Chapter 19

1612 Words
RENZO'S POV Nang dumating ako ng condo ko ay agad akong nagtungo sa kwarto ni Kisha. Kulang na lang ay takbuhin ko ang patungo sa kwarto niya para makarating agad ako, pero napahinto ako sa tapat ng pintuan niya. Unang bumungad sa akin ang papel na nakadikit sa pinto niyang may nakalagay na ‘I resign.’ Kinuha ko iyon at kinuyumos ko bago ko itinapon sa sahig. Walang magre-resign. Bakit siya magre-resign ay magpapakasal pa kami. Pakakasalan ko pa siya. Hindi siya pwedeng tumakas na lang ng basta-basta. Hindi ako papayag. Siya lang din ang magre-resign na hindi man lang nagpapaalam. Walang resignation letter man lang, dahil alam niyang hindi ako papayag. Kaya ang kakambal ko ang kinausap niya. Yes, si Kenzo ang kumuha sa kaniya, pero hindi ako ang trabaho niya kaya hindi ba dapat sa akin siya unang nagsabi? Bakit ako pa ang huling nakaalam? Hindi ako papayag na umalis siya. Pumasok ako sa loob ng kwarto niya, pero sobrang linis na. Binuksan ko ang mga cabinet at wala na akong makitang kahit isang gamit niya roon kaya mas lalo akong naasar. Pinagsisihan ko na hindi ko siya sinama kanina. Kung alam ko lang na aalis siya, baka hindi na ako pumayag na hindi ko siya kasama kanina o kaya ay hindi na lang ako umalis para magtrabaho. Dapat sinama ko na lang pala siya at sa van pinagpahinga, hindi iyong akala ko ay nandito lang siya pero pag-alis ko ay aalis din pala siya. Ibig sabihin, sinadya rin niyang magpa-iwan. Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at agad kong tinawagan ang numero niya pero hindi siya sumasagot kaya mas lalo akong naasar. Kanina ko pa siya tinatawagan, pauwi pa lang ako pero ayaw talaga niyang sumagot. Nagri-ring naman. Ibig sabihin, ayaw lang talaga niya akong kausapin. Muli akong lumabas ng kwarto niya. Nagtungo ako sa mini bar at kinuha ko ang isang alak. Mataas ang tolerance ko sa alak, kaya kung may makakakita sa aking lasing it's either, naglalasing-lasingan lang ako o may drugs ang ininom ko kaya nalasing ako. Gaya na lang noong may nangyari sa amin ni Kisha. Hindi ako lasing noon. Alam ko lahat ng nangyari. It’s her who was drugged that time, and I took advantage of it. Maaring iyon ang dahilan kung bakit gusto niyang mag-resign. Because of what happened between us. Tumunog ang phone ko at agad kong sinagot ang tawag nang makita kong si Winnie iyon. “May nakuha na ako.” Tumaas ang sulok ng labi ko. Napangisi ako. “Okay, pupunta na ako.” Muli akong uminom ng alak bago ako mabilis na lumabas ng condo ko. Nasanay na akong palagi kung kasama si Kisha kapag umaalis ako pero ngayon kailangan ko munang gumawa ng paraan para bumalik siya. Nagtungo ako kung nasaan si Winnie. Pagdating ko sa lumang parke, nakita ko ang van na ginagamit namin madalas. Malapit nang dumilim. Wala nang mga bata doon pero may mga lalalaki akong nakita roon kaya agad akong lumapit sa kanila. Naka-sumbrero lang ako ngayon para itago ang mukha ko. Hindi pwedeng may makakilala sa akin, wala akong pakialam kung may paparazzi na nakasunod at magkaroon ako ng issue, pero sumasakit ang tenga ko sa mga reklamo ni Winnie kaya mas mabuting mag-ingat pa rin ako. “Hindi ko alam kung anong gagawin mo pero okay na ba ang mga iyan?” tanong sa akin ni Winnie nang makalapit ako sa kaniya. Tumingin ako sa mga lalaking may nakaupo sa slide, medyo long hair ito. Nakatayo at nakasandal naman ang isa. May naninigarilyo at ang isa naman ay naka-upo sa lupa mismo at nakayakap pa sa isang bakal na poste. Malalaki ang mga katawan nila. Mga balbas sarado at unang tingin pa lang, kung judgmental ang titingin sa kanila, iisipin na agad na masasamang tao sila. Pero sa tingin ko, hindi talaga sila gagawa ng mabuti base sa hitsura nila. Lumapit sa akin ang isang lalaking nakayakap sa may poste at yumuko siya para silipin ang mukha ko kaya mas yumuko ako at inayos ang sombrero ko para itago ang mukha ko pero huli na. “Teka, kilala kita, ah,” biglang saad nito habang nakaturo sa akin. “Ikaw iyong artistang kinababaliwan ng anak ko.” Nagsilapitan naman ang iba pa niyang kasama sa akin para tingnan ang mukha ko. May isang mabilis na inagaw ang suot kong sombrero kaya nalantad ang mukha ko. “Siya nga. Iyong sinsabi ni Pipay na pakakasalan daw niya?” muli ng lalaking lumapit sa akin kanina. Kung sino man ang Pipay na tinutukoy niya, wala akong balak pakasalan iyon. Si Kisha lang ang gusto kong maging asawa. Inagaw ko ang sombrero ko at muling sinuot iyon patalikod para makita na nila ang mukha ko. “Anong kailangan mo sa amin bata?” tanong ng lalaking nakaupo kanina sa dulo ng slide. “Bibigyan ko kayo ng trabaho.” “Illegal o legal?” tanong naman ng isa. Ngumisi ako. “Pareho.” Illegal ang gagawin nila pero at the same time legal dahil may consent ko naman. “Babayaran ko kayo ng malaki, basta magawa ninyo ng maayos ang ipagagawa ko.” Kumunot ang noo nila sa akin. “May ipapaligpit ka ba sa amin? Isang daang libo pero ulo,” saad naman ng lalaking naninigarilyo kanina. Para bang ulo lang ng baboy sa palengke ang sinasabi niya kung makipagnegosasyon siya ngayon. Wala man lang kahit anong kaba mula sa kaniya. Tumingin ako kay Winnie na napapalunok at parang namumutla bigla. Umiling pa siya sa akin na para bang sinasabi niyang huwag ko nang ituloy ang plano ko. Saan niya nakuha ang mga ito? Ang sabi ko lang, mukhang masamang tao pero ang mga kaharap namin ngayon, parang literal na mga criminal. “Pero u-ulo?” nauutal na ulit ni Winnie. “Enzo, umuwi na tayo.” “Hoy, bakla. Ulo sa taas tinutukoy namin. Bungo ba. Baka naman ibang ulo ang iniisip mo. Hindi ako pumapatol sa kapwa ko lalaki,” pang-aasar nito kay Winnie at nagtawanan sila. Gumalaw ang panga ko. Gusto kong saktan sila pero pinipigilan ko ang sarili ko. Kailangan ko pa ang serbisyo nila. Pero hindi ko gusto ang pang-iinsulto nila sa Manager ko na para bang papatulan sila ni Winnie gayong ang aasim naman nilang tingnan. “Tse! Alam ko ang tinutukoy ninyo. Saka ano naman akala ninyo sa akin, papatol sa mga gaya ninyo. Excuse me, mataas standards ko,” matapang na sagot ni Winnie pero parang gusto nang magtago sa likod ko. “Sus, anong silbi ng taas ng standards mo kung luluhod ka rin naman,” bastos na sagot pa nito. Tumikhim ako. Nauubos na ang pasensya ko. Kung hindi ko sila kailangan ngayon ay baka pumutok na ang bibig niya dahil sa sinasabi niya. Wala akong oras para sa mga kabastusan nila. Nandito sila dahil may iuutos ako sa kanila. “Madali lang naman ang ipapagawa ko sa inyo. Ki—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang lumapit sa akin ang lalaking may anak na fan daw ako at tinutok niya sa amin ang camera para mag-selfie kami. “Mamaya ka na magpaliwanag. Mag-picture muna tayo para may maipakita ako sa anak ko,” saad nito at mabilis na pinindot ang kamera bago pa ako nakatanggi. “Teka, hindi iyan kasama,” saway ni Winnie. Umismid ang lalaki. “Ang damot mo. Para namang hindi mabaho ang tae niyang alaga mo,” nakasimangot na saad ng lalaki habang nakatutok ang tingin sa phone niya. Pipigilan pa sana ito ni Winnie pero hinarang ko ang braso ko para pigilan siya at saka ako umiling sa kaniya para manahimik na lamang siya. “Ayan na send ko na kay Pipay, siguradong matutuwa iyon.” “Sabihin mo na kung anong ipapautos mo nang makaalis na tayo rito,” bulong naman sa akin ni Winnie. Siya ang kumuha sa mga ito pero mukhang takot na takot siya. “Basta, huwag kang magpapapatay, sinasabi ko sa iyo. Huwag na huwag mong sasayangin ang career mo,” paalala pa niya. “Magagaling ba kayong umarte?” tanong ko sa mga goons na nasa harapan ko. “Oo naman. Hindi lang kami nag-u-audition kaya hindi kami artista. Pero magaling kami umarte. Kami pa ba? Ilang beses na nga akong nakalaya dahil umaarte akong magbabago na,” proud na sagot ng isa sa kanila. “Gagawin mo ba kaming artista? Sisikat na ba kami?” excited na tanong naman ng isa. “Yayaman na tayo!” excited na sigaw pa ng ama ni Pipay. Ngumisi ako sa kanila. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ko at tiningnan sila isa-isa. Base sa mga kilos at pananalita nila, mukhang sanay na silang gumawa ng masama. Pero ngayon, pipikiin namin ang gagawin nila. “Hindi. May ipapadukot lang ako sa inyo.” Napakunot ang noo nila. Habang si Winnie naman ay nanlalaki ang mga matang hindi makapaniwala sa sinabi ko. “Renzo, nababaliw ka na ba? Sisikain mo ang career mo!” puno ng pag-aalalang saad ni Winnie. Parang gusto niya akong pigilan pero alam niyang hindi ako makikinig sa kaniya. Tatlong tao lang ang pinakikinggan ko. Si Mommy, dahil alam kong concern talaga siya sa akin. Si Kenzo dahil wala naman akong choice, alam ko kasing kapag hindi ako sumunod sa kaniya, gagawa siya ng paraan para mapasunod ako. At si Kisha, walang dahilan, gusto ko lang sundin lahat ng sasabihin niya because she's my boss. “Madali lang pala. Sino ba iyang dudukutin namin?” tanong naman ng lalaking nakasandal kanina sa may slide at kanina pa tahimik. Ngumisi ako sa kanila. “Ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD