CHAPTER 33: Black Justice ARJAY “MAY KINALAMAN BA ang mga bampira sa nangyayari?” tanong ko kay Troy. Nasa kuwarto ko kaming dalawa. Nakaupo ako sa kama na nakasandal sa pader, habang nakahiga naman si Troy at nagsisilbing unan niya ang aking hita. Walang malay sina mama at Jane na may bisita kaming bampira. “Ang curfew ba ang tinutukoy mo?” tanong niya. “Oo,” matipid na sagot ko. “Gano’n ba kasama ang tingin mo sa amin?” wika niya. “Hindi ba, ang killer na hindi nahuhuli ang dahilan?” Hindi na ako umimik. Alam kong may kakaibang nangyayari. Gusto kong itanong iyon kay pinsan, baka kasi may nalalaman siya, ngunit hindi ko pa sa kanya matanong ‘yon. “Nakita kita kanina, galing ka sa bahay ni Tres,” biglang sambit niya. Hindi siya galit, ngunit malamig ang tinig niya. Hinaplos ko a

