TERRENCE Kaharap ko si Steven. He's my first appointment on my busy Monday. Nagkita kami sa isang di gaanong kilala at mataong coffee shop to have light breakfast and private talk. Hindi na ako nagulat sa pagsulpot niya sa bansa. Kakabili pa lang nila ng ticket pauwi ng Pilipinas ay naitimbre na sa akin ni Mr. Molina. Simula nang sinabi ni Tonette na dinidemand niya kay Steven ang pag-uwi sa Pilipinas, I decided to still keep him under my radar. Di nagkamali ang kutob ko na pagbibigyan niya ang kagustuhan ni Tonette. "I return to annul my marriage. But Mr. Kim, can you give me your assurance that you can protect Tonette?" diretsong salita niya sa akin. I was calmly spreading butter to my toast using the bread knife. Napangisi ako at ibinalik sa plato ang tinapay. "Kinukuwestiyon mo b

