Nagpa-good shots ako kay Mr. Ong para ako ang mapili niyang ipadala sa dalawang araw na seminar para sa business venture na gaganapin dito sa Davao. Nalaman ko kasi na si Annalyn ang isa sa mga pinapupunta ni Mr. Ong at siyang makakasama ng isa pang staff na manggagaling din dito sa kumpanya. Mabuti na lang talaga at nagkasakit si Bryan kung kaya walang choice si Mr. Ong kundi ako ang ipadala. Dito sa Losyl Hotel and Restaurant naka-reserve ang aming mga silid at dito rin gaganapin ang dalawang araw na seminar para sa business venture na aming dadaluhan. “Mabuhay! Welcome to Losyl Hotel and Restaurant, Sir!” salubong na bati sa akin ng receptionist. “What’s your name, Sir?” magiliw pa nitong tanong. “Mr. Rey Alejandro!” Tumango ito at yumuko upang buklatin ang logbook na nasa k

