CHAPTER 47: Ang Pagbihag ARJAY MAY KAKAIBANG NANGYARI, tila huminto ang lahat, hindi na bago sa akin ang pangyayaring iyon na bigla na lamang iba na ang nangyayari sa harapan ko. Wala na ang pamilya ni Troy, naiwan na lamang nakabukas ang pinto ng Happy Chicken na bigla rin nagsara. At si Tres, nakahandusay na siya sa sahig. Nilapitan siya nina Hannah. At kami nina pinsan Mengil at Bab ay nagulat na lamang sa mga biglang nangyari. Agad akong kumilos at nilapitan ko si Tres. Naupo ako sa sahig at niyakap ko siya. Napakalamig niya at nanginginig siya. “Anong nangyari sa kanya?” puno nang pangambang tanong ko kina Hannah. Bago pa man makasagot sina Hannah, nawalan na ng malay si Tres. Ikuwenento nila kung ano ang nangyari, mga naganap na hindi namin nasaksihang tatlo nina pinsan at Bab.

