ANTONETTE "Eto na ang pinakahihintay-hintay na moment ng mga matagal nang single diyan! Pumila na kayo para kayo naman ang sunod na ikasal!" masiglang sigaw ng host. Nangunguna si Crystal at Freda sa pagpunta sa harapan. Nagtulakan pa sila para mauna sa pwesto kung saan nakatapat mismo kay Jordana. Pati si Rajah ay hindi rin nagpahuli. Nagpumilit ding makalapit sa bride. My heart is filled with joy as I watch my beautiful niece in her stunning wedding gown. Bakas na bakas ang kaligayahan sa kanyang mukha, from her never ending smile to the glistening eyes. Walang anumang bakas ng pagsisisi o pag-aalinlangan. She's really happy and excited to embrace this new chapter of her life. Simula nang nagdesisyon siyang magpakasal, the Dana who only lived and cared for her future rich self complet

