CHAPTER 31: Mahal Na Kita UNTI-UNTI RIN KUSANG natunaw ang yelo na bumalot kay Tres bago ko pa man sana ibubuhos sa kanya ang mainit na tubig na nilagay ko sa bowl. Tumakbo ako sa kuwarto sa taas na dati kong tinutulugan. Kinuha ko ang kumot sa kuwarto. Agad akong bumalik sa baba at binalot ko siya. Pinapahid ko rin ang kumot upang matuyo siya. Napakalamig niya pa rin. Muli akong bumalik sa taas hawak ang mga susi na nakuha namin sa kanya. Papasok ako sa kuwarto niya upang kumuha ng tuwalya at pang palit niyang damit. Bukas ang silid niya, na dati laging naka-lock noon dahil sa sekreto niya. Pumasok ako, bumalik sa alaala ko nang araw na muli ko siyang makita matapos niyang mawala, ang araw na handa akong ibigay sa kanya ang sarili kong dugo upang bumalik lamang ang lakas niya. At naal

