Naglalakad na ako pauwi nang mapadaan ako sa isang simbahan. Huminto ako sandali at tinitigan ito. Matagal na rin akong hindi pumapasok dito mula nang iwanan ako ng aking asawa. Sinisisi ko ang Diyos sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. Nagalit ako sa Diyos dahil para sa akin ‘di ko deserve ang lahat ng hirap na nararanasan ko. Paalis na ako nang mapansin ang isang taong laman madalas ng aking isipan.
Nakita ko si Rey at ang babae niya na magka-holding hands palabas ng simbahan. Ikinuyom ko ang aking mga kamao. Gusto kong sugurin at saksakin ng ballpen ang mga ito.
“Ang mga wal*nghiya! Nagagawa pa magsimba gayon mga dem*nyo naman sila!” gigil na bulong ko sa sarili.
Susugurin ko na ang mga ito nang mabunggo ako sa isang katawan. Mabilis akong nahapit nito sa aking baywang upang alalayan sa napipinto kong pagbagsak. Pag-angat ko ng mukha ay natulala ako sa aking nakita. Gwapo, matangkad, at matipunong lalaki. Naka-shades ito na lalong nagpalutang sa kagwapuhan nito.
“Are you okay, Miss?” tanong nito sa akin. Tumango ako bilang tugon sa kanya.
Naalala ko si Rey at ang babae niya. Nilinga-linga ko sa paligid ang aking mga mata upang hanapin sila ngunit wala na ang dalawa.
“Miss, are you sure you’re okay?” tanong muli sa akin ng baritonong boses.
Doon ko lang naalala na hawak-hawak pa pala ako ng lalaking nakabanggaan ko. Mabilis akong lumayo sa kanya at yumuko upang humingi ng paumanhin. Tinalikuran ko ito at walang lingon likod na naglakad palayo sa kanya.
Kanina pa ako sa labas ng building at hindi malaman kung tutuloy ba o aatras sa pagpasok. Kinakabahan kasi ako at baka hindi ako matanggap dito. Lumapit ako kay Manong guard at tinanong siya kung mabait ba ang amo niya. Ibinida naman ni Manong guard ang kabaitan ng amo niya kaya nagdesisyon na rin akong pumasok sa loob. Umakyat ako sa tenth floor gamit ang elevator. Pagbukas ng pinto ay napansin ko ang isang babae na nakaupo sa mesang malapit, nilapitan ko ito at nagtanong dito. Tinitigan ako ng babae mula ulo hanggang paa.
“Grabe naman makatingin ‘to, akala mo kung sinong maganda,” bulong ko sa isipan.
“So, ikaw pala ‘yon nag-iwan ng application form kay Sir kahapon?” tanong niya sa'kin.
Napamaang ako sa sinabi nito, “Hindi ko po kayo naiintindihan sa sinasabi mo Mam, pero sa pagkakaalala ko po ay kay Manong guard po ako nagpasa kahapon ng application form. Maliban na lang po kung siya ang may-ari ng building na ‘to,” wika ko sa kanya.
Tinitigan ako nito na parang inaalam kung nagsasabi nga ako ng totoo. Tinaasan pa niya ako ng kilay bago tumayo at naglakad patungo sa may pintuan ng isang opisina. Kumatok siya sa pinto bago ito buksan at pumasok sa loob. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas rin ito at pinapunta na ako sa pintuang pinasukan. Bago pa man ako tuluyang makalapit sa pinto ay narinig ko pa ang sinabi niya, “Akin lamang si Sir Benjamin.”
“Sa’yo na Miss, may anak naman na ako,” mataray kong sagot sa kanya at pinaikot ko pa ang aking mga mata dahil sa inis dito.
Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok sa pintuan. Napanganga ako nang mapagsino ang kaharap ko. Lumunok muna ako ng laway bago nagsalita.
“Good morning Sir!” nauutal kong bati.
“Good morning Ms. Cruz, have a seat.” Itinuro niya ang upuan na nasa harapan ng kanyang mesa. Umupo ako rito at piping nanalangin sa isipan na ‘di niya sana ako makilala dahil sa nangyari kahapon doon sa simbahan. Nakakahiya!
“Have we met before Ms. Cruz?” tanong nito sa akin at tinitigan pa ako.
“No sir!” mabilis kong sagot at umiling-iling pa ako.
“I see...” Humihimas pa ito sa kanyang baba na tila nag-iisip. Tumingin ito sa kanyang application form at binasa iyon.
“So, you’re a single mother? How old your kid now?” tanong niya sa'kin.
“He’s two years old now Sir,” sagot ko naman sa kanya.
“You’re working as staff in the grocery, so why do you want to work here in our company?” muling tanong nito sa'kin.
“Balita po kasi na magsasara na ang grocery Sir, dahil mahina na ang benta nito,” malungkot kong turan.
"Okay, your hired Ms. Cruz! Your job here is assistant secretary. You can start tomorrow if possible.” Inilahad nito ang palad niya sa akin.
“Thank you Sir!” Tinanggap ko ang palad nito at nakipagkamay rito. Nailang ako sa simpleng pagpisil nito sa aking palad.
Nagpaalam ako at mabilis lumabas ng opisina na 'yon. Paglapat ng pinto ay nagtatatalon ako sa sobrang tuwa. Nakita ko sa gilid ng aking mata na inismiran ako ng babaeng nilapitan ko kanina. Nginitian ko ito ng ubod tamis bago tinalikuran. Masaya ako na may bago na akong trabaho!
“Lani, magpapaalam na ako sa’yo, may bago na kasi akong work simula bukas,” paalam ko sa kanya.
