Ako si Merlow Pineapple. Tama ka Pineapple talaga ang apelyido ko. Nakakatawa pero kilala kami sa buong bayan dahil kami ang nagmamay ari ng malaking lupain, sakahan, bundok at isla dito sa aming bayan. Kilala ang aking magulang bilang mga negosyante. Ako ay 19 years old na at nagpaalam akong mag aral sa ibang bayan sa siyudad. Pumayag naman ang aking magulang kahit na medyo tutol sila. Medyo masama ang loob ko sa kanila pero ayos lang. Sa katunayan paalis na ko ngayon.
"Ma, Pa aalis na ko." Tinignan lang ako ng aking ama at ngumiti. Ang aking ina naman ay lumapit sakin.
Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo? Anak kahit wala kang kapangyarihan tanggap naman namin yun. Hindi naman lahat ng parte ng ating ninuno ay nagkakaroon ng kapangyarihan.
"Hindi naman yun ma" pagdedeny ko "Pero naramdaman ko naman na nadisappoint kayo noong birthday ko."
"Anak kahit wala kang kapangyarihan gaya namin at ng mga kuya mo eh, tanggap ka namin."
"Alam ko naman yun ma, medyo maluha luha kong sabi. Basta Ma tandaan mo na babalik naman ako sa bakasyon, saka alam ko namang mahal na mahal nyo ko nina kuya siguro nadisappoint lang ako sa sarili ko." pagdradrama ko
Tinignan lang ako ni mama. Yung tingin nya sakin parang maiiyak. Si papa at yung 2 kong kuya naman ay lumapit sakin.
"Nak tawagan mo kami lagi kung nasaan ka na. O kaya isigaw mo sa isip mo kapag kelangan mo kami, Inayos ko na yung titirhan mo doon. Tanggapin mo tong regalo ko sayo. " Nagulat ako at binigyan ako ni papa ng isang magical item, isa tong coin purse na kayang magtabi ng maraming gamit.
"May mga nilagay akong mga gamit dyan for emergency use." saad ni Papa
"Sige pa, niyakap ko sya. Dumito ka nalang kaya" pagbibiro pa nya.
"Ehhhh ok na ko pa. Saka kung sakali man eh tatawagan at tatawagin ko kayo kapag kelangan ko ng tulong."
"Sige nak. Pakiss nga sa bunso ko."
"Pa!!!!" sabay tawa nya
May dalawa akong kuya. Si Kuya Merken at Kuya Merlin.
Puro M talaga hahah.. Niyakap ako ni kuya Merken. Tahimik lang sya palagi pero kilalang kilala ako. Si kuya Merlin naman yung bibo bibo at clown ng pamilya. Sa totoo nyan nag aral din si kuya Merlin sa syudad pero di nya kinaya ang homesickness kaya pagkatapos ng isang taon umuwi na rin sya at dito na nya pinagpatuloy ang pag aaral.
Pinag bilinan nya ko sa mga bagay bagay.. gaya ng wag iinom ng maraming alak, wag magsisigarilyo at wag magdrodroga. Nakakatawa minsan si kuya pero alam kong seryoso sya sa paghahabilin siguro kasi iba sa syudad.
Alam ko naman na hindi ko gagawin yung mga yun. Gusto ko lang din matuto at syempre para na rin malayo sa iba naming kamag anak na andaming sinasabi kasi raw wala raw akong kapangyarihan gaya ng magulang ko at ng ibang kamag anak namin. Malaki rin ang expectation sakin kaya napressure na rin ako.
Kilala ang aming pamilya sa pulitika. Malaki ang kontrol ng mga ninuno ko dahil na rin sa taglay nilang kapangyarihan. Maraming klaseng kapangyarihan. Gaya ng sa aking ama at ni kuya merlin may kapangyarihan silang gumamit ng mahika. Si Mama naman may kapangyarihan syang gumamit ng Telekinesis.
Si Kuya Merken naman kaya nyang gumawa ng kahit anung makina. Minsan nga nagugulat nalang ako at may laboratory na na punong puno ng mga makina ang basement namin. Isa syang genius, ngayon lang nagkaroon ng ganitong kapangyarihan sa aming angkan. Madalas kasi ay mahika at telekinesis. Sabi sakin nina kuya lumabas ang kapangyarihan nila noong 18 years old na sila. Pero bago pa mangyari yun may mga signs na silang nararamdaman o nakikita samantalang ako wala akong nararamdaman.