CHAPTER 44: Kinakaharap

1657 Words

CHAPTER 44: Kinakaharap  BINAWI KO ANG aking kamay. Napakunot ang noo ng kaharap ko nang umayos ito ng upo at hinarap ako. Hindi siya si Arjay. “Bab?” sabi ko. Malungkot ang mga mata niya ngunit pinilit niyang ngumiti. “Mabuti na ba ang pakiramdam mo?” tanong niya. “Sa tingin ko?” sagot ko at bumangon ako, naupo ako. Nasa kuwarto ko kami. “Anong nangyari?” tanong ko. Dahil ang huling naaalala ko ay nang nasa Happy Chicken kami. “Isang araw ka rin walang malay,” sagot ni Bab “Ano?” pagtataka ko. “Martes na ngayon ng hapon,” sabi niya. “Si Arjay, may alam na ba siya sa mga nangyayari?” tanong ko. Umiling si Bab. “Wala pa kaming nasasabi sa kanya.” “Nais ko nang sabihin sa kanya ang lahat. Alam kong maraming katanungan ‘yon ngayon.” Napangiti ako. “Kilala ko siya. Magmamasid lang siy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD