JORDANA "She's positive in serum test. She's pregnant. Wala namang problema sa kalusugan niya, normal naman ang iba niyang laboratory result. Kailangan niya lang magpahinga baka napagod lang siya kaya nawalan ng malay." Dahan-dahan akong nagmulat. Narinig ko ang sinabi nang nagsalita. I didn't move an inch. Tanging mga mata ko lang ang gumalaw patungo sa direksiyon ng pinanggagalingan ng boses. I saw Tita Tonette and William talking intently to the doctor. William was seriously listening with worries in his eyes. Samantalang ang tiyahin ko naman ay nakahalukipkip at lukot ang noo. I couldn't tell kung nag-aalala ba siya o nagagalit. She's the one who kept asking the doctor. "Ilang buwan na ho siyang buntis? Kumusta ang pagbubuntis niya? Maselan ho ba kaya siya nahimatay?" she asked. "W