“Mami-miss kita girl!” malungkot niyang sabi sa akin.
“Pwede pa naman tayo mag-usap sa text. Tawagan mo lang din ako ‘pag may load ka,” nakangiting sambit ko at nagyakap kaming dalawa.
Gaya ng dati, naglakad lang ulit ako pauwi, wala na rin kasi akong pera. Hahanap na lang ako nang mahihiraman mamaya para may pamasahe bukas papasok.
Pagdaan sa simbahan ay huminto ako sandali at tinanaw ito. Gusto kong pumasok dito pero nananaig ang pride ko. Piping nanalangin na lamang ako sa aking sarili habang tinatanaw ito, “Hindi pa ako handang pumasok sa tahanan Mo, patawad!”
Maaga akong bumangon upang ‘di ma-late sa bago kong trabaho. Nagluto ako ng makakain namin ni Jerson at magbabaon rin ako sa trabaho para hindi na bibili ng lunch sa labas.
Pagdating sa building ay binati ko si Manong guard at nginitian naman ako nito. Pumasok ako ng elevator at pinindot ang close button nang may pumigil sa pagsara ng pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino ito.
“Good morning Sir!” nauutal kong bati sa kanya.
“Good morning!” tipid naman nitong sagot.
Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng elevator habang sakay nito. Nag-aalangan man ay nilakasan ko ang aking loob na magtanong sa kanya.
“Sir, pwede po ba’ng magtanong?” alumpihit kong sabi.
“Yes, what is that?” sagot naman niya sa akin.
“Ano po’ng name ng company natin?” Ewan kung bakit ‘yon ang lumabas sa bibig ko. Huli na nang ma-realize kong mali ang itinanong ko sa kanya. Nakakahiya!
“Oh, did I forgot to say it? By the way, our company name is Resurrection Trading Industry,” nakangiting sagot niya sa akin.
Namula ako sa sobrang hiya. Parang gusto ko nang magpakain sa lupa ng mga oras na ‘yun. Yumuko ako at ‘di na muling nagsalita pa. Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Narinig kong tumunog ang elevator hudyat na nasa palapag na kami ng opisina nito. Nginitian kami ng sekretarya nito. Bumati pa ito sa amo at saka ako binalingan upang palapitin sa kanya.
“Elaine, don’t forget what I’ve said, orient her and give her the right job.” Tumango naman si Elaine bilang tugon dito. Tumalikod na ang amo namin papasok sa pintuan ng opisina nito.
Unang itinuro sa akin ni Elaine, ang pagtimpla ng kape para sa amo. Pagkatapos ay may ibinigay siya na mga folder at ita-type ko raw ang mga ito. Need daw ng boss namin asap! Sinimulan ko ang pagtatrabaho at ‘di ko namalayan ang paglipas ng oras, alas tres na pala!
“Kaya pala parang naduduling na ako sa aking ginagawa,” bulong ko sa sarili.
Nilabas ko ang aking baon at sumubo na lamang habang ipinagpatuloy ang paggawa sa aking trabaho.
Bago sumapit ang oras ng uwian ay natapos ko ang mga ipinapagawa sa akin ni Elaine. Napatanga ito sa akin nang iabot ko sa kanya ang mga folder.
“Natapos mo?” tanong niya sa akin at tumango naman ako bilang tugon.
“Hindi mo naman kailangan tapusin lahat ‘yan ngayon dahil pwede naman din bukas gawin ang iba riyan,” sabi pa niya.
“Kaya ka naiipunan ng trabaho Elaine.” Napalingon kaming dalawa ni Elaine sa nagsalita.
Nakatayo sa may pintuan ng opisina niya si boss habang ang mga kamay nito ay nasa loob ng kanyang pantalon. Nakatingin ito sa aming dalawa ni Elaine at mukhang matagal nang nakikinig sa usapan naming dalawa.
Yumuko si Elaine dahil sa pagkapahiya. Humingi ito ng paumanhin sa kanilang amo.
“Ikaw dapat ang maging magandang ehemplo ng mga empleyado rito Elaine, ikaw ang sekretarya ko! Kaya dapat ikaw ang unang gumagawa sa mga utos na ipinapagawa ko. Iwasan mo ang pagpapabukas sa mga gawaing maaari mo nang gawin ngayon pa lang,” mahabang litanya nito kay Elaine.
“I’m sorry Sir, ‘di na po mauulit,” maluha-luhang sabi ni Elaine sa amo namin.
“Ang gusto ko ay magtulungan kayong dalawa sa mga trabaho rito. Walang dahilan para matambakan pa kayo ng mga gawain. Kung tapos na kayo sa inyong trabaho ay maaari naman kayong magpahinga. ‘Di ko rin sinabing pabayaan ninyo ang inyong mga sarili lalo na sa oras ng pagkain. Kumain din naman kayo sa oras ng breaktime ng ‘di kayo malipasan ng gutom. Mas makakapagtrabaho kayo ng maayos kung maayos din ang katawan ninyo.” Tumingin ito sa akin na parang ako ang sinasabihan lalo na sa kanyang mga huling sinabi.
Umiwas ako ng tingin sa kanya at iniyuko ang aking ulo. Nakita ko sa gilid ng aking mata na bumalik ito sa loob ng kanyang opisina.
Narinig ko ang pagsinghot ni Elaine, nilapitan ko ito at inabutan ng tissue. Tinanggap naman niya ito at humingi ng dispensa sa nangyari. Nginitian ko ito at niyakap upang iparating sa kanya na wala na sa’kin ‘yun.