CHAPTER 51: Sugat ARJAY “DOON KA NA maligo sa dating kuwarto mo?” sabi ni Tres pagkapasok namin ng bahay niya. “Tsk! Dating kuwarto talaga? Na binigay mo kay Bab?” sabi ko sa kanya. Napangiti siya sa patampong sabi ko. “Sige na, maligo ka na at may pupuntahan pa tayo,” sabi niya. “Saan?” tanong ko. Bigla siyang naging seryoso. “Basta mamaya na lang pagkabihis nating dalawa,” aniya. At naglakad siya paakyat ng hagdan. Pinigilan ko siya, hinawakan ko ang kamay niya. “Doon na lang ako sa ‘yo, sabay na tayong maligo,” sabi ko. Hindi siya umimik. “Nahihiya ka ba na makita ko ang hubad na katawan mo? O naiilang kang makita ang buong katawan ko?” “Ano bang sinasabi mo?” tanong niya. “Nag-kiss na nga tayo ganyan ka pa,” pabirong hirit ko. Ngumiti siya. At biglang sumeryoso. “Hindi. Doo

