KISHA
“What do you mean?”
Ngumisi lang si Kenzo pero hindi niya sinagot ang tanong ko. Nakatingin lang siya sa akin at para bang may kung anong naglalaro sa utak niya. Hindi ako bobo pero hindi ko agad makuha ang ibig niyang sabihin.
“You can't resign, Renzo will not agree..”
Asar na sinalubong ko ang mga mata niya.
“Why can't you decided? I don't want to be his bodyguard anymore.”
“Then talk to him. Tell him your decision,” hamon niya sa akin.
Pabagsak na naupo ako sa sofa dahil sa sinabi niya. Parang kahit si Kenzo, ang hirap niyang kausap. Tumingin ako sa kaniya. Kalmadong nakaupo lang siya. Walang ngiti sa mga labi niya at hindi ko mabasa ang iniisip niya.
“But you are the one paying me.”
“And I don't mind the money I pay for you as long as my brother wants you to guard him. This is the first time Renzo agreed to have a bodyguard, I can't easily let you go.”
I sighed. Gusto kong maasar. We signed a contract. Nakalagay doon na aalis lang ako sa trabaho ko kung tapos na ang kontrata o kapag pinili ng Party A, which is si Kenzo na tanggalin mismo ako. Kaya nga kinakausap ko siya ngayon. Pero bakit kailan pa rin ng opinion ng kakambal niya?
“Talk to Renzo. If he agrees, you can go.”
He smirked.
Para bang china-challenge niya ako. Dahil alam namin parehong hindi papayag si Renzo. Kilala ko na ang isang iyon.
“Or you can give me a valid reason. Something that can change my mind.”
Sinalubong ko ang tingin niya. Kita ko ang pangiti ng mga mata niya ngayon na para bang natutuwa ako siya na na-i-stress ako. Kung si Renzo ay sumasakit ang ulo ko dahil sa mga kagaguhan niya, parang sasakit din ang ulo ko sa kakambal niyang mukhang seryoso pero tila pinaglalaruan ako.
Pakiramdam ko may alam siya. Sinabi na ba agad sa kaniya ni Renzo ang tungkol sa nangyari sa amin? Gaano ba kadaldal ang lalaking iyon?
“Hindi ba pwedeng mag-resign ako dahil lang gusto ko? Guarding Renzo is the most boring job I ever did. Almost one year na akong bodyguard niya pero maliban sa sumama ako kapag may shooting siya o photoshoot. O kaya kung gigimik siya, wala nang iba. Kaya sa tingin ko, hindi ko na siya kailangang bantayan pa. Wala naman akong nakikitang panganib sa buhay niya. Ikaw na ang may hawak sa Pentocorvo, he is your twin. They will respect him the way they respect you. You don't need to worry about him,” paliwanag ko sa kaniya.
Akala ko madali lang siyang kumbinsihin pero mahirap din pala siyang kausap. Para din siyang si Renzo, ang pagkakaiba lang, hindi siya hyper gaya ng kakambal niya.
“Really?”
Mas lalo akong na-frustrate sa sagot niya para bang wala siyang pakialam sa paliwanag ko.
“Let me resign.”
Umiling ito.
“I know that you want to avoid him after what happened between the two of you, but even if I hired you, it's him who will decide if you can resign or not. So you better talk to him. You two need to talk calmly.”
Natigilan ako sa sinabi niya. Ibig sabihin may alam nga siya. Alam niyang may namagitan sa amin ng kapatid niya.
“How did you know?”
“He was in a panic when he called yesterday because you have a fever.”
Naningkit ang mga mata ko. Ibig sabihin siya ang nagsabi ng kagaguhan sa kapatid niya kaya may tongue massage pa itong nalalaman.
Tumayo na ako. Wala rin akong mapapala sa kaniya. Alam kong pinapaikot lang din niya ang usapan pero wala rin siyang balak na payagan akong mag-resign.
“Sige. Aalis na ako.”
“Watch him closely, Kisha. You never see the real him yet and once you really knew him, you will not be bored guarding him,” makahulugang saad nito kaya nagtatakang tumingin ako sa kaniya pero hindi naman siya nagsalita.
