I can’t believe na engaged na ako sa kaniya, kay Zach. Never in my entire life na hahantong kami sa ganito. I thought na magiging miserable na lamang habang buhay ang buhay ko. Kinabukasan, ay todo asar na naman si Sarah sa akin. Wala yatang plano ang babaeng ito na maghahanap ng trabaho. Hindi ko alam kung ano na ang gusto niya sa buhay. Mukhang marami yata siyang ipon. “Uy, kakainggit ah!” Inangat niya pa ang kamay ko kung saan naroon ang singsing. “Ganda naman ng singsing!” At kinurot niya pa ako. Napakagat naman ako sa aking labi at lumubo na ang pisngi ko dahil sa pagpipigil ng ngiti. “Dug dug, dug dug!” At tumili ito, mukhang mas masaya pa si Sarah kesa sa akin ah. “Ewan ko sa ‘yo,” tumayo ako at kinuha ang phone na nasa lamesa para silipin kung may mensahe ba si Zach pero n

