Chapter 9

1820 Words
KISHA Aalisin ko sana ang braso ni Renzo sa balikat ko pero mas dumiin ang hawak niya sa balikat ko kaya tumingin ako sa kaniya. “What do you mean, yours?” tanong ng blonde na kasama nila. Tinuro pa niya kami ni Renzo. “I mean, she’s my—” “Body—” “She’s my friend,” saad ni Renzo bago ko pa matapos ang sasabihin ko. Ngumiti siya sa akin na para bang sinasabi niyang sakyan ko na lang siya kaya hindi na ako kumontra pa. “Ohh, come! Let her sit,” yaya naman ng isang maiksi ang buhok. Apat ang kasama ni Renzo sa table at tatlo doon ay babaeng-babae na talaga kung titingnan. Pero halata pa rin sa mga boses nilang nakaipit na hindi sila orihinal na babae. Habang ang isa namang nakapanlalaki pa rin naman ng suot pero masyadong malantik ang hawak niya sa wine glass niya. Siya lang din ang hindi nagsasalita at nakatingin lang sa akin. Hinila ako ni Renzo para umubo pero hindi ako sumunod sa kaniya kaya napatingin siya sa akin. “We need to go home,” bulong ko sa kaniya. “Later.” Tumingin siya sa ibaba kung saan may mga nagsasayaw pang mga lalaki. “After ng show.” Asar na tumingin ako sa kaniya pero hinawakan niya ang kamay ko at pinilit akong paupuin sa tabi niya. Ayaw pa niyang pakawalan ang kamay ko kahit hinihila ko na. “Hindi namin alam na may maganda ka palang friend. I am Chaira, beauty queen ka ba? Bakit hindi kita kilala?” tanong sa akin noong naka-blonde. Siguro dahil part sila ng l***q kaya mahilig sila sap agent at kilala nila halos ng mga beauty queen. Kaso hindi naman ako beauty queen. Umiling ako. “No,” simpleng sagot ko. “I am Kisha,” pagpapakilala ko habang may pilit na ngiti sa mga labi ko. Medyo maingay masyado sa paligid. Dim din ang ilaw pero may iba’t ibang ilaw na gumagalaw kaya kapag hindi sanay, mahihilo. “I am Tania,” pagpapakilala naman ng naka-short hair. “This is Lucy.” Turo niya sa nakasuot ng red na sexy-dress. “And this is Ryan.” Iyong lalaking tahimik kanina pa. “Drink!” inabot sa akin ni Lucy ang isang shot ng tequila kaya wala akong choice kundin ang inumin iyon dahil nakaabang silang lahat sa akin. “Sorry, ha. Akala ko kanina, hindi ka babae. Alam mo na, this is a gay bar, so expected na ang mga pumaparito, gaya namin,” wika ni Tania. Ngumiti lang ako sa kaniya. “It’s okay.” Dapat natutulog na ako ngayon. Pero kahit day-off ko nandito ako sa gay bar para bantayan si Renzo. “Bet ko iyong naka-bow tie,” biglang saad ni Chaira habang nakatingin sa ibaba. “Gusto ko iyong may mustache. Parang barako talaga ang dating,” wika naman ni Lucy. “Basta akin, si Jepoy,” ani naman ni Tania. “Wala akong bet ngayon,” simpleng saad ni Ryan. “Ay, ang choosy ni Bakla,” pang-aasar ni Chaira rito. Tumingin naman ako kay Renzo. Hinihintay kong mamili din siya sa mga male dancers na sumasayaw pero tumingin siya sa akin. Kaya tumaas ang kilay ko sa kaniya. “Wala ka bang iuuwing lalaki?” tanong ko pa sa kaniya. Tumingin siya sa mga mata ko. “May gusto akong iuwi, pero wala sa kanila,” sagot niya at mabilis na inubos ang martini na hawak niya. Simpleng tumaas lang ang kilay ko sa kaniya. Nagkakasayahan na ang mga kasama niya. Hindi ko naman masyadong inalam ang background ni Renzo, kaya hindi ko alam na may mga kaibigan pa pala siya maliban sa grupo nila ng kakambal niya. Sa tagal ko na rin na nagbabantay sa kaniya, ngayon lang ko lang sila nakilala. Bumabaha ang alak sa table nila. May mga ibang lumalapit at nakikisaya rin sa kanila. Maingay ang buong paligid, mula sa malakas na tugtog hanggang sa tawanan nila. Pero kapag tumingin sa ibaba, mas magulo roon dahil mas maraming tao. Kumapara sa kinatatayuan namin ngayon. Hindi ko akalaing pumupunta pala si Renzo sa mga ganitong lugar. Hindi ba siya nag-aalala na baka may makakilala sa kaniya at maging laman siya ng balita kinabukasan? Pasimple kong pinagmamasdan ang mga kasama niya. Kung hindi ako nagkakamali. Sikat na influencer si Chaira. Habang si Lucy ay nasa fashion industry. Ibig sabihin, mga sikat din ang mga kasama nila. Nakaupo lang ako sa pwesto ko at tahimik na pinagmamasdan sila. Ngumingiti ako ng tipid kapag may napapatingin sa akin. Habang si Renzo naman ay tahimik rin sa tabi ko. Hindi ko naman siya pwedeng hilahin palabas ng bar at piliting sumama sa akin. Kailangan ko lang manatili sa tabi niya para masiguradong ligtas siya at walang issue kinabukasan. Kinuha ko ang phone ko para i-message ang manager at assistant niya na nahanap ko na siya at huwag na silang mag-alala. Winnie: Bantayan mo muna, baka malasing ng todo. Siguraduhin mo walang kukuha ng picture niya. Reply sa akin ng manager ni Renzo. Napasandig na lang ako sa kinauupuan ko. Wala na talaga akong choice kundi bantayan siya. “Anong nangyari sa iyo? Dumating lang si Kisha, naging tuod ka na riyan?” biglang tanong ni Ryan kay Renzo at inabutan siya ng panibagong alak na agad namang tinanggap ni Renzo. “I need to be a good boy when she's around or else.” Umakto si Renzo na ginigilitan ang leeg niya. “Oooohhh...” nanunuksong saad ni Lucy. “Factory reset ka na ba? Babae na ulit ang gusto mo?” Renzo did not answer, he just chuckled. “You don't know Renzo, guys. Kilala ko ang gusto niya. Nabanggit niya before, iyong siga at maangas niyang—” “Just drink, Chaira,” putol ni Renzo sa sasabihin ni Chaira at inabutan niya ito ng alak. Nanunuksong tumingin naman si Chaira dito bago uminom ng alak na inabot ni Renzo bago siya tumingin sa akin at ngumiti kaya napipilitang ngumiti ako pabalik sa kaniya. Wala akong ideya kung sino ang gusto ni Renzo at wala rin akong balak na alamin. Uminom din si Renzo saka siya tumayo kaya napasunod ako ng tingin sa kaniya. “I will just go to cr. Stay here,” bulong niya sa akin. Nakatayo siya at nakalapit ang mukha niya sa may tenga ko. “No, I’ll go with you.” “Mabilis lang ako. Babalik din ako,” aniya at agad nang umalis. Napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya. “Are you sure, kaibigan ka ni Renzo?” napalingon ako kay Ryan dahil sa tanong niya. “What do you mean?” “You act like a girlfriend. Pero alam ko naman na hindi ka niya papatulan, kasi alam mo na. Hindi babae ang type niya,” sagot niya at ngumisi sa akin. “Gaya nga ng sabi ni Chaira, may gusto na siya at sigurado akong hindi ikaw iyon.” Ngumiti ako sa kaniya habang tinatago ko ang asar ko. Hindi ko alam kung bakit naasar ako rito. “He is not my type too.” Sinalubong ko ang mga mata ni Ryan at napangisi ako ng may ma-realize ako. He likes