I am always watching him closely at wala naman akong ibang napapansin kay Renzo.
“What do you mean?”
“I like you for him.”
Muling bumalik ang asar ko dahil sa sinabi niya. Ang layo ng sagot niya
“I don't like him.”
“You get me wrong. I like you for him as his bodyguard.”
“Don't play with me, Pentocorvo.”
Bahagyang tumaas ang kilay nito pero hindi na ito nagkomento kaya mabilis na akong umalis.
Wala ring nangyari sa pakikipag-usap ko sa kaniya. Para bang wala na akong choice kundi ang maging bodyguard ni Renzo. Ibig bang sabihin, hangga't gusto niya akong maging bodyguard wala akong choice kundi ang manatili sa tabi niya?
Damn that contract. Kung hindi ako pumirma sa kontrata para maging bodyguard ni Renzo, hindi ako mahihirapan mag-resign ngayon.
Mabilis akong sumakay ng sasakyan ko. Bumalik ako sa Prime Heights. Umalis na ako sa condo ni Renzo. Ayaw ko nang maging bodyguard ni Renzo. Alam kong maari akong matanggal sa trabaho ko dahil sa gagawin ko pero wala nang dahilan para bumalik pa ako.
Renzo is safe. He does not need me.
RENZO'S POV
Agad na inabot sa akin ni Jule s ang phone ko nang matapos ang photoshoot.
Napakunot ang noo ko nang makita kong may call galing kay Kenzo. Hindi siya tumatawag sa akin, maliban na lang kung importante. Mas madalas na ako ang tumatawag sa kaniya.
Agad ko siyang tinawagan.
“Bakit?” tanong ko sa kaniya nang sagutin niya ang tawag ko.
“Your girl wants to run away.”
“What?”
“She wants to resign.”
Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Resign? Si Kisha?
“Hindi pwede. You can't let her,” matigas na saad ko sa kaniya.
“I already rejected her resignation, but you need to do something to change her mind. She finds it boring to be your bodyguard.”
Napaupo ako sa upuan ko nang ibaba ni Kenzo ang tawag. Hindi ko siya sinama ngayon because I want her to rest, but I did not expect that she wants to resign.
Hindi ako papayag na mag-resign siya.
Mabilis na akong tumayo at tinawag ko ang manager ko na si Winnie.
“Bakit? Uuwi na tayo kaya magpalit ka na,” utos niya sa akin.
“Find me four goons. Iyong magaling umarte. Mas mukhang masamang tao, mas better.”
Napanganga siya sa sinabi ko na para bang nagulat sa sinabi ko. Kumurap-kurap pa siya at muntik nang malaglag ang fake eyelashes niya na nakadikit lang.
“Para saan?”
Ngumisi ako sa kaniya. May pipigilan lang akong babaeng gustong mag-resign.
“I will give her something that will entertain her.”
“Ha?” mas lalong naguluhan ito sa sinabi ko. “Naku Renzo, kaibigan kita pero huwag mong sabihing may gagawin kang krimen. Napapagtakpan ko ang ibang ginagawa mo sa media pero hindi ko alam kapag illegal na,” exaggerated na saad niya. “May ipabugbog ka ba? Bakit kailangan ng goons?”
“Wala akong ipapabugbog pero may ipapkidnap ako.”
Mas lalong nanlaki ang mga mata niya. Mabilis siyang luminga-linga sa paligid para alamin kung may nakarinig ba sa sinabi ko.
Parang mas kinakabahan pa siya sa akin.
“Nababaliw ka na ba? Anong ipapakidnap? Sino?” pabulong na tanong niya.
“Tawagan mo na lang ako kapag nakahanap ka na,” saad ko at tumalikod na sa kaniya para magpalit ng damit.
Gusto raw mag-resign ni Kisha dahil boring ang pagiging bodyguard niya sa akin kaya bibigyan ko siya ng action na hinahanap niya.
Pero mas gusto ko sana kung aksyon sa kama, kaso baka talagang hindi na ako sikatan ng araw kapag ginawa ko iyon.