CHAPTER 52: Relasyon >< NIYAKAP KO SI Arjay matapos kong sabihin sa kanya ang nangyari kay Mang Andoy at Mang Ramon. Hindi siya makapaniwala. Napaluha na lamang siya nang nakatulala. “Nasa panganib na ba kaming lahat?” pag-aalala niya. Nabanggit ko na rin sa kanya ang nangyayari ngayon sa isla, ang tungkol sa pag-atake ng mga mutant vampire at sa balak ng mga taga-resort. Lahat ng tungkol do’n at sa iba pa naming hinala ay naibahagi ko na. Maging ang tungkol sa pakikipaglaban namin nina Mengil at Bab. At ang tungkol sa kanyang mga boss na mga bagong kasangga namin laban sa masasamang bampira. At nasabi ko na rin sa kanya ang tungkol sa dahilan kung bakit ako lumayo sa kanya at itinaboy ko siya, na dahil iyon sa kasunduan naming dalawa ni Troy. Dahil si Troy lang ang posibleng mak