Renzo. Nagseselos siya sa akin. Kaya pala pagdating ko pa lang, nanahimik na siya. “How about you? Gaano na kayo katagal na magkaibigan?” balik tanong ko sa kaniya. Napapansin ko kanina, close si Renzo kay Tania at Chaira pero hindi kay Ryan. “Ryan has a crush on Enzo. Can’t blame him, Enzo is freaking hot, but he is my friend so he is off limits sa akin. Hindi ako pumapatol sa kaibigan,” singit ni Tania at muli akong inabutan ng alak. Tatanggihan ko sana iyon pero hindi niya ibinababa ang kamay na may hawak na alak hangga’t hindi ko kinukuha. Cocktail drinks lang naman iyon, hindi agad ako malalasing. Mataas din ang tolerance ko sa alak kaya kahit marami akong nainom, hindi agad ako nalalasing. Isa pa, day-off ko naman, kaya pwede akong uminom. Mabilis namang uminom si Ryan ng alak na nasa harapan namin. Sanay na ako. Sanay na akong marinig na may gusto lalaki man o babae kay Renzo. Siya iyong tipo ng tao na ma-appeal sa both sexes. May naramdaman akong humawak sa ulo ko kaya napatingala ako at nakita ko si Renzo. Agad ko namang tinabig ang kamay niya. Galing siya sa cr tapos ihahawak niya sa ulo ko. “Naghugas ako ng kamay, huwag kang mag-alala,” wika niya at muling naupo sa tabi ko. “We need to go home now,” muling bulong ko sa kaniya nang tumingin ako sa relo ko. Gusto ko nang bumalik sa kama ko. Dapat tulog na ako ngayon, e. Pero heto ako ngayon sa gay bar at nagbabantay sa kaniya. “Your home?” Asar na tumingin ako sa kaniya. “Your home. Day-off ko ngayon para lang sa kaalaman mo,” pagpapaalala ko sa kaniya. Dapat nga kanina pa kami umuwi pero pinagbigyan ko siya. Mas naging maingay sila nang may mga lalaking lumapit sa table namin. Sila iyong mga nagsasayaw kanina sa entablado. Parang kinikilig na nagtilian naman ang mga kasama namin sa table. “Yes, we need to go home now.” Mabilis na tumayo si Renzo lalo na nang may isang lalaki na lalapit sana sa akin. Hinila niya ako papalapit sa kaniya. “Back off,” saad pa niya kaya napaatras ang lalaki. Maging ako ay napatingin sa kaniya dahil lalaking-lalaki ang boses niya. “Guys, mauna na kami,” paalam niya sa mga kasama kaya napatingin silang lahat sa amin. “What? Aalis na agad kayo?” tanong ni Lucy. “Ayaw mo ba?” gamit ang mata ay tinuro pa niya ang lalaking nakapantalon lang ngayon at walang suot na pang-itaas. “No, thanks,” simpleng saad ni Renzo. “Sure ka? Inom ka muna, bago ka umalis ng tuluyan,” wika ni Chaira at inabot ang isang martini kay Renzo. “Lagi ka na lang tumatakas.” “Tama na, magmamaneho pa ako,” tanggi ni Renzo. “Last na. Isa na lang.” Pinakita pa ni Chaira ang isang daliri para sabihing isa na lang talaga pero umiling si Renzo. Kaya sa akin humarap si Chaira at inalok ang alak na dapat ay kay Renzo. “Ayaw ni Renzo, pero walang aalis hangga't walang umiinom ng hawak ko.” Mabilis ko naman iyong tinanggap para makaalis na kami. Martini lang naman iyon kaya inisang lagok ko na. “Okay, you can go now. Enjoy!” saad pa ni Chaira habang may matamis na ngiti sa mga labi niya. “I mean, kami. Mag-e-enjoy kami. Kj n’yo kasi, gusto agad umuwi.” Saka siya yumakap sa lalaking nasa tabi niya. Kumindat pa sa akin si Chaira kaya ngumiti na lang ako sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD