingay. Pero napatutok ang mga mata ko sa entablado kung saan may mga lalaking sumasayaw. Ang iba ay tanging sapatos at brief na lang ang suot.
It means, this is a gay bar. Maraming mukhang babaeng naririto pero kapag naririnig mo ang boses nila ay doon mo malalaman na hindi sila totoong babae. Iyong iba ay talagang mas maganda pa sa ibang babae.
Agad kong inilibot ang mga mata ko para hanapin si Renzo. Tumingala ako at mula sa second floor ay kitang-kita ko siya habang nakatanaw sa mga male dancers na sumasayaw.
Damn him. Nagawa pa talaga niyang tumakas para lang magpunta sa gay bar.
Ngayon mas napatunayan kong bakla talaga siya. Dahil kitang-kita ko ang malapad niyang ngisi habang nanonood sa entablado.
Mabilis akong umakyat patungo sa kinaroroonan niya at nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.
Maging ang mga kasama niya sa table ay nagtatakang nakatingin sa akin.
“Let’s go home,” seryosong saad ko habang diretsong nakatingin kay Renzo. Inabala niya ang day-off ko.
Kaya kung hindi siya sasama, kakaladkarin ko siya palabas.
“Who is she? Kilala mo?” tanong ng isang naka-fake blonde kay Renzo.
Sa tagal ko nang nagbabantay kay Renzo, ngayon ko lang nakita ang mga kasama niya kaya wala akong ideya kung sino sila o kung kaibigan ba talaga niya ang mga ito.
“Ang ganda mo, girl. Sinong doctor mo?”
Tangina. Napagkamalan pa akong bakla.
Matalim na tumingin ako kay Renzo habang alanganing ngumiti naman siya sa akin.
Magsasalita na sana ako nang may biglang lumapit sa akin.
“Ganda ng pagkakagawa ng dibdib mo. Parang totoo.” Dudutdutin sana ang dibdib ko pero agad na lumapit si Renzo para pigilan ito gayong handa na akong pilipitin ang kamay ng umakbay sa akin.
“Guys, don’t touch her. She’s…” tumingin sa akin si Renzo at ngumiti, “mine.”