Pagpasok ko ng building ay napansin ko si Grace na nakayuko sa isang sulok. Sa malayo ay iisipin mo na parang wala lang pero ‘pag tinitigan mo siyang maigi ay malalaman mong umiiyak pala ito. Nilapitan ko siya at totoo nga ang hinala ko, umiiyak nga ito! “May problema ka ba, Grace?” tanong ko sa kaniya at inabot ang tissue sa kaniya. “Annalyn…” Humagulgol ito ulit. Nilapitan ko siya at niyakap. Hinagod ko ang kaniyang likod upang aluin. “Ganito pala ang pakiramdam nang iniiwan, Annalyn,” humahagulgol niyang sabi. “Bakit? Ano bang nangyari?” tanong ko sa kaniya. “Nakipaghiwalay ang g*go kong boyfriend. Hindi niya na raw ako mahal.” Lumakas lalo ang hagulgol nito kung kaya naman nakaaagaw na rin kami ng atensyon ng ibang mga staff na dumaraan. “Grace, sa office ko tayo mag-usap par

