Kabanata 7

1841 Words
2 years later. “Hazel, papasok ka na sa work?” tanong sa akin ni Tiya Merna nang lumabas ako galing sa loob. Nakita ko siya na may dalang walis. Ngumiti naman ako at sinuot ang doll shoes. “Opo, kailangan kong maging maaga ngayon dahil mukhang maraming dadayo ngayon lalo na at tag-init,” sambit ko at tumayo at naglakad na patungong gate matapos kong maisuot ang doll shoes. “Si Zellor?” tanong ni Tiya kaya naman ay natigilan ako sa pagbukas ng gate. Nilingon ko si Tiya at napabuntong hininga. “Tulog pa po, pakisabi ay naging maaga ako,” sambit ko. Tumango lamang ito at nagpatuloy na sa pagwawalis. Sino si Zellor? Siya lang naman ang naging bunga ng makasalang nagawa namin ni Zachary. Pero hindi ko pinagsisihan na nabuo siya sa mundong ito, lubos ko ‘yong ikinasaya dahil hindi na rin ako nag-iisa. Hindi ito alam ni Zach. Bakit ko pa ipaaalam sa kaniya? Para maging magulo na naman? I am still trying to forget him pero kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin magawang kalimutan lalo na’t may remembrance siya sa akin. Arch Zellor Caballero is my one year old child na napakakulit. Inihabilin ko siya kay Tiya Merna. Noong dumating ako sa islang ito ay hindi ko alam na buntis na pala ako no’n, iyak ako ng iyak dahil nagbunga nga ang makasalan naming nagawa ni Zach. Pero kahit gano’n, hindi ko naisipan na ipalaglag ang bata lalo na’t wala naman siyang kasalanan. Kaya I raised him all alone. “Good Morning, Zel!” bati sa akin ni Leah, may dala na itong panlinis. “Good Morning, darating na ba ang mga bisita?” takang tanong ko. “Mamaya pa, pero may nag-request ng house keeping sa room number 2,” sambit nito. Tumango lamang ako at tuluyan nang pumasok sa loob ng resort. Malaki ang ipinagbago ng resort na ito lalo na’t ibinenta ito sa may isang maimpluwensya na pamilya. Kaya naman ay mas lalo lamang gumanda ang kabuuan ng resort at dinarayo na ng mga taga ibang lugar. Kinatok ko ang room 2. “House Keeping!” nakangising sambit ko while I am patiently waiting outside the room. Ito ang first rule bilang isang house keeper dito sa resort, ang pagiging patient. Kahit pa ma attitude pa ang customer at guest mo, kailangan mo pa ring ngumiti at ibaba ang pride mo. Nang bumukas ito ay napaatras pa ako ng konti nang makita kong sobrang kalat ang loob. Lalaki ang nagbukas nito at tingin ko ay kagagaling lang nila matapos sa pag s*x dahil makikita mo naman na nakakumot na lamang ang babae at ang mga damit nila ay nasa sahig na. “Come here,” the foreigner said and he open the door, widely. Pagpasok ko ay gusto kong lumabas dahil sa nakita. I even saw condom na nasa sahig na with a… jeez, I can’t explain. Why the hell do they have to request for house keeper if they can put it in the trash can themselves? But then, tahimik lamang ako habang nagsimula ng maglinis. Inuna ko ang malapit sa may banyo dahil mukhang may pag-uusapan pa yata ang dalawa. “Honey, I want a luxurious bag when we go back to the city. I want the expensive one since our night was kind ‘a rough.” Natigilan ako nang marinig ko ‘yon. OMG, Hazel, you need to stay focus. Please. “Alright, Honey. After the house keeper will clean our mess.” Kinuha ko ang dust pan at ginamit ang walis para mailagay sa dust pan ang isang condom at inilagay sa trash can. Ang iba pang mga kalat like mga bote ng alak at iba pa. Almost an hour yata ako naglilinis at gusto kong sumuka dahil sa naririnig ko. “I want to finger you baby…” My gosh! Please, huwag namang ganito! Why do I have to suffer like this? Nang matapos na akong maglinis ay agad agad akong lumabas sa kwartong iyon na namumula ang buong mukha. “Okay ka lang ba, Hazel?” Ma’am Emma asked. Tumango lamang ako at nilingon muli ang room 2. “Alright, pagsabihan niyo ang kasamahan niyo lalo na ang chef. We need to be ready dahil may mag anniversary sa resort natin kaya lots of work ang gagawin natin ngayon,” Ma’am Emma explained before she went to the other side of the resort. Ma’am Emma is our manager. Mabait naman siya kaya naman ay nagtatagal ako rito. Magaling din siyang mag-handle ng mga tao kaya naman ay na reward ito ng Best Manager of the year. Break Time, kasama ang mga kasamahan ko ay nakita ko sila na naglilista ng mga pangalan nila sa may isang maliit na papel. “Ano ‘yan?” takang tanong ko. “Para saan?” Ipinakita naman sa akin ni Joel ang papel. “May pa raffle ‘yong mag event dito. Sabi ni manager sali raw tayo kaya nilagay ko pangalan ko rito,” paliwanag nito at kinuha pa ang ballpen mula kay Leah. “Joel naman eh, hindi pa ako tapos!” reklamo ni Leah. Inilahad naman ni Joel sa akin ang papel at ballpen. “Oh, sulat mo pangalan mo. Baka ma swerte ka, para kay baby Zellor!” Ngumisi naman ako bago tinaggap ang papel. Sinulat ko ang pangalan ko at ang contact number, iyon lang din naman kasi ang kailangan para sa raffle. Kunot noo namang tiningnan ni Joel ang papel ko kaya naman ay medyo nagtaka ako. “May problema ba?” nag-alala kong tanong. “Akala ko Hazel tunay mong pangalan?” Nakita ko na natigilan rin si Leah at inagaw mula kay Joel ang papel at binasa. “Havana Zelaxies Caballero,” basa ni Leah at napasapo pa sa bibig. Napangiti naman ako. “Grabe, ang taas ng pangalan! Akala ko Hazel lang pangalan mo?” gulat na gulat na sambit ni Leah at napatingin sa akin. “Combination lang ang Hazel sa Ha at Zel ng name ko. Masyado kasing mataas kaya Hazel ang palayaw ko,” paliwanag ko. “Grabe, mabuti ka pa, ang ganda ng palayaw mo, itong kay Joel, Joela!” At natawa pa si Leah pagkatapos. Napairap naman si Joel. “I know right, kaya maghahanap ako ng fafables ngayong gabi!” excited na sambit ni Joel at napahampas pa sa lamesa. Napailing na lamang ako. Silang dalawa ang naging kaibigan ko dito sa Badian Island. Magaan ang loob ko sa kanila at kapag magkaproblema ako kay Baby Zellor ay pumupunta sila agad. “Tumayo na nga kayong dalawa d’yan!”sambit ni Leah at tumayo. Kinuha ko naman ang walis ko at tumayo na rin. “Hindi man lang ako nakapag beauty rest!” maarteng sabi ni Joel at kinuha na ang pa raffle at ibinigay sa isa pang kasamahan namin. Nang magsidatingan na ang mga bisita ay nagsidatingan na rin ang catering service na kasapi lang din ng resort na ito. Wala namang kaso dahil ang mga bisita ay naliligo pa at nag enjoy sa kanilang pagtulog kaya may oras pa naming ayusin ang lahat. Ang mga lamesa, upuan at mga balloons s’yempre. Mukhang galing sa mararangya ang iba dahil chopper ang kanilang sakay, makarating lang dito. “OMG! Nakakita ako ng isang papable kanina!” kwento ni Joel at siniko pa ako na busy sa paglagay ng mga baso sa kanilang lalagyan. “Ikaw talaga Joel, magtrabaho ka na nga lang diyan. Hindi ka pwedeng maglandi ngayon!” pangaral ni Leah sa kaniya at napailing. “KJ nitong si Leah, kulang kasi sa dilig!” Nanlaki ang mata ko at napatingin sa reaksyon ni Leah na ngayon ay inis na inis na. Napailing na lamang ako. Lilipat na sana ako sa isang lamesa nang tinawag ako ni Ma’am Emma. “Hello po, Ma’am!” nakangiti kong sabi. “Sila na ang bahala diyan,”sambit nito at sinenyasan ako na lumapit sa kaniya. “May nag request ng house keeping at tingin ko ay ikaw ang magaling din sa pagsasalita. Please be polite to them, they are our special guest.” Tumango naman ako at sinunod ang sinabi ni Ma’am. Ang pagkakaalam ko ay nasa room 12 ang isa sa mga bisita at malapit na ang out ko rito. Pero dahil request naman ni ma’am ay baka medyo matagalan ako. Dala dala ang trash bin walis, at dust pan ay kinatok ko ang room 12. “Come in.” Iyon ang narinig ko kaya naman ay ako na mismo ang pumihit sa pinto at tahimik na pumasok. Medyo nagulat ako na wala namang masyadong kalat ako kaya bakit palilinisan pa? “Good Afternoon, House Keeping!” I said to inform him that I am here. Nakita ko kasi ang isang lalaki na nakatayo sa may bintana, mukhang pinagmamasdan ang karagatan sa labas. Hindi naman ito umimik kaya naman ay naghanap na lamang ako ng malilinisan. Wala akong malinisan dahil malinis naman ang kwarto kaya naman ay naisipan ko na silipin ang banyo dahil baka ito ang tinutukoy ng guest na ipapalinis. Pero nang silipin ko naman ay wala kaya bumalik ako. “Sir I–” Napasinghap ako at nabitiwan ang walis nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon. “Z-zach…” Nanlamig ako lalo na’t walang imik ang lalaki na nakatingin na sa akin. Nang mapagmasdan ko siya ay mas lalo lamang siyang gumwapo. He is wearing his usual attire which makes him more handsome. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Masyado akong nagulat. “I know you’re here,” panimula nito at lumapit sa akin kaya naman ay napasandal ako sa pader. “I thought you just need space so I just let you. But then it’s been 2 years and you never contact me. How could you do this to me, hmm?” He said at nang makalapit na sa akin ay kinorner niya ako. Napalunok naman ako at nag-iwas ng tingin. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin at naamoy ko ang kaniyang mamahaling pabago. Hindi ko na alam kung itutulak ko ba siya or hindi. “S-Sir-” “Bullshit!” mura nito at sinampa ang isang palad sa tabi ko, making me jump a bit. “Now I haven’t process the annulment paper because I thought I would never see you in this Island again, but then it such a great timing for me.” He said and smirked. Hahalikan na niya sana ako nang itinulak ko siya ng malakas kaya naman ay nakalayo ako mula sa kaniya. “I don’t know kung ano ang ginagawa mo rito, Zach…” may nginig sa boses ko because the pain came again. “But I hope you will be loyal to your wife and give her a child.” After seeing him again, my heart beats fast even more. He chuckled and looked at me like my statement was just a joke. “Of course, I am loyal to my wife.” Tumango naman ako. “That’s good. Aalis na ako, Sir. Since wala naman akong lilinisan dito.” I said and push the trash bin towards the door. It was nice seeing him again pero at the same time natatakot din ako dahil kapag nalaman niya ang patungkol sa anak ko, baka kukunin niya ito sa akin. And I don’t want that. I love Zellor so much. Even if it cost me so much pain, it doesn’t matter. His Ex-Mistress will not let her child taken away from her. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD