CHAPTER 54: Damdamin Ni TroyLAKING GULAT KO nang makilala ko ang biglang nagsalita sa loob ng aking kuwarto. Bagama’t nakaramdam ng kaba, bumangon ako at binuksan ko ang ilaw ng aking silid. Hindi ko inisip tumakas, bagkus ay hinarap ko siya. “Troy?” tawag ko sa kanya. Ang dungis niya. Makikita ang putik sa kanyang damit at katawan maging ang mga natuyong dugo. At ang kanyang suot ay iyon pa rin mula nang iwanan namin siya ni Tres sa kagubatan. “Anong nangyari sa ‘yo?” Hindi ko naiwasang hindi mag-alala. At hindi ko malaman kung may takot ba akong nararamdaman sa kanya. Ngunit dumagsa ang kaba sa dibdib ko. Tinitigan niya lamang ako. Luhaan ang kanyang mga mata na para bang gusto niyang magsumbong sa akin. Mga matang naghahanap ng kakampi at makakasama. Pinaupo ko siya sa kama at naupo
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


