“Grace, ikaw na muna ang bahala rito sa office habang nasa bakasyon ako.” Masuyong bilin ko kay Grace. “Alam na ba ni Mr. Resurrection ‘yang gagawin mo?” tanong niya sa akin. Umiling-iling ako sa kaniya, “Hindi, pero susubukan kong dumaan sa kaniya mamaya para magpaalam.” Lumapit ito sa akin at niyakap ako nang mahigpit. “Annalyn…” At hinagod niya ang aking likuran. “Dalangin ko na sa pagbalik mo ay natagpuan mo na ang kapayapaan na iyong hinahangad. Tulungan mo rin sanang gumaling ang sugat sa iyong sarili. Muli mo sanang buksan ang iyong puso para sa pagmamahal at kalimutan mo na ang pangit na nakaraan. Alam kong mahirap iyong gawin pero ikaw pa rin talaga Annalyn, ang siyang makakagamot sa iyong sarili,” mahabang hayag pa niya sa'kin. “Sana nga, Grace. Sana nga…” Sisinghot-singho

