CHAPTER 45: Sana’y Muli Kang Makita “AKO NA ANG magda-drive,” sabi ni Bab. Papunta na kami sa ospital kung saan naka-admit si Mang Andoy. “Masyado kang mabilis magmaneho. Ikaw hindi ka mamamatay, pero ako, oo.” Seryoso siya. “Ano bang sinasabi mo?” sabi ko sa kanya. “Alam kong sorbang mahalaga sa ‘yo si Arjay. At ngayon, gigil na gigil ka dahil sa nalaman mo. Pero narinig mo naman na hindi sasaktan ni Troy si Arjay. At alam mo rin sa sarili mo ‘yon. Kaya sana, pagdating sa ospital nando’n tayo para kay Mengil. Para damayan siya bilang mga kaibigan,” pahayag ni Bab na may pinupunto. “Huwag mo naman akong husgahan, Bab. Kaibigan ko si Mengil, at kaibigan ko na rin sina Mang Andoy at Mang Ramon. At nasasaktan ako sa nangyayari,” disappointed na sabi ko. Walang sino man ang may karapatang

