Kakarating ko lang sa syudad at nagulat ako sa inupahan ng aking ama. Isa pala itong condominium na 2 storey. Bukas na klase may hagdan at sa taas ang higaan ko. Nag ring ang aking phone.
Nak, andyan ka na ba?
Yes pa andito nako, ng biglang lumitaw ang aking ama sa harap ko.
Pa, nakakaloko ka naman, akala ko ba sabi mo wag gagamit ng kapangyarihan kapag hindi naman kelangan..
Aba syempre gusto kong makita kung ayos ka ba
Patingin nga ng condo, pwede na to sayo di ba?
Natawa ako kay papa, pwede na raw ba eh ang laki nga.
Natawa rin sya.
O sya basta ayos ka lang.. uuwi na ko baka sigawan ako ng mama mo.. alam nyang pupunta ako kaya pinabigay nya pala ito..
Nagulat ako kasi nalimutan ko yung libro ng mga magical beings. Eto ang regalo sakin ni mama noong birthday ko, para raw alam ko ang gagawin ko kapag naka encounter ako ng mga magical beings na pwede mag cause ng harm sakin.
Ahh sige pa, salamat pasabi kay mama salamat..
Natawa sya.. Alam na nya..
Mahal na mahal ka raw nya.. mag ingat ka lagi..
Bigla nalang nawala si papa..
Naka konekta kasi ngayon ang laman ng utak ni papa.. Kapag ata asawa mo ay isang Telekinetic type ay may kakayanan na rin silang basahin yung utak ng asawa nila o ng kanilang sinumpang mahalin.. Ewan ko ba kung paano yun nagwowork.. nawalan na kasi ako ng interest noong walang lumabas na kapangyarihan sakin.
Unang klase ko bukas, inantok na ko at natulog
Pagkagising ko ay nalimutan ko palang kuhanin ang mga maleta ko sa may pintuan. Hinila ko yung isa.. Naalala ko tatlo iyon. Nasaan na yung maliit hala baka naiwan sa ibaba.. agad akong bumaba pero sabi ng guard na pinagtanungan ko eh, may kumuha raw.. Hala..
Nasa may pintuan na ko at nagulat ako kasi may lalaking nakatayo sa may pintuan ko. Inabot nya sakin ang maleta at umalis. Ngumiti lang sya at tipong nangungusap yung mga mata. Matangkad sya sakin at halatang may itsura at tipong habulin ng mga kababaihan. Pero may kakaiba akong naramdaman sa kanya, parang di sya normal. Nararamdaman ko kasi kung isang normal na tao o hindi siguro dahil na rin sa dugo na pinanggalingan ko.
Kinuha ko yung bag at pumasok sya sa di kalayuang kwarto so sya pala ang may ari nung isang kwarto mayaman din siguro yun kasi sa floor na ito puro 2 storey at malalaking kwarto ang meron 3 nga lang pintuan sa floor na ito.
Wala naman nawala sa bag ko o kung may naramdaman ba akong kakaiba wala naman. Maingat ako sa paligid dahil na rin sa hindi ordinaryo ang aking pamilya.
Nasa eskwelahan na ko at normal naman ang mga bagay bagay. Mababait ang aming mga propesor. Unang araw palang kaya wala pa sigurong pressure. Kumukuha ako ng IT dahil na rin sa impluensya sakin ng aking kuya. Sa katunayan nga nyan ineenhance nya ang aking mobile phone. pero hindi ko yun pwede ipakita sa iba lalo na delikado, baka madiskubre pa ng iba, kelangan maging maingat sa lahat ng bagay. Yan kasi ang tinuturo samin lagi ng aming mga magulang.
Breaktime na at nasa canteen ako bumili lang ako ng sandwich kasi ayoko muna makihalubilo sa mga kapwa mag aaral. Nagpasya akong tumambay habang kumakain sa may ilalim ng puno ng Balete may upuan doon at malilim pati.
Nagulat ako kasi may nakiupo sa bench. Umusod naman ako at nakatingin sa malayo. Napatingin ako kasi nararamdaman kong tinitignan ako kung sino man sya.
Nagulat ako at yung kapitbahay ko pala yun.
Hello! bumati sya sakin.
Hi kamusta? salamat pala kanina sa pag abot ng maleta ko hindi nako nakapag pasalamat.
Wala yun ayos lang yun. Ako nga pala si Kal. Kal Prince.
Ahhh.. Natameme naman ako kasi mukha naman talaga syang prinsipe.
Ahh.. sorry.. napakamot ako sa ulo.. Ako nga pala si Merlow. Merlow Pineapple.
Kinagagalak kitang makilala Merlow.
Parang kinilig ako at hindi ko maintindihan ang sarili ko noong oras na iyon.
Kumain ka na ba? Pag aalok nya sakin.
Oo sa katunayan, meron pa nga akong extrang sandwich na binili, gusto mo ba?
Kakakain ko lang din pero sige kulang yung kinain ko hahah.. Sabay bitaw ng tawa