CHAPTER 48: Tres Versus Troy>---------- ARJAY PATULOY ANG PAGDALOY ng dugo sa aking leeg. May hapdi akong nararamdaman. Ngunit mas mahapdi ang pagbaon ng mga kuko ni Tres sa aking mga braso. Palapit na nang palapit ang kanyang labi sa aking leeg na nararamdaman ko na ang malamig niyang hininga. Tila hindi niya marinig ang pagtawag ko sa kanya. Batid ko na may iba nang nangyayari sa kanya ngayon. Ang kanyang mga kamay ay napakalamig at ang pawis sa kanyang mukha’t katawan ay kumikislap na tila naging snow ang mga ito. “Sige, ayos lang,” luhaang sambit ko. Tumingala ako, paanyayang ibinibigay ko sa kanyang ang aking sarili. Napapikit ako nang maramdaman ko ang paglapat ng kanyang mga labi sa aking duguang leeg. “Aaaaahhh! Kabaliwan!” sigaw ni Troy at malakas niyang sinipa sa mukha s

