Ikatlong Kabanata

671 Words
Sa mga nakalipas na mga buwan naging mas close kami ni Kal. Nalaman ko na rin na isa palang makapangyarihang kalahating Engkanto si Kal. Literal na prinsipe isa sya sa mga tagapagmana ng kaharian ng Engkantado pero hindi raw nya gusto kaya sya umalis at nanatili sa dimensyon ng mga tao.  Nabasa ko na sa libro ang mga uri ni Kal. Malalakas sila at may iba't ibang klase ng kapangyarihan. Ewan ko nga ba bakit naging magkaibigan kami. At napaka buti nya sakin madalas nga niyayaya nya ko lumabas. Isang gabi niyaya nya ko manood ng sine pumayag naman ako. Pagktapos nun ay tumambay kami sa may tabing ilog. Nagkukuwentuhan kami tungkol sa napanood namin ng biglang may lumitaw na parang multo na maitim at parang kamukha ni Kamatayan.  May dala itong ispada na parang kukuha ng mga kaluluwa. Napatalon kami ni Kal. At lumitaw nalang bigla ang ispada nya. Nakakapamangha ang paglitaw ng ispada nya pero sa dala na rin ng takot ay hindi ko na ito napansin at naka fokus ang tingin ko sa Multo. Nagsalita ang multo at sinabi nito Gusto kong kuhanin ang kaluluwa ng kasama mo. Ibigay mo sya sa akin at hindi ka masasaktan. Takot ako noong oras na iyon. Si Kal nasa harap ko at sinabi nya. Hindi ko ibibigay sayo ang kaluluwa ng mahal ko. Nabingi at natulala ako sa sinabi nyang iyon. Sumugod bigla ang multo pero nagliyab ang ispada ni Kal na animoy nasusunog ito. Nagtama ang ispada ng multo at ni Kal. Walang gustong magpatalo. Nagulat kami ng biglang lumitaw ang tatlo pang multo na may dalang libro. Sa sobrang takot ko ay nanginginig ako at napaupo. Sinabihan ako ni Kal na wag matakot. Tipong inaalo habang nakatingin sa mga kalaban. Sinabihan nya ko na pumikit, tinaong ko kung bakit ako pipikit. Pero sabi nya basta pumikit nalang daw ako. Pumikit ako at pakiramdam ko parang biglang uminit, sabi nya sakin wag daw akong gagalaw at didilat. Sinunod ko naman na wag gumalaw pero bakit kelangan wag akong didilat. Nagulat ako sa tili ng multo, na parang pinapahirapan ang boses at napakatinis. Tinakpan ko ang tenga ko. Narinig ko naman ang isa pa. Siguro dalawa na ang natalo ni Kal. Hindi pa rin ako dumidilat, pero pagkatapos ng pangatlong tili ay hindi nako nakpag pigil . Dumilat ako at nakita ko at katawan ni Kal nagliliyab sa apoy na tila isang Pulang sobrang init at napapalibutan kami ng isang kalasag. Matapos nyang mapaslang ang huling multo na parang kamatayan sa TV ang itsura eh napatingin sya sakin. Sabi ko sayo wag kang didilat. Bakit naman tanong ko sa kanya Ayoko kasing makita mo ko sa ganitong anyo ko. Hinawakan ko sya dahan dahan.. Mapapaso ba ko kapag hinawakan kita? Bakit di mo subukan? Dahan dahan kong hinaplos ang pisngi nya ng aking kaliwang kamay. Naghihintay akong mapaso pero wala akong naramdaman.. Napapikit pa ko sa takot Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan ang aking kamay.. Napaso ka ba? Sabay ngiti habang nagtanong Hindi.. nakatitig lang ako sa kanya at saka nagtama ang aming tingin at suminghap ng halik sa isa't isa. Niyakap nya ko yakap ko sya ng mahigpit. Dun na lumabas ang luha ko dahil sa nangyari kanina. Ayos ka lang ba? Tanong nya sakin.. Oo ayos lang ako.. nadala lang ako ng takot kanina..ngayon lang siguro sya nalabas ng tuluyan.. Yinakap nya ko at sinabi nya.. Hinding hindi ko hahayaan na may manakit sayo.. Marlow, mahal na mahal kita.. Unang beses ko palang kita nakita alam kong nakuha mo na ang puso ko.. Mahal din kita Kal. Nagyakapan kaming dalawa. Natulog kaming magkatabi sa apartment na inuupahan nya. Magkayakap kaming natulog. Kinabukasan ay may kumakatok sa pintuan. Nagulat ako at si Papa pala iyon kasama nya sina mama, at yung dalawa kong kuya mukhang alam na nila agad ang nangyari. Napaginipan daw ako ni mama. Pero sa panaginip nyang iyon alam nyang nangyayari ito, hindi rin sya agad pumunta kahit kaya ni papa dahil nakita nya na may nagproprotekta sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD