Chapter 39

1947 Words

Paghinto pa lang sa garahe ng sasakyan ay mabilis ko nang binuksan ang pinto niyon at lumabas agad roon. Hindi ko na hinintay pa si Benjamin na makababa at mabilis na akong tumakbo papasok sa loob ng bahay. Parang may mga pakpak ang aking mga paa na mabilis kong narating ang silid ni Jerson. “Jerson!” Tawag ko sa anak pagbukas pa lang ng pinto ng silid nito. Naabutan ko itong nakaupo sa kama at nanonood ng cartoons sa TV kasama ang kaniyang yayang kinuha ni Benjamin. “Mommy!” Masayang salubong niya sa akin at tumayo pa siya sa kama sabay lumundag-lundag doon. “Baby!” Niyakap ko ito nang mahigpit at pinupog ng halik sa kaniyang mukha. “Mommy, ‘di na po ako makahinga.” Reklamo nito sa’kin at itinulak pa ako palayo sa kaniya. “Sorry, Baby! Na-miss ka lang ni Mommy,” saad naman ni Ben

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD