Kabanata 5

1262 Words
“Ms. Caballero, this is so sudden,” Ma’am Tea tried to convince me not to resign but it is my decision. I just don’t want to see Zach anymore. Baka mas lalo lamang akong magkakasala. This is not right. Nasasaktan ako para sa sarili ko at para sa asawa niya. Pareho niya lang kaming ginago. Umiling lamang ako at yumuko. I wanted to cry. Wala akong masabihan sa problema ko. I can’t even tell Sarah everything because, in the first place, she doesn’t even know my relationship with Zach. Hinawakan naman ni Ma’am Tea ang kamay ko at hinaplos ito. “May ginawa ba kaming mali? Did something happen at the party, hija? May ginawa ba ang anak ko?” sunod sunod na tanong nito. Napakagat ako sa aking labi at nag-angat ng tingin. Nakita ko ang pagsusumamo sa mata ni Ma’am Tea. “No, Ma’am,” sambit ko at napailing. “Napakabait niyo sa akin, Ma’am. Hindi po ‘yon ang rason ko. May mas malalim pa po ako na rason kung bakit ko kailangang mag resign. Salamat po sa lahat, Ma’am.” sambit ko at ngumiti sa kaniya. Tumango naman si Ma’am Tea at binitiwan ang kamay ko. Kumirot ang puso ko dahil mahirap talaga bitawan ang trabahong ito dahil napamahal na sa akin. But, I need to sacrifice for something. Kailangan ko munang magpakalayo at magbagong buhay, without him. Gusto kong buuin ang sarili ko. My mom was a mistress and so as I. At sa tuwing maiisip ko iyon ay kumikirot ang dibdib ko. Without knowing, mang-aagaw na ako. Dahil ako ang babae, ako dapat ang dumistansya mula sa kaniya. That’s the less thing that I could do so that Zach won’t bother me anymore. “Sige, Hija. Salamat din sa serbisyo mo. Pero if ever you change your mind, please come back. You know my number.” That was the last word of Ma’am Tea before I finally resigned in their company. “Gagi! Hindi ako makapaniwala, bakit?” tanong ni Sarah sa akin habang ako ay iniligpit ko na ang mga gamit ko sa lamesa. Umiling lamang ako at nagpatuloy sa pagligpit. “Aba, gaga ka! Iiwan mo ako rito? Ano ba ang problema mo at napagdesisyunan mo ang umalis?” Huminga ako ng malalim at nilingon siya. “Sarah, kailangan ko munang hanapin ang sarili ko.” Kinuha ko ang mga nakadisplay at inilagay sa kahon. “Ang daya!” may tampo sa boses nito. “Sorry na nga, Sarah. Kailangan e, soon sasabihin ko rin sa ‘yo.” sambit ko at nang matapos ay lumabas na ako sa opisina ko dala dala ang kahon. “Hazel-” “Ms. Santos, please continue your work,” narinig kong sambit ng isa sa mga head. Nang makita ako ay napatango lang ito at tumalikod. Napabuntong hininga na lamang ako at naglakad palabas. “Hi, Ma’am Hazel!” bati ng security guard at binuksan ang glass door. “Thank you po, Manong Choy. Last day ko na po ngayon,” sambit ko at nginitian ang mga pumasok. “Hala ma’am, nag-resign ka po?” Tumango lamang ako at lumabas na. Tricycle lang naman ang sasakyan ko patungo sa inuupahan ko. Pero habang naglalakad ako patungo sa may parking lot ay aksidente akong nabangga ng isang babae kaya naman ay nahulog ang kahon at ang nasa loob nito. “OMG! I am so sorry!” Nanigas ako sa aking kinatatayuan at napatingin sa babae na pinupulot ang mga nahulog kong dala. Siya ang asawa ni Zachary. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Sobrang kabado ako lalo na’t pinupulot niya talaga ‘yong dala ko kaya naman ay agad agad akong napaupo at pinigilan siya sa kaniyang ginagawa. “Ako na,” sambit ko. Nang mag-angat siya ng tingin ay nagtama ang kanilang mga mata at nagulat ako nang nginitian niya ako. “It’s okay, Miss. It’s my fault anyway,” sambit nito sa mahinhin na boses at nagpatuloy sa pagpulot. Nahagip ang aking paningin sa kaniyang kaliwang kamay at nakita ko na may singsing ito. Natulala ako saglit at kung hindi lamang ito tinawag ng kaibigan nito ay baka naulol na ako sa sobrang pagkatulala. “Chie, what the hell are you still doing?” Narinig kong tanong ng isang boses babae. Mukhang papalapit ito sa amin kaya naman noong matapos ay tumayo na kami pareho at hindi ako makatingin sa kaniya. “Uh, nagkasala ako. I bumped her, that’s why,” she said and looked at me. “Sorry talaga, Miss.” sambit nito at ngumisi. Tumango lamang ako at nakita ko naman ang kaibigan niya na tinaasan ako ng kilay. “We should go, Chie, Zachary is waiting!” Umawang ang labi ko nang marinig ko ang pangalan ni Zach. “Oh, Yes, nakalimutan ko.” Lumingon naman ito sa akin. “We need to go, I’m sorry ulit.” And she waved at me. Hindi ko alam kung ikasasaya ko ‘yon. Mas lalo lamang akong naging guilty dahil doon. I need to get out of this place. I need to. That’s the only thing I could do. When I went home ay dumeretso ako sa may kama at napatingin sa phone ko. 35 missed calls, lahat ng iyon ay kay Zachary galing. Kaya kinuha ko ang battery ng phone ko at inilagay sa may kahon. This is for the best. Maghahanap na lamang ako ng bagong trabaho sa malayong lugar. Kailangan ko rin kasing padalhan ng pera ang Nanay ko kahit galit ‘yon sa akin. “Hija, hindi ka man lang nag buwan dito,” sambit ng land lady at napatingin sa maleta ko kinabukasan. Nagpapaalam kasi ako na aalis na ako. At hindi ko naman kukunin ang pera ko dahil tumira naman talaga ako. “Oo, maghahanap kasi ako ng ibang trabaho. Uuwi lang naman ako sa amin pero hindi sa bahay namin,” sambit ko at nginitian siya. Nakita ko naman na medyo naawa siya sa akin. Mukha ba akong nakakaawa? Mukha ba akong ganoon? Sakay ng bus ay umuwi ako sa Badian. Ilang minuto lang ang naging byahe hanggang sa huminto ito sa may lungsod. I am planning to visit my mom pero alam ko na baka sisigawan na naman ako no’n at paaalisin. Dumeretso ako sa may Sima kung saan maraming namamasaheng bangka patungo sa Badian Island. Doon ang punta ko. Parte pa rin naman ito ng Badian ngunit Isla na ito. Kadalasan resort lang talaga ang naroon pero maybe I could find a better job and a place to stay. “Ganda, Pa isla ka?” tanong sa akin ng isang binata. Napalingon naman ako sa bangka na nasa likuran niya. “Oo,” tipid kong sambit at inayos ang sarili. Nakita ko naman ang galak sa mukha nito at agad pinuntahan ang bangka. “Tamang tama, aalis na kami, may kasama tayo, dalawa po kayo.” At may nginuso siya. Nang nilingon ko ito ay isa itong babae na mukhang tambay. Sorry, iyon ang nakikita ko, mukha siyang gangster. “Cathy, tara na!” sigaw nito at sumakay na sa may bangka. Sumunod naman ako sa binata at inuna niya kinuha ang maleta ko bago ako inalalayan pasakay sa bangka. Sobrang linaw ng tubig dagat at parang gusto ko tuloy maligo. Baka iyon ang gagawin ko pagdating ko. Pero I need to find a job first dahil baka mamamatay ako sa gutom. Ano naman ang trabaho na available doon? House keeping? Try ko magtanong pagdating doon. Nang umabante na kami ay halos magningning ang mata ko kahit malayo pa. Kitang kita ko na ang Isla na may maraming puno at nakita ko agad mula rito ang isang resort. Napangisi na lamang ako sa aking sarili. Maybe this Island could make my heart heal. Maybe this Island will make me forget about him. And maybe this Island will be my comfort and my new home.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD