KISHA
Sinuot na ni Renzo ang sumbrero niya para takpan ang mukha niya saka ako hinawakan sa kamay at hinila pababa. Medyo siksikan pa sa baba kaya niyakap niya ako sa balikat para protektahan ako sa posibleng bumangga sa akin. Ako iyong bodyguard pero parang nabaliktad kami ng role ngayon.
Nalukot ko ang ilong ko dahil sa iba’t ibang amoy na naamoy ko mula sa paligid. Idagdag pa ang ilaw na gumagalaw, medyo masakit sa mata.
Sinubukan ko namang umalis sa pagkakaakbay niya sa akin pero ayaw niya akong pakawalan hanggang sa makalabas kami.
Kaya nang makalabas kami ni Renzo ay parang nahihilo ako. Kaya napahinto pa ako saglit sa paglalakad ko at mariing pinikit-pikit ko ang mata ko. Saka ako muling humakbang.
Huminto kami sa tapat ng motor ko.
“Give me the key,” wika niya at inilahad ang kamay niya.
Tumakas lang siya kaya ibig sabihin wala siyang dalang sasakyan.
Pinagpag ko ang may kwelyo ng jacket na suot dahil parang naiinitan ako bigla. Hindi rin ako mapakali pero pinipilit kong umaktong normal sa harap ni Renzo.
“Ako na ang magmamaneho. Ihahatid na lang kita sa condo mo at uuwi na rin ako,” wika ko at akmang sasakay na sa motorsiklo ko pero pinigilan niya ako.
Inagaw niya ang susing hawak ko at nauna pa siyang sumakay sa akin.
Sumenyas siya sa akin na sumakay na. Umirap muna ako sa kaniya bago ako sumakay sa likuran niya. Kapag nakipagmatigasan pa ako sa kaniya, matatagalan lang kami kaya hinayaan ko na lang siya. Mahalaga makauwi na kami at makabalik na ako sa kama ko.
Kinuha niya ang mga kamay ko para iyakap sa kaniya pero tumanggi ako. Hindi naman ako malalaglag kahit hindi ako yumakap sa kaniya.
Pinilig ko ang ulo ko. Hindi ko alam pero parang umiikot ang paningin ko gayong kukunti lang naman ang nainom ko.
Bigla niyang pinaandar ang motorsiklo kaya napasubsob ako sa likuran niya. Marahan ko ring pinilig ang ulo ko dahil parang nahihilo ako bigla. Sure naman akong hindi pa ako lasing. Hindi nga ako nasusuka man lang.
Malamig ang simoy ng hanging humahampas sa katawan namin pero naiinitan talaga ako. Gusto kong hubarin ang jacket na suot ko pero hindi ko magawa dahil tumatakbo ang sinasakyan namin.
Nagiging marahas din ang paghinga ko. Hindi ako mapakali. Init na init ang pakiramdam ko at parang nakalutang ako.
Napamura ako sa hangin ng ma-realize ko kung anong nangyayari sa akin. Hindi ako lasing, pero sigurado akong may tama ako. Marahil dahil sa alak na nainom, baka kung may ano silang hinalo doon kaya kakaiba ang nararamdaman ko ngayon.
Sigurado akong hindi lang iyon simpleng alak. Mas lalo akong nahihilo kaya wala akong choice kundi ang yumakap na kay Renzo, pero tila may sariling utak ang mga kamay ko na dumama sa dibdib niya kaya naramdaman kong napakislot siya.
Parang tangang napangiti naman ako habang nakadikit na sa kaniya ng husto. Mas humigpit ang yakap ko sa kaniya.
“Kisha, nararamdaman ko na dede mo sa likod ko,” rinig ko pang saad ni Renzo pero mas humigpit ang yakap ko sa kaniya.
Bakit ba siya nagrereklamo? Bakla naman siya, hindi ba? Kagagaling nga lang namin sa gay bar. Kaya kahit dumikit dede ko sa likod niya, hindi naman siya titigasan.
Speaking of tigasan.
Parang may demonyong sumapi sa kamay ko at kinapa ko ang may pagitan ng mga hita niya.
Mabuti na lang at nakayakap ako sa kaniya kundi tumilapon siguro nang bigla siyang huminto.
“What the f**k you are doing? Gusto mo bang mabangga tayo?” tanong niya sa akin pero parang hindi naman siya galit.
Hindi ko mapigilang mapahagikhik.
“Hmmm?”
Lumingon siya sa akin kaya ngumiti ako ng malapad sa kaniya habang bahagya akong nakapikit.
“Oh, s**t! Are you okay?” nag-aalalang tanong niya sa akin.
“Just drive, Renzo.”
Sumunod naman siya sa sinabi ko. Muli siyang nag-drive ng mabilis habang mahigpit akong nakayakap sa kaniya dahil nahihilo ako. Naiinitan ako pero gusto ko ang pagkakadikit ng katawan naming dalawa.
Nagmulat ako ng mata ko nang huminto siya at napakunot ang noo ko nang makita kong nasa parking lot na kami ng condo building kung saan siya nakatira.
Bumaba ako ng motor at muntik pa akong matumba. Nakahawak lang ako sa kinauupuan ko kanina kaya hindi ako tuluyang bumagsak.
“Damn it. What happened to you?” rinig kong saad ni Renzo at nagulat ako nang bigla niya akong buhatin.
“Put me down, I need to go home,” saad ko pero parang wala akong lakas para pumiglas mula sa kaniya.
“No, you can’t drive,” sagot niya at dumiretso sa elevator.
Buhat pa rin niya ako kaya napahawak ako sa leeg niya. Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. Napangiwi ako nang maamoy ko ang iba’t ibang amoy na dumikit na sa damit niya kaya pinalo ko siya sa dibdib.
“Ang baho mo,” mahinang saad ko habang nakasimangot ako.
“Ako mabaho?” tanong niya.
Tumango ako. Tumunog ang elevator at lumabas kami. Sinubukan kong bumaba pero hindi niya ako binitiwan hanggang sa marating kami sa harap ng pinto ng unit niya. Mas humigpit ang yakap ko sa kaniya nang isang braso lang niya ang gamitin niya sa pagbubuhat sa akin dahil ang isang kamay niya ay nagbubukas ng pinto.
Ang lakas ni bakla.
Binaba niya ako sa sofa pero hindi ko siya binitawan dahilan para bumagsak siya sa ibabaw ko. Napahagikhik ako.
“Kisha, you’re drunk.”
Umiling ako.
“Hindi ako lasing. Kunti lang ininom ko,” sagot ko at tinulak siya kaya napaupo siya.
Mabilis naman akong bumangon at paharap na naupo sa kandungan niya.
“Damn it, Kisha. Stop it,” saway niya at hinawakan ang kamay ko nang akmang huhubarin ko na rin ang top ko.
Tinabig ko ang kamay niya.
“Ang init.”
“Ha?”
“Can’t you see? I was drugged,” asar na saad ko habang pinipilit na maging matino ang isip ko.
“Ano ba kasing ininom mo habang wala ako sa tabi? Dapat pala hindi kita iniwan.”
Inalis niya ang mga buhok kong tumatakip na sa mukha ko.
Umalis ako sa kandungan niya at muli kong hinawakan ang laylayan ng damit ko. Parang sinisilaban ang pakiramdam ko. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.
“Kisha, don’t. Kapag hinubad mo iyan, magkakasala ako,” nahihirapang pakiusap niya.
“You are gay. So what’s wrong seeing my body?” balewalang tanong ko sa kaniya at tinabig ko ang kamay niya pero ayaw niya akong pakawalan.
“What’s wrong? Tinitigasan ako.”
Bigla akong napahinto sa sinabi niya at natawa ako. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya saka ko kinawit ang mga kamay ko sa balikat niya.
“Talaga?” malanding tanong ko sa kaniya. Pati sariling boses ko parang hindi ko na makilala.
Gusto kong sawayin nag sarili ko sa ginagawa ko pero curious ako sa reaksyon ni Renzo.
Kita kong ilang beses siyang napalunok kaya marahan kong hinihipan ang adams apple niya.
Pero nagulat ako nang bigla niyang hawakan ng mariin ang bato ko at halikan ako.
Malakas akong napasinghap sa ginawa niya pero unti-unti akong pumikit at tumugon sa kaniya.
Hindi ko alam kung gaano katagal na magkalapat ang mga labi namin, parang nangangapal na ang mga labi ko ng pakawalan niya ako. Habol ko na ring ang paghinga ko dahil parang wala nang hangin ang baga ko.
I did not know that he is a good kisser.
“I’ll show you how hard I am right now,” saad niya at mabilis akong hinalikang muli.
Natigilan ako sa ginawa niya kaya hindi ako nakakibo. At parang tuod lang ako kahit na nag-iinit bigla ang pakiramdam ko.
“Open your mouth, Kisha,” utos ni Renzo at mas diniinan niya ang paghalik sa akin. Ramdam ko ang dila niya na pilit binubuka ang mga labi ko.
I want to push him away. Alam kong nag-iinit lang ako dahil sa gamot na maaring hinalo nila sa alak na pinainom sa akin pero hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumugon na ako sa mga halik ni Renzo. Ramdam ko rin matigas na bagay mula sa pagkakaupo ko sa kandungan niya niya bahagyang tumutusok sa pang-upo ko.
Pinipilit kong maging tama ang takbo ng utak ko para hindi madala sa kakaibang init na nararamdaman ko. Alam kong hindi dapat ako tumutugon sa halik ni Renzo pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Instead of pushing him away, I pulled him closer, kissing him back with the same hunger.