CHAPTER 43: Unang Banggaan “HINDI KO AKALAIN, na sa lugar na ito, magagawa ko na agad ang dalawang dahilan ng pagparito ko,” saad ni Sharon. “Na ano, bantaan kami na itigil ang ginagawa namin?” maangas na tanong ni Tina. “Kayo ang dapat nang ihinto ang plano ninyo. Hindi lahat ng bampira ay ayon sa gusto mo! May batas ang mga tao at may batas tayo, Sharon. At ang pinaplano mo ay parehong labag sa batas ng tao at bampira.” “Umayon man kayo o hindi, wala kayong magagawa. At ako batas,” sagot ni Sharon na may pagmamataas. “May magagawa kami. Meron na meron. Kaya nga sumugod ka rito dahil kinakabahan ka sa maaring magawa namin!” sigaw ni Fatima. “Magsama-sama man kayo, isang batalyon ang nasa panig namin. Kung nais ninyo, magkaisa tayo,” nakangiting wika ni Rolando. “Akala ko pipi ka?”

