Pagdating ko roon ay nagulat ako na may mga taong nag-aabang na may dalang bulaklak na mukhang pangsabit sa leeg. Gulat na gulat ako lalo na noong dumating ako ay sinabitan ako ng isang matandang babae ng bulaklak sa may leeg.
"Welcome to Badian Island, Hija!" nakangiting bati nito sa akin.
Nagtataka naman ako dahil hindi ako sanay sa ganito. Mukhang naramdaman yata niya ang pagkalito ko kaya naman ay hinawakan niya ang braso ko.
"Ito ang pabati namin sa aming bagong bisita, taga syudad ka ba hija?" tanong nito.
Inilapag naman ng binatang lalaki ang maleta ko sa gilid ko.
"Hindi po, taga Badian lang din po," sambit ko at nagpalinga-linga.
"Aba, so ano ang ginagawa mo rito hija?" tanong nito nang magsimula na kaming maglakad.
I am thankful kasi may mga ganitong klase na mga pag-uugali.
"Gusto kong magtrabaho rito," pag-amin ko. Iyon naman talaga ang pakay ko rito.
Nakita ko na nanlaki ang mata ng matanda.
"Talaga ba? Nako, tamang tama at ang Casa Resort ay naghahanap ng house keeper pero..." Pinasadahan niya ako ng tingin bago nagpatuloy. "Hindi bagay sa 'yo ang house keeper."
"Ah, wala naman po 'yon sa bagay. Hindi naman ako mayaman, talagang naghahanap ako ng trabaho."And also to start anew.
"Sige, hija!" tumango-tangong sambit nito. "Pero may matutuluyan ka ba?" tanong nito at alalang napatingin sa akin.
Napakamot naman ako sa batok ko bago ko siya sinagot. "Wala nga po e, may alam ka po ba na mauupahan dito?"
"Marami naman dito hija, mangungupahan ka?"
Tumango agad ako at binuhat na lamang ang maleta dahil sa buhangin.
"Nako, hijo! Halika rito. Tulungan mo si Miss!" tawag nito sa isang batang lalaki na mukhang nasa edad kinse. Lumapit naman ito at nagmano sa Ali.
Nang mapatingin ito sa akin ay agad naman itong ngumiti at kinuha mula sa akin ang maleta.
"Sumunod ka sa 'kin, Hija!"
Ang Isla ay sagana sa mga punong kahoy at dagat. Hindi ko akalain na maganda pala talaga ang Isla. Sobrang bait ng mga tao dahil sa pagtrato pa lamang nila sa iyo.
"Merna, may uupa na naman. Baka naman may bakante ka pa diyan!" sigaw ng Ali.
Nasa may tapat kami ng isang gate. Lumabas naman ang isang hindi katandaang babae. Naka daster lamang ito at mukhang bago pa lamang na gising. Nang makita kami ay agad agad itong lumapit at binuksan ang kawayan na gate.
"Hala, magandang umaga! Hali kayo, pasok!" anyaya nito at binuksan ng malaki ang pintuan.
Nahuhulaan ko na simple lang ang pamumuhay rito. Ang bahay ay gawa sa kahoy pero alam mo na matibay. Hindi rin maipagkaila na sobrang creative ang may gawa nito dahil kahit kahoy lamang ay maganda pa rin.
Nang makapasok kami ay nagulat ako na tiles ang sahig at sobrang ganda ng loob. Taliwa sa labasang anyo. Mas maganda ang nasa loob.
"Umupo kayo rito, pasensya na at hindi ako nakapaglinis. Bagong gising pa kasi ako," paghingi nito ng paumanhin at lumisan saglit.
Umupo naman kami sa may kahoy na upuan. Ang binata naman ay nilapag na sa may gilid ko ang maleta.
"Salamat."
"Hija, maganda ang lugar namin at masyadong peaceful. Bihira lang din ang krimen dito dahil isla. Hindi kasi kami papayag na lagyan ang bridge ang isla dahil marami nang makakapasok. Kaya tuwing eleksyon ay talaga namang boboto kami ng tama para lang hindi matupad ang plano nila," pagkwento nito.
Tumango lamang ako. Ayoko talaga sa politika. Zachary Villacorta's family is a well-known politician in the whole Badian pero nasa Moalboal ang ibang kapamilya nito.
Nang bumalik ang babae ay may dala na itong susi.
"Halika hija, may bakante pa kaming upahan dito. Baka magustuhan mo," sambit nito at nauna nang pumunta sa may kaliwang parte ng bahay.
Tinanguan lamang ako ng Ali at nginuso na sumunod. Nagpsalamat naman ako sa kaniya bago ko kinuha ang maleta ko.
Nang makita ko ang matutuluyan ko ay sobrang simple lamang niya. May kotson at electric fan. May banyo rin kaya sakto na ito sa akin.
"Mura lang naman ang buwan dito hija, dahil lahat ng uupa rito ay pamilya na ang turing ko," sambit nito.
"Salamat po."
Nang ako na lamang mag-isa ay sinarado ko ang pinto at umupo sa may kama. Hindi ko akalain na mapupunta ako rito. Kakayanin ko ang lahat. Kakalimutan ko na siya, baka sa islang ito ay makahanap ako ng tunay na saya para sa sarili ko.
Kinabukasan ay sinamahan ako ng Ali. Ang kaniyang pangalan ay Jessa at sabi niya at Tiya Jes na lang daw ang tawag ko sa kaniya.
Sinamahan niya ako patungo sa may resort dahil sasamahan niya ako sa pag-aapply. Sobrang saya ko dahil para na siyang nanay sa akin. Hindi niya ako pinabayaan kahit na kahapon ko pa lang siya nakilala.
"Leah! Halika nga rito!" tawag ni Tiya Jes sa isang babae na naglilinis ng pool.
Natigil naman ito sa paglilinis at kunot noong lumapit sa amin.
"Magandang umaga, ano po 'yon, Aling Jes?" tanong nito at takang napatingin sa amin.
"May hiring pa kayo sa housekeeping 'di ba?"
Tumango naman ito.
Hinawakan naman ni Tiya Jes ang kanang balikat ko. "Ito kasing si Hazel ay mag-aapply bilang housekeeper."
Umawang ang labi nito. "Hala, Aling Jes, salamat." Bumaling ito sa akin. "Pasok kayo, narito ang manager, baka sakaling matanggap ka agad. May dala ka bang resume?" tanong nito.
Tumango naman ako sabay pakita sa envelope na dala ko. Of course, ready ako sa lahat.
"Hali kayo, dumaan kayo sa main gate. Wala pa namang masyadong bisita ngayon," sambit nito at bumalik na sa paglilinis.
I never thought that this day would come. I never thought that I met nice people in this nice peaceful place. I never thought that I accept my new me.
2 years had passed, everything has changed. My physical self, my perspective towards others, and also I met new family. But then there's still one thing that didn't change 'till now, and that is my love for him.
I still love him.
Wala na akong balita sa kaniya and nasasaktan ako sa tuwing maalala ko na naman siya. How was he? May anak na kaya siya? Sila pa rin kaya ng asawa niya? Did he love her already?
I know na sobrang nasaktan ko siya at nasaktan niya rin ako. But ang magparaya at ang magpakalayo ang dapat lang na gawin. Because I'm the mistress, I am the one who ruin their relationship even though it was just an arrange marriage.
I wish na hindi ko na siya makita. I will totally live on this Island, forever. I will totally settle, with my new family.