CHAPTER 50: Vaccine >< NAPAKATAMIS NG KANYANG mga labi. Napakalambot at napakabango niya na nakakaloko. Nakakabaliw. Na ayaw ko nang tigilan. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko, at naririnig ko rin ang t***k ng puso niya. Kabaliwan ba itong ginagawa namin? Hindi. Pareho kami ng kasarian ngunit pareho rin naman kami nang nararamdaman. Sa tingin ko hindi ito kabaliwan, ito ay pagmamahalan. Kapwa namin hawak ang mukha ng isa’t isa habang hawak niya ako sa likod ng aking ulo, habang ang isa kong kamay naman ay nakayakap sa kanya. Sa mahigit three hundred years na nabuhay ako sa mundong ito, hindi ko inakalang mararamdaman ko ang ganitong napakasarap na pakiramdam. Tila ba mula sa madilim na mundo ay nakagawa kami ng lugar na tanging kami lamang ang nakakaalam. Isang lugar na aming

