CHAPTER 53: JenaLUHAANG NIYAKAP SI Arjay ng kanyang mama at kapatid pagdating namin sa burol ni Mang Ramon. Sobrang nag-alala sa kanya ang mama niya at kanyang kapatid. At ang nirason pala ni Mengil, nagpasama ako ulit kay Arjay tulad ng dati na mag-ikot sa mga pasyalan sa isla. Napagsabihan pa tuloy ako ni Aling Nora, dahil wala si Arjay nang mga sandaling litong-lito sila at nagkagulo nang gabi ng aksidente. At lahat sila ay hindi makapaniwala sa sinapit nina Mang Andoy at Mang Ramon. Humingi ng tawad si Arjay. At maging ako ay humingi rin ng paumanhin. Dahil sa totoo naman na ako ang rason kung bakit siya wala sa masakit at malungkot na pangyayaring iyon sa kanilang pamilya. Napapangiti si Arjay. “Sorry, Dark, napagalitan ka pa tuloy ni mama,” aniya. Ngumiti ako. “Wala ‘yon. May kinal

