Ilang araw matapos mangyari iyon ay napag-isip isip ko rin na pumayag na lang sa gusto ni Zach. Ilang araw ko ring pinag-isipan ito at napagdesisyonan ko na sumang-ayon. Hindi dahil sa napilitan ako, dahil alam ko na kahit anong mangyari, hindi ako tatalikuran ni Zach. Iyon ang naging lakas ko para sumang-ayon. I called Zach earlier na sasang-ayon ako. He said he will fetch us later since may ginawa pa siya. “Grabe, meet the parents na agad.” Hindi makapaniwalang sabi ni Sarah habang nakakandong sa kaniya si Zellor. “Kinakabahan ako!”Hindi ko mapigilan na sabihin ‘yon. “Baka ayaw nila sa akin.” Kinurot naman ni Sarah ang tagiliran ko kaya naman ay napatayo ako at napalayo sa kaniya. “Aray ko! Namimihasa ka na ah!” Nilakihan ko siya ng mata. Inirapan niya naman ako at hinaplos ang buh

