Benjamin Resurrection (POV) “Annalyn!” Mabilis akong humakbang palapit sa dalaga upang salubungin siya nang mahigpit na yakap. “Where have you been?” tanong ko sa kaniya. “Benjamin…” Parang batang nagsusumiksik ito sa aking dibdib. “Sinundo kita sa bahay ng magulang mo pero umalis ka na raw,” ani ko sa kaniya. Bigla itong humagulgol nang iyak at lalong nagsumiksik sa aking dibdib. Hinigpitan ko naman ang pagkakayakap sa kaniya at saka ko siya hinagod sa kaniyang buhok. “Sshh… Why are you crying?” muli kong tanong sa kaniya ngunit patuloy lamang siya sa pag-iyak. Nagtatanong ang mga matang tumingin ako sa gawi ni Santos at sa kaniya ako humingi nang kasagutan. “Boss, nakita ko po si Madam Annalyn sa simbahan malapit doon sa area ng mga kapatid ni Rey,” kakamot-kamot sa ul

