Annalyn Cruz (POV) Masayang pinagmasdan ko buhat dito sa may pintuan sina Benjamin at Jerson na kasalukuyang naglalaro ng kabayuhan. Nakasakay ang tawa nang tawa na si Jerson sa likod ni Benjamin habang hawak naman siya ng huli upang ‘di mahulog sa likuran nito. Kung ‘di ko lang alam ang totoo na si Rey ang tunay na ama ni Jerson ay iisipin kong si Benjamin talaga ang ama nito. Sa dalawang linggong pananatili namin ni Jerson dito sa bahay ni Benjamin ay nakita ko kung gaano kaalaga sa’min ito lalong-lalo na kay Jerson. Ayaw niyang natutuyuan ng pawis sa likod ang bata. Sinusubuan pa niya ito tuwing oras ng pagkain. Tinatabihan niya rin tuwing gabi upang basahan ng iba’t-ibang uri ng libro at kapag nakatulog na ang bata ay saka pa lamang siya lilipat sa silid niya. Ang sarap i

