CHAPTER 30: Ang Bihag= TWIN ROCK BEACH RESORT = “PUMASOK KAYO,” UTOS ni Sharon sa dalawang bampira na nasa labas ng pinto ng kanyang opisina. Nagbukas ang pinto at pumasok ang dalawang babaeng college student na naka-uniform ng pang-nurse. Ang dalawang babae na kanina lamang ay costumer sa Happy Chicken. Kasunod lamang nina Tres at Bab ang dalawa sa pagpasok sa restaurant na pinagtatrabahuhan ni Arjay at Mengil, nagpapanggap na mga nursing student ang mga ito. Binati pa ni Arjay ang dalawang bampira. At nasaksihan nang mga ito ang nangyari kay Tres, nang biglang nakaramdam ito ng kakaiba at hindi maganda. Ang dalawang dalagang bampira rin ay kunwaring kinilig nang biglang pahiran ni Bab malapit sa labi ang mukha ni Tres. Biglang namatay ang opera music sa loob ng office room na pinakiki